Inday TrendingInday Trending
May Taning na ang Buhay ng Lalaki Pero Pinakasalan pa Rin Siya ng Nobya; Mas Mauuna Pa Pala Ito sa Kaniya

May Taning na ang Buhay ng Lalaki Pero Pinakasalan pa Rin Siya ng Nobya; Mas Mauuna Pa Pala Ito sa Kaniya

“W-What?!”

“You heard it right, Miriam, tinatapos ko na ang relasyon natin,” matigas na wika ni Dindo sa nobya.

“B-But w-why? A-anong nagawa kong masama?” umiiyak na tanong ng babae.

Malungkot na nilingon siya ng lalaki. “Wala, wala kang nagawang masama. Para na rin ito sa kabutihan mo.”

Masakit man sa kalooban ni Dindo pero kailangan niyang makipaghiwalay sa kaniyang kasintahang si Miriam. Limang taon na ang kanilang relasyon, nagkakilala sila sa party ng matalik na kaibigan ng babae. Tahimik lang siya noon at hindi palakibo pero nang makausap niya ang madaldal at palabiro na si Miriam ay nagbago siya, nawala ang kaniyang pagkamahiyain. Madali silang nagkagaanan ng loob hanggang sa naging magkaibigan sila at ‘di nagtagal ay humantong sa seryosong pagtitinginan. Nahulog ang damdamin nila sa isa’t isa at naging magkasintahan.

Pero ngayon, umiiyak din ang puso niya habang naglalakad palayo sa babaeng pinakamamahal niya. Kung durog ang puso nito, mas durog ang sa kaniya.

“Ngayon mo na ako iyakan, Miriam. Higit na magiging magaan sa dibidb ang aking pagkawala, kung maaari nga lang ay masuklam ka sa akin. Sa ganoon, eh magiging madali para sa iyo na limutin ang mga bagay na may kaugnayan sa ating dalawa,” bulong ni Dindo sa sarili.

Walang tigil naman sa pagluha ang babae habang pinagmamasdan siya sa malayo. Sa isip niya ay mauubos din ang luha ni Miriam, matatanggap din nito ang nangyari sa kanila.

Pag-uwi sa bahay ay agad siyang kinausap ng kaniyang ina.

“Sinabi mo na ba kay Miriam ang dahilan?” tanong nito.

Umiling siya. “Ayokong malaman niya ang totoo, mama. Mas mahirap para sa isang babae iyong mamat*yan ng nobyo. I love her so much, pero ayoko siyang itali sa isang pag-ibig na malapit na rin namang mamaalam,” tugon niya.

Hindi napigilan ng mama niya na yakapin siya. Awang-awa ito sa kaniya. “O, ang anak ko,” sambit ng ginang habang humahagulgol.

Iyon ang tunay na dahilan kung bakit nagawa niyang hiwalayan si Miriam, dahil sinabi sa kaniya ng doktor na may taning na ang buhay niya. Stage 4 na ang sakit niyang k*nser sa bituka kaya imbes na pahirapan pa niya ang nobya sa kanilang relasyon, nagdesisyon siyang tapusin na ito. Ayaw niyang labis na masaktan ang nobya sa nalalapit niyang pagpanaw kaya mabuti nang masaktan ito nang maaga sa pag-iwan niya rito nang buhay pa siya kaysa sa paglisan niya dahil sa kamatay*n.

Ang totoo, hindi naman siya takot na mawala. Nakahanda na nga siya eh, kaso dumating sa buhay niya si Miriam. Hindi naman niya inakala na mauuwi sa pag-ibig ang nararamdaman niya para rito. Sa sobrang pagmamahal niya sa nobya ay ayaw na niya itong bigyan pa ng matinding alalahanin. Pero sadyang mahal siya ni Miriam, pinuntahan siya nito sa bahay nila at hinarap siya.

“Ano pang ginagawa mo rito? ‘Di ba, nakipaghiwalay na ako sa iyo?” aniya.

Nilapitan siya nito, niyakap siya nang mahigpit.

“Alam ko na ngayon ang dahilan, Dindo, kung bakit ka nakipag-break sa akin. Sinabi na sa akin ng mama mo,” tugon ng babae.

“S-sinabi ni mama?”

“Oo, at hindi iyon magiging hadlang para patuloy kitang mahalin, Dindo. Sasamahan kita, hindi kita iiwan. Palagi lang akong nasa tabi mo.”

“Malala na ang sakit ko. May taning na ang buhay ko, malapit na akong mawala. Maiiwan na kita kaya mabuti pa ay kalimutan mo na ako. Iwan mo na ako!” naluluhang sabi ni Dindo na hindi na napigilan ang emosyon.

“Ayoko! Let me be with you habang narito ka pa. Handa ako sa anumang consequences dahil mahal na mahal kita,” naiiyak na ring tugon ni Miriam.

“Pero mahihirapan ka lang. Hindi ko kakayanin na makita kang nalulungkot dahil sa akin,” sabi niya.

“Handa kong tiisin ang lahat para sa iyo, Dindo. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung wala ako sa tabi mo sa mga nalalabi mong oras. Handa akong magpakasal sa iyo. “

Dahil mahal na mahal niya si Miriam ay muli siyang nakipagbalikan dito. Sa sinabi ng babae ay biglang ayaw na niyang mawala nang maaga, hindi para sa sarili niya kundi para sa babaeng pinaka-iibig niya. Kahit alam niyang malapit na siya sa hangganan ay pinakasalan pa rin niya si Miriam.

Nang magsama sila bilang mag-asawa ay damang-dama niya ang langit. Pinaliligaya ni Miriam ang mga nalalabing araw niya sa mundo. Wala itong sinayang na panahon. Mas lalo nitong pinalalim ang kahulugan ng pag-ibig para sa kaniya.

“Sayang, ano? Ang ganda-ganda ng love story natin pero…naka-ready na agad ang malungkot na ending,” malungkot niyang sabi sa kaniyang misis.

“Hindi sa haba ng panahon sinusukat ang ligaya, mahal, nasa dalawang nag-iibigan pa rin’yon,” tugon nito saka masuyo siyang hinalikan sa labi.

Pero kahit masaya sila ngayon, nag-aalala pa rin si Dindo para sa kaniyang asawa kapag dumating na ang takdang sandali.

“Paano ka kapag wala na ako?”

“Hindi na ulit ako magmamahal, Dindo. Habang nabubuhay ako’y alaala mo lang ang narito sa puso at isip ko,” sagot ni Miriam.

Dahil sa tinuran ng babae ay siya naman ang masuyong humalik rito.

“You’re really one in a million. Hindi kayang ipaliwanag ng mga salita ang nadarama ko para sa iyo, Miriam. I love you so much,” aniya.

“I love you too, mahal. Naku, tama na nga, baka mag-iyakan na naman tayo, eh,” nakangiting sabi ng kaniyang misis.

Kinagabihan, nag-aalala na si Dindo kung bakit alas nuwebe na ay hindi pa rin bumabalik ang asawa niya. Nagpaalam ito na bibisitahin ang mga magulang. Ilang beses na niya itong tinatawagan sa selpon pero hindi ito sumasagot. Tinawagan na rin niya ang kaniyang mga biyenan pero ang sabi ay kanina pa raw alas singko ng hapon umalis sa bahay ng mga ito.

Maya maya ay isang masamang balita ang dumating sa kaniya.

“Kayo po ba si Mr. Dindo Vergara? Ikinalulungkot ko pong ipaalam na ang misis niyong si Miriam Vergara ay naaksidente. De*d on arrival po siya sa ospital,” sabi ng pulis na pumunta sa bahay nila.

“No!”

Hindi naiwasan ni Miriam ang paparating na sasakyan na bumangga sa kotse niya. Malubha ang tinamong pinsala ng babae kaya hindi na ito umabot pa nang buhay sa pagamutan. Gumuho ang mundo ni Dindo sa pagkawala ng kaniyang asawa. Ang akala niya ay ito ang iiwan niya pero mas nauna pa pala itong lumisan kaysa sa kaniya.

“Miriam, ako ang dapat na mauna at hindi ikaw, oh aking Miriam!” hagulgol niya sa harap ng ataul ng kaniyang misis.

Hanggang sa mailibing si Miriam ay ang bigat-bigat ng pakiramdam ni Dindo. Nangungulila pa rin siya sa maagang pagpanaw nito pero napagtanto niya na hindi na rin naman magtatagal at magkakasama na ulit sila kaya imbes na malungkot ay tinibayan niya at pinatapang ang sarili.

“Hintayin mo ako diyan, mahal ko. Malapit na uli tayong magkita,” sambit niya.

Makalipas ang ilang linggo ay tuluyang ginupo ng karamdaman niya si Dindo at pumanaw na rin. Nang makita siya ng kaniyang ina na nakahiga sa ataul ay isang malapad na ngiti ang nasa kaniyang mga labi. Masaya na siya, sa wakas magkakasama na sila ni Miriam sa kabilang buhay kung saan wala nang sakit at kalungkutan silang mararamdaman.

Advertisement