Subsob sa Trabaho ang Ginang at Tila Ba Wala nang Panahon pa sa Ibang Bagay; Anak Pala Niya ang Magtuturo ng Matinding Aral sa Kaniya

Bakasyon noon nang makiusap si Toni sa kaniyang inang si Maricel na magbakasyon sa lumang bahay ng lola nito sa probinsiya. Ilang taon na rin kasi nila itong hindi nakakasama. Limang taon pa ata si Toni nang huli niyang makasama ang kaniyang lola, ngayon ay magsa-sampu na ang bata, ngunit hindi niya nakakasamang muli ang matanda.

“Mommy, pwede po bang sa kila Lola Aida, sa probinsiya ako magbakasyon ng ilang araw?” tanong ni Toni sa ina.

“Bakit doon mo gusto, anak? Ayaw mo ba mag travel abroad o kaya naman sa mga beach?” alok naman ni Maricel sa anak.

“Okay na po ako sa kila Lola, at saka para makita ko rin po sila tito at tita, kaya hindi naman po nila ako papabayaan,” pagpupumilit pa ng bata.

“Teka, sigurado ka ba diyan, anak?” tanong ng ginang.

“Opo, mommy, saka matagal na rin po simula nung huli kong nakita sila lola e.”

Pumayag naman si Maricel sa gusto ng anak. Kampante naman siyang hindi mapapabayaan ang kaniyang anak, dahil kamag-anak naman niya ang pupuntahan. Pinagbigyan niyang manatili ng ilang araw doon si Toni.

Alam naman niyang mag-aaya din naman agad pauwi ang bata, dahil hindi ito sanay sa buhay sa probinsya, kaya hindi na siya tumutol pa.

Advertisement

Kinabukasan ay ipinahatid ni Maricel ang anak sa katiwala kasama ang kanilang personal na drayber.

“Busy kasi si mommy ngayon sa dami ng trabaho, kaya hindi muna ako makakasama pag-uwi sa province, anak ha? Pero promise, ako mismo ang susundo sa inyo doon sa isang linggo,” wika ni Maricel sa anak.

“Okay lang po mommy, I love you, mommy! Bye po!” kumakaway na nagpaalam ang anak at saka umalis.

Parati naman tumatawag si Maricel upang kumustahin ang anak na ilang oras bibyahe upang makarating doon.

“Nandito na po kami mommy, don’t worry po ligtas naman po kami dito, tuwang-tuwa nga po si Lola Aida noong nakita ako e,” masayang kwento ng anak.

“Mabuti naman kung ganoon, anak. Sige, may tatapusin lang muna ulit si mommy na work ha?” pagpapaalam ng ginang.

Bukod sa anak at asawa, naging isang malaking prayoridad ni Maricel ang trabaho, kailangan niyang kumita, at gustong-gusto niyang kumita ng malaki, para kasi sa kaniya, ‘pag mayaman ka ay magiging maligaya ka.

Kinabukasan ay tinawagan muli ni Maricel ang anak upang kumustahin.

Advertisement

“Toni, baby, kumusta ka na diyan? Hindi mo pa ba gustong umuwi dito sa Manila?” tanong ng ina sa pag-aakalang agad na gugustuhin ng bata na umuwi.

“Hindi pa mommy, ang saya nga po dito e, naranasan kong maligo sa ilog, tapos nagluto po kami ng isda gamit ang uling at saka ang dami ko pong kalaro rito,” pagmamalaki pa ng bata.

“Talaga anak? Sige, sabihan mo lang ako kung kailan mo gustong magpasundo ha? Magwork lang muna ulit si mommy,” ibinaba ng babae ang telepono at saka muling sumubsob sa trabaho.

Nakakaangat sa buhay naman na sila Maricel. Nasa abroad ang kaniyang asawa at sobra-sobra pa ang kinikita nito, ngunit gusto talaga niyang makaipon ng mas malaki pa, kaya minsan ay wala na siyang oras para sa anak.

Ilang araw pa ay napagdesisyunan nang sunduin ng babae ang anak. Pumunta siya sa probinsya upang dalawin ang ina at iuwi na ang anak. Nadatnan niyang kumakain sa dahoon ng saging ang bata habang nakakamay. Sarap na sarap ito at ngiting-ngiti habang kinakain ang inihaw na manok na mainit pa galing sa nakatusok na kawayan.

Nang pauwi na ay kinausap si Maricel ng ina.

“Maraming salamat at dumalaw ka rito. Salamat rin dahil pinayagan mong makasama ko ang apo ko. Ang tagal ko rin kayong hindi nakasama e. Sigurado ka bang ayaw mong manatili muna rito kahit saglit? Na-miss lamang din kita anak,” pahayag ng matanda.

“Pasensiya na ‘nay, pero marami kasi akong trabaho. Alam na ninyo, gusto kong masiguro ang magandang kinabukasan ng anak ko,” nahihiyang pagtanggi naman ni Maricel.

Advertisement

“Kung ganoon, bumalik kayong muli ha? Para naman makasama ko kayo nang matagal. Huwag makakalimot magdasal! Gabayan nawa kayo ng Diyos natin,” tugon naman ng matanda.

Habang nasa sasakyan ay usap nang usap ang bata tungkol sa kaniyang naging bakasyon.

“Alam mo po ba mommy, sobrang sarap pala maligo sa ilog, malamig ang tubig at saka malinaw,” pagyayabang ng bata.

Nakatutok naman laptop si Maricel na pilit tinatapos ang trabaho habang nagkukwento ang bata.

“May swimming pool naman sa subdivision natin ‘di ba? Mas maganda pa kasi malapit sa atin,” tugon naman ng ina.

“Alam mo mommy, sobrang saya pala kumain sa dahon ng saging habang nakakamay, nakakatuwa kasi nagshare po kami tapos totoong nakakabusog po,” wika ulit ng bata.

“‘Di ba mas nakaka-enjoy din kapag kumakain tayo sa buffet? Madami din namang pagkain na pagpipilian doon?” sagot ng ina habang tumitingin ng mga e-mails.

“At saka mommy, yung hangin kila Lola, sobrang lamig at saka sariwang-sariwa, lalo na po kapag madaling-araw.”

Advertisement

“May aircon naman tayo sa bahay, anak ‘di ba? Madami pa nga e. Kaya tuwing summer malamig pa rin,” malamig na tugon ni Maricel.

“At saka pala mommy, natutunan ko na po kung paano humanap ng chapter at verses sa Bible, nakakabili tayo ng maraming set ng books, pero wala akong nakita na bible sa bahay,” sambit naman ni Toni.

Tumigil na sa pagdaldal ang bata nang mapansin na masyadong abala ang kaniyang ina sa trabaho, ngunit tila natigilan rin si Maricel sa huling sinabi ng anak. ‘Wala silang bibliya sa kanilang bahay.’

Tiningnan ni Maricel ang anak na ngayo’y nakapikit at sinusubukang matulog. Nang makarating sa bahay ay dumiretso lamang sa kwarto si Toni at saka muling natulog. Umupo muna sa lamesa ang ginang at saka binuksan ang kaniyang cellphone.

Nakita niya sa Facebook ng anak ang mga litratong naka-tag kuha sa bakasyon nito. Nakita niya ang malalaking ngiti ng anak habang nakakamay at susubo ng pagkain, naroon din yung malaking tawa sa mukha nito habang naglalaro kasama ang mga pinsan at bagong kalaro.

Tumulo ang luha ni Maricel, dahil sa huling litrato ng anak, sobrang saya nito at may kapsyon na ‘Mas masaya sana kung nandito sina Mommy at Daddy.” Ibang kurot sa puso niya nang ito’y mabasa.

Naalala din niya kasi ang mga turo sa kaniya ng ina, tungkol sa pagbabasa ng bibliya, sa pagiging masaya sa mga simpleng bagay at maglaan ng oras para sa taong tunay na nagmamahal at nagpapasaya sa’yo.

Tumawag agad sa opisina si Maricel at humingi ng pahintulot na makapagbakasyon ng ilang araw. Aprubado naman kaagad ito ng kaniyang boss.

Advertisement

Bumalik ang mag-ina patungo sa probinsiya kinabukasan. Doon ay iniisang tabi muna niya ang trabaho upang magpakasaya kasama ang mga mahal sa buhay.

Doon ay muling naranasan ni Lorena na ang kumain ng nakakamay sa malaking dahon ng saging, makaligo sa malamig na sapa kung saan lagi sila nagtatampisaw noong kabataan nila at makipag-usap sa mga bagong taong nakilala. Kitang-kita rin niya ang galak sa mga ngiti at tawa ng anak.

Napagtanto niya na hindi pala nasusukat sa pera at yaman ang tunay na kaligayahan, at hindi kayang tumbasan ng materyal ang saya sa pakiramdam sa tuwing tatawa kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay.

Masyadong iginugol ni Maricel ang panahon sa trabaho, ngunit pinaalala sa kaniya ng anak kung ano talaga ang tunay na importante sa mundong ito, at iyon ay ang mabuhay ng masaya ng hindi nauugnay sa material o salapi, dahil ang tunay na kaligayahan, hindi kayang tumbasan ng kahit anong halaga.