Kinamumuhian ng Lalaki ang Babaeng Napangasawa Niya Dahil Pinikot Lang Siya Nito; Hanggang Kailan Ito Magdurusa sa Piling Niya?

Mula nang magsama bilang mag-asawa sina Karen at Ivan ay palaging ganito na lang ang eksena sa bahay nila…

“Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyong wala kang karapatan na pakialaman ako?!” galit na sabi ni Ivan sa asawa.

“Tinatanong ko lang naman kung kumain ka na ng hapunan, eh,” umiiyak na sagot ng babae. Hindi lang kasi siya sinigawan ng mister, pinagbuhatan pa siya nito ng kamay.

Ayaw na ayaw kasi ni Ivan na tinatanong siya ni Karen, hinahawakan, ginagalaw ang mga gamit niya. Ganoon kalaki ang galit ng lalaki sa kaniyang misis. Kung pwede nga ay ayaw niya na itong makita.

Matagal nang nagtitiis si Karen sa sitwasyon nilang iyon subalit sa kabila noon ay mahal na mahal pa rin niya si Ivan.

Kinaumagahan, kahit alam niya na mainit pa rin ang ulo nito sa nagdaang gabi ay kinausap pa rin niya ang mister.

“Naihanda ko na ang almusal mo pati na ang mga gamit mong isusuot sa opisina,” mahina niyang sabi.

Hindi kumikibo ang lalaki, mag-isa itong kumain ng agahan. Pagkatapos maligo ay nagbihis na ito at nagmamadaling umalis sa bahay nang hindi nagpapapalam sa kaniya.

Advertisement

Nang wala na si Ivan ay lumabas siya at naglinis ng bakuran. Kahit walang pakialam sa kaniya ang asawa ay hindi kailanman pinabayaan ni Karen ang bahay nila. Palagi itong malinis, ang mga gamit ni Ivan na ayaw nitong ipagalaw gaya ng mga damit at sapatos ay hindi niya matiis na hindi linisin.

Habang nagwawalis ay napadaan ang isa sa mga kapitbahay niya at napansin nitong napaka-abala na naman niya sa paglilinis.

“Ang sipag mo naman, Karen! Ang aga-aga, walis at pandakot ang hawak mo! Napakalinis mo talaga sa bahay, ano?” sabi nito.

“Oo, maging sa loob ng bahay ay hindi ko hahayaan na magkaroon ng alikabok. Gusto ko kasi sa pagdating ni Ivan ay makita niyang malinis ang buong kabahayan,” sagot niya.

“Napakasuwerte ni Ivan sa iyo, Karen. Mabait ka na nga, masipag pa,” saad pa nito.

Napangiti na lang si Karen sa tinuran ng ale. Sana nga ay na-a-appreciate ng asawa niya ang mga ginagawa niya.

Wala pang isang taon silang nagsasama ni Ivan. Ikinasal lang sila noong nakaraang buwan pero ni katiting na pagmamahal ay hindi nito maibigay sa kaniya, pero kahit wala siyang napapala rito ay sinusuklian pa rin niya ng kabutihan ang lalaki. Habang nasa trabaho si Ivan ay siya lahat ang gumagawa sa bahay, minsan nga ay nakakalimutan na niyang magpahinga. Gusto niyang ipakita kay Ivan na karapat-dapat siyang maging asawa nito kaya nga lahat ay gagawin niya maipadama niya lang ang pagmamahal niya rito.

May dahilan kung bakit malamig ang pakikitungo ni Ivan kay Karen. Si Karen ay matalik na kaibigan ng kasintahan noon ni Ivan na si Rachel pero matagal nang may pagtingin si Karen sa lalaki.

Advertisement

Magkaklase noon sina Ivan at Karen sa hayskul, noon pa man ay may crush na ang babae kay Ivan hanggang sa nag-aral sila sa kolehiyo ay si Ivan lang ang laman ng puso at isipan ni Karen. Pero iba ang nagustuhan ni Ivan at iyon ay walang iba kundi ang kaklase nilang si Rachel. Dahil sa kagustuhan ni Karen na hindi magkatuluyan ang dalawa ay gumawa siya ng paraan para mapaghiwalay ang mga ito.

Isang gabi, nagkaroon ng party sa bahay nina Karen, inimbitahan niya si Ivan at nilasing niya ang lalaki. Dahil lango na sa alak ay madaling naisakatuparan ni Karen ang plano niya na akitin si Ivan. Nang makaalis na ang mga bisita…

“K-Karen, bakit ako naririto sa kwarto mo?” tanong ni Ivan na nahihilo pa dahil sa kalasingan.

“Handa akong magpa-angkin sa iyo ngayong gabi. Kailangan kita, Ivan,” sagot ni Karen sa nang-aakit na tono.

At dahil lalaki si Ivan ay nadarang ito sa kagandahan ni Karen.

“Ang bango-bango mo, Karen…” bulong ng lalaki.

“Oohh…I-Ivan…”

Ginawa iyon ni Karen kahit pa ang kapalit noon ay ang walang katumbas na sakit sa damdamin ng tunay na minamahal ni Ivan.

Advertisement

“Sorry, Ivan, dahil may nangyari na sa inyo ni Karen, kailangan na nating maghiwalay. Panagutan mo ang ginawa mo sa kaniya,” naluluhang sabi ni Rachel.

“Rachel, alam mong ikaw ang mahal ko. Patawarin mo ako,” sambit ni Ivan na nagsusumamo sa nobya.

Pero tuluyan ding hiniwalayan ni Rachel ang lalaki. Ipinasiya ng babae na lumayo upang kahit paano ay makalimot. Sumama si Rachel sa mga magulang nito sa Amerika at mula noon ay doon na ito nag-aral ng kolehiyo. Ramdam na ramdam ni Karen ang matinding sakit ng kalooban ni Ivan sa mga sandaling iyon. Gusto niya tuloy pagsisisihan ang ginawa niyang pagsira sa relasyon ng dalawa.

“Patawarin ninyo ako,” hagulgol ni Karen sa isang tabi.

Napilitan si Ivan na panagutan si Karen kahit labag sa kalooban ng lalaki. Pinilit ito ng mga magulang na pakasalan ang babae, pero sa panahon ng pagsasama nila bilang mag-asawa, kahit minsan ay hindi nakadama si Karen ng pagmamahal kay Ivan. Sa halip na langit ay impy*rno ang ipinaranas nito. Palaging sinisigawan at sinasaktan ni Ivan ang asawa na buong puso namang tinatanggap ni Karen upang kahit doon ay makabayad ito sa kasalanan niya sa lalaki.

Isang araw, naisipang dumalaw ni Ivan sa matalik niyang kaibigan na si Manny. Araw ng Sabado, ayaw niyang pumirmi sa bahay na kasama si Karen, umiinit lang ang dugo niya pag nakikita ang babae kaya doon muna siya magpapalipas ng maghapon.

“O, Pareng Ivan, napasyal ka!” sabi ng lalaki.

“Naisip kong daanan ka rito. Matagal na kasi tayong hindi nagkikita, eh,” aniya.

Advertisement

“Ganoon ba? Tuloy ka pare! Nga pala, misis ko, si Ellen,” pakilala ng kaibigan sa babaeng kasama nito.

“Nice to meet you, Ellen. Maganda pala ang misis mo, pare. Bilib na talaga ako sa iyo,” sabi ni Ivan.

Pero may napansin ang lalaki sa loob ng pamamahay ng kaniyang kaibigan.

“Walang kaayusan dito at puro pa kalat ang bahay,” bulong niya sa isip.

Isa pa sa kaniyang napuna…

“Darling, nakapagluto ka na ba? Dito manananghalian si pare,” wika ng kaibigan niya sa asawa nito.

“Hindi eh. Bumili na lamang tayo ng pagkain sa labas. Tinatamad kasi akong magluto eh,” tugon ng babae.

At hindi rin niya sinasadyang mapansin ang mga tambak na labahin sa sofa.

Advertisement

“Naku, pasensya ka na ha, pare, hindi pa kasi nakakapaglaba ‘yung labandera namin eh kaya dumami na ang mga ito,” sabi pa ng kaibigan niya.

Bigla niyang naalala ang kaniyang asawa na si Karen.

“Napakalaki ng pagkakaiba ng misis ni Manny kay Karen,” bulong niya sa sarili.

Napagtanto niya ang kahalagahan ng mga ginagawa ni Karen. Ang pagiging malinis nito sa pamamahay nila, ang pag-aasikaso nito, at higit sa lahat, ang pagmamahal nito sa kaniya.

At sapat na iyon upang magising si Ivan sa katotohanan…

“Kawawa naman ang asawa ko. Alam kong ginagawa niya ang lahat ng iyon dahil mahal niya ako. Pero kahit kailan ay hindi ko iyon binigyan ng halaga. Nagpaka-bulag ako sa galit at masyado akong naging malupit sa kaniya. Binalewala ko ang nararamdaman niya sa akin,” nagsisising sabi ni Ivan sa sarili.

Hindi pa huli ang lahat, babawi siya kay Karen. Pag-uwi niya sa bahay ay halos ‘di makapaniwala ang babae sa bago niyang katauhan.

“Karen, hon, may dala akong pasalubong sa iyo. Magpahinga ka na muna, ako na ang magluluto ng dinner natin. Umupo ka na diyan sa sofa. Teka, ipagtitimpla muna kita ng juice,” sabi niya.

Advertisement

“H-Ha?”

Napakamot sa ulo niya si Karen. Nalilito sa inaasal niya. Nilapitan niya ito.

“Patawarin mo sana ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa iyo, Karen. Hindi na kita muli pang sasaktan, pangako iyan,” sinsero niyang sabi.

Napaluha naman si Karen sa tinuran niya. “I-Ivan, ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo, kundi dahil sa akin ay hindi…”

Pinigilan ni Ivan na ituloy ng misis ang sasabihin. “Tapos na iyon. Hindi talaga kami ni Rachel ang nakalaan sa isa’t isa. Siguro ay nangyari ang mga nangyari dahil may ibang plano ang Diyos para sa akin, sa atin…mag-umpisa uli tayo, mula ngayon ay magiging mabuting asawa na ako sa iyo,” saad ng lalaki.

“Salamat, Ivan, salamat,” tugon ni Karen.

Natutuhan nang mahalin ni Ivan si Karen. Madaling nahulog ang loob niya sa asawa dahil may busilak itong puso. Wala na ang pangalan ni Rachel sa isip at puso niya dahil ang pangalan na ni Karen ang pumalit at habang buhay nang nakatatak doon. ‘Di nagtagal ay nagbunga na ang pagmamahalan nila, dinadala na ni Karen ang panganay nilang anak ni Ivan.

Ipinakita sa kwento na sadyang marunong ang pag-ibig, may sarili itong pamamaraan upang makapagdulot ng kaligayahan sa dalawang pusong tunay naman palang pinagtagpo ng tadhana.