Inday TrendingInday Trending
Nahatulan ang Babae Dahil sa Pagkawala ng Kaniyang Asawa; Isang Aklat ang Naging Sandalan Niya

Nahatulan ang Babae Dahil sa Pagkawala ng Kaniyang Asawa; Isang Aklat ang Naging Sandalan Niya

Si Kristel ay nahatulang mabilanggo dahil sa pagk*til ng buhay ng kaniyang asawa. Ngunit walang mababakas na pagsisisi sa mukha niya, bagkus ay kaginhawaan.

Habang nakaposas ang mga kamay ay lumalakad siya sa mahabang pasilidad na maraming selda. Maraming preso ang nakangisi sa kaniya samantalang walang pakialam ang iba.

Sa huling selda siya dinala ng dalawang pulis na nakabantay sa kaniya. Nang nasa loob na ng bilangguan ay inalis ng mga ito ang posas sa kaniyang kamay.

Kung tutuusin ay wala siyang kasalanan dahil pagtatanggol lamang sa sarili ang kaniyang ginawa nang muntikan na siyang iuntog sa pader ng kaniyang asawa noong sila ay mag-away, kaya agad niyang dinampot ang panghiwa at itinarak sa puso ng asawa na agad na pumutol sa hininga nito.

Mahal niya ang asawa ngunit naabot nito ang hangganan ng kaniyang pagmamahal sa araw-araw na pananakit na kaniyang nararanasan.

Nilibot niya ng tingin sa maliit na bilangguan na siyang magiging tahanan niya nang ilang taon.

Siksikan at mainit sa loob ng maliit na silid.

“Bagong salta! May batas kami rito na dapat mong sundin.” Tiningnan ni Kristel ang babaeng nagsalita. May katabaan ang babae at kulot ang buhok.

Tumango siya kaya napangisi ito habang nagtawanan naman ang mga tila alila nito sa likod. Ang dalawang babae sa dulo ay tahimik lang at hindi man lang siya sulyapan.

“Bakit narito ka?” tanong pa nito.

“Nakit*l ko ang buhay ng asawa ko,” sagot niya.

“Matapang ka pala?” Ngisi nito.

“Hindi. Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko dahil kapag hindi ko ginawa iyon, siguradong ako ngayon ang wala na sa mundo.” Naupo siya sa mula sa pagkakatindig at isinandal ang ulo sa rehas na bakal.

“Ako si Lorena. Lor ang tawag nila sa akin maliban sa dalawang iyon.” Nagpakilala ang kapwa niya preso.

“Kristel,” pagpapakilala niya rin.

Nagsimulang makita ni Kristel ang buhay bilanggo. Maraming pagkakataong napapasabak siya sa gulo at doon niya naging kasangga si Lor sa lahat. Hindi rin nawala ang mga kapwa presong nang mamaliit.

Noong una ay may ilang babaeng preso ang humarang sa kaniya.

“May bagong salta,” malakas na sigaw ng isang babae nang malapit na siya sa mesa.

“Ngayon ka lang nakakita ng bagong preso?” Nakakunot ang noong tanong ni Kristel. Natawa naman ang mga nakarinig sa kaniya na siyang ikinagalit ng babae.

“Matapang ka, ah.” Akmang sasabunutan siya nito nang pigilan niya ito at itulak.

Nagkagulo ang lahat at natigil lamang nang may mga pulis na dumating.

“Matapang ka nga. Hindi mo alam kung sinong kinalaban mo.” Napabuntong-hininga siya.

“Sino ba ‘yon?” tanong na lang niya.

“Mara Ocampo, matagal nang preso rito. Marami na ‘yang nabugbog dito kaya lahat ay takot sa kaniya.”

Napairap si Kristel sa sinabi nito.

“Wala naman akong pakialam sa kaniya basta ‘wag niya akong papakialaman.”

Ngunit hindi iyon nangyari. Sa tuwing nagkikita sila ay ipinapakita ni Mara na malakas siya at nag-uutos pa itong sugurin siya.

Hindi nagpatalo si Kristel. Dahil sa galit niya ay inisa-isa niya ang mga alagad nito at nang makarating sa dulo si Mara ay agad niya itong inundayan ng suntok.

Sa pagkakataong iyon ay silang dalawa na lamang ang naglaban.

“Mangako kang hindi ka na mananakit o ano pa man para lang sa ikakasiya mo kapag natalo kita,” may diing wika ni Kristel.

“Umaasa ka bang matatalo mo ako?” tumawa ito na kinuhang oportunidad ni Kristel para saktan ang kalaban.

Tumama ang kamao niya sa panga ni Mara. Nanlalaki ang mata nito at sa galit ay dali-dali siyang sinugod.

Sa bawat pag-iwas niya ay nararamdaman niya ang umaalab na galit kay Mara. Ngumisi siya matapos muling sumugod ni Mara pero naiwasan niyang muli.

“Akala ko ba’y ikaw ang pinakamalakas sa lugar na ito? Bakit hindi mo man lang ako matamaan?” sa tono ni Kristel ay nang-aasar siya.

Matapos maramdaman ni Kristel ang panghihina ng kalaban ay humanap siya ng tyempo para mahawakan ang dalawa nitong kamay at mailagay sa likod.

Namilipit ito sa sakit bago niya tinuhod at bumagsak.

Nang matapos ang laban ay lumuluhang tumingin sa kaniya si Mara.

Binago ni Kristel ang naging buhay sa nila sa loob ng selda. Simula nang matalo niya si Mara ay lagi nang siya ang sinusunod ng mga kasama niya kaya naman dinala niya ang mga ito sa kabutihan.

Bibliya ang naging sandalan nila at doon ay unti-unting nagkaroon ng pangalawang pagkakataon ang mga kasamahan ni Kristel. Naging tahimik, kahit papaano, sa loob ng bilangguan dahil sa kaniyang pangunguna at dahil doon ay isa-isa silang nabigyan ng parole upang muling mabuhay sa labas ng selda.

Advertisement