Inday TrendingInday Trending
Niloko ng Lalaki ang Ama na May Malaki Siyang Gastusin sa Paaralan Upang Makabili ng Mamahaling Bag, Isang Masakit na Pangyayari ang Nangyari sa Ama Maibigay Lamang sa Kanya ang Pera

Niloko ng Lalaki ang Ama na May Malaki Siyang Gastusin sa Paaralan Upang Makabili ng Mamahaling Bag, Isang Masakit na Pangyayari ang Nangyari sa Ama Maibigay Lamang sa Kanya ang Pera

Iniwan ng kanyang ina si Charlie noong siya’y 2 taong gulang pa lamang, ngayon ay 15 taong gulang na siya at ang kanyang ama na si Mang Bosoy, na may edad na rin ang tanging nagtataguyod sa anak. Namamasukan si Mang Bosoy sa pagawaan ng mga kagamitan sa bahay, ang produkto nila ay mga kahoy tulad ng mesa, upuan, frame ng kama at kung anu ano pang dekorasyon sa tahanan na gawa sa kahoy. Ang kinikita ng matanda ay depende sa kung ilan ang magagawa nito, dahil may edad na ay kay hirap talaga para sa kanya ang makatapos ng tatlo. Ang pagkakatam, paglalagari at pagmamartilyo ay nagsasanhi na sa kanya ng matinding pagkahilo ngunit para kay Charles ay tinitiis lahat ito ni Mang Bosoy. Nais niya kasing mapagtapos ang anak, kahit iyon man lang ay maibigay niya rito. Pero hindi nakikita ni Charles ang mga sakripisyong iyon, sa kabila ng pagmamahal ng ama ay nagagawa niya pa itong lokohin. “Tay, bibili ho kami ng project, may report po ako.” sabi ng binatilyo isang hapon. “P-pradyek ulit anak? Magkano naman kaya yan?” tanong nito. “Siguro ay nasa 1500 pesos tay,” sabi niya rito. Ang totoo ay nag iipon lang siya dahil may nagustuhan siyang bag minsang napadaan sila ng kanyang barkada sa mall, nag- cutting classes sila at dumiretso doon para mamasyal. “Ang laki naman yata anak. Ano bang pradyek iyan?” tanong ulit ng matanda na nagsisimula nang mamroblema kung saan niya kukunin ang ganoong halaga. “Sa Biology ‘tay, kailangan kasi ng mag-present ako ng frog dissection, so kailangan namin ng dissecting tray, dissecting pin, scalpel, bond paper para sa record at mga cartolina. Kailangan ko din ng medical gloves para doon.” sabi niya sa ama, ang totoo ay wala naman silang subject na Biology dahil pang second year high school iyon at fourth year na siya. Gawa gawa niya lang ang kwento, masyado siyang komportable magsinungaling dahil alam niya namang di maiintindihan ng ama ang kanyang sinasabi. Ni hindi nga marunong magbasa at magsulat ito, wala kasing pinag aralan. “S-sige anak gagawan ko ng paraan. Kailan mo ba kailangan?” sabi nalang ni Mang Bosoy, hindi niya naman alam kung ano ang sinasabi ng anak. Ang sigurado siya, tungkol iyon sa palaka dahil may frog na sinabi ito. “Sa isang araw ho ‘tay,” sabi ni Charlie. Dahil sa project ni Charlie ay dinoble ni Mang Bosoy ang kanyang pagtatrabaho. Namamanhid na ang kamay niya sa sobrang pagkakatam, sa totoo lang ay nahiwa siya pero tuloy pa rin. Hindi maaring tumigil para kay Charlie. Hindi nagtanghalian ang matanda para maparami ang gawa, kahit pang meryenda ay tinipid niya makadagdag lang sa iniipong pangbigay sa anak. Nakangiti naman si Charlie, madalas akala niya ay nakakahiyang walang pinag aralan ang kanyang ama pero minsan pala ay nakakatulong din iyon, tulad nito, ang daling makahingi ng pera. Papunta na siya ngayon sa pinagtatrabahuhan ng ama, dadaanan niya ang perang ipinangako nito. Pagdating doon, nagulat siya dahil nagkakagulo ang mga tao. “Ate Thelma, si tatay?” tanong niya sa babaeng may ari. Malungkot siyang tinignan nito, iniabot sa kanya ang perang 1200 pesos. “Charlie, kabilin bilinan iyan ng tatay mo. Pasensya kana daw at kulang pa. Inatake siya kaninang umaga at dinala namin sa ospital pero di na umabot. Pinaghirapan niya yan Charlie. Hindi siya kumakain at maghapong nagtatrabaho para diyan..” naiiyak na sabi nito. Napaluhod ang binatilyo, nawala ang kanyang ama dahil lang sa makasariling hiling niya na makabili ng mamahaling bag. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement