Galit na Galit ang Lalaki Dahil Puro Kamalasan ang Dinaranas Niya sa Buhay; Isang Matandang Babae Pala ang Babago ng Lahat sa Kaniya

Iritableng umalis si Greg sa opisina nang hapong iyon dahil hindi na siya masaya sa ginagawa. Isa pa, ang promosyon na ninanais ay hindi rin nabigay sa kaniya. Kaya’t grabe na lamang kung ikumpara niya ang sarili sa ibang mga kasabayan.

Maaga siyang umalis ng opisina at nagtungo muna sa isang parke sa upang doon ay magpahangin at makapag isip-isip sandali. Umupo siya isang mahabang bangkuan malapit sa damuhan.

“Bwisit na buhay naman ito! Nang nagpasabog ng kamalasan, ako ata ang naiwang nagtatampisaw. Iniwan na nga ako ng nobya, kailangan pang magtiis sa bwisit na trabaho,” mahinang bulong niya sa sarili.

Ilang saglit pa ay may lumapit kay Greg na isang matandang babae, “gusto po ba ninyo ng sampaguita? Mabango po ito at saka sigurado po akong magugustuhan ninyo,” saad ng matanda.

Tiningnan lamang Greg ang matandang babae at ang mga bulaklak na hawak nito. Napatitig siya nang mapansin na lanta at tuyo na ang mga binibigay na bulaklak ng babae. Binigyan na lamang niya ito ng isang napipilitang ngiti, at saka siya umiling upang umalis na ito.

Ayaw niyang magpaabala kaya hinayaan na lamang din niya ang matanda, ngunit makulit ito ang umupo pa sa kanyang tabi.

“Sir, bakit hindi ninyo po subukang amuyin itong mga bulaklak na dala ko? Sigurado ako na magugustuhan niyo ito, kasi mabango ito at talagang nakalaan para lang sa iyo,” muling saad ng babae.

“Mas okay siguro kung sa iba mo na lamang ibigay ang mga sampaguita na iyan, kasi hindi naman ako mahilig talaga sa mga bulaklak,” wika ni Greg, “madami namang tao ngayon dito, kaya marami kang pwedeng pagbigyan niyan. Maraming pwedeng ibang tumanggap niyan.”

Advertisement

“Pero sir, sa’yo ko mismo gustong ibigay ito, para sayo po talaga ang bulaklak na ito, subukan niyo lang pong amuyin, magugustuhan ninyo po ito, pangako,” pangungulit pa nito.

Gustong-gusto na ni Greg na mapag-isa kaya napagdesisyunan niyang kunin na lamang ang bulaklak sa matanda para umalis na ito.

“Kapag kinuha ko ito, ‘wag mo na akong kukulitin ulit ha? Tapos iwanan mo na ako dito, okay ba ‘yun?” iritableng sabi ng binata.

Ngumiti naman ng malaki ang matandang babae nang marinig ito. Itinaas nito ang kamay at saka inabot ang tuyong bulaklak, ngunit imbis na sa kamay ni Greg iabot ay sa kabilang direksyon nito inaabot.

Hindi maintindihan nang lalaki kung bakit ganoon, hanggang sa mapagtanto niyang walang paningin ang babae.

“Hindi ka ba nakakakita? Hindi mo ba ako nakikita?” malumanay na tanong na ng lalaki.

Ngumiti lamang ang matanda at sumagot, “Hindi po, sir, e. Matagal na po akong bulag.”

Labis naman na awa ang naramdaman ni Glenda nang malaman ang kondisyon ng babae, ngunit mas naawa rin siya sa sarili dahil sa mga reyalisasyon niya sa mga bagay na nangyari kailan lang.

Advertisement

Napaluha ang lalaki at sobrang nahabag sa matanda, pero mas higit na habag ang nadaram niya para sa sarili. Ang kaniyang galit kanina ay napalitan ng mga patak ng luha.

Bulag ang matandang nasa harap niya, pero kahit na ganoon ay nakakagawa ito ng bagay upang makapagpasaya ng isang taong may malungkot na pinagdadaanan, samantalang siya ay may paningin naman, kompleto at lahat sa katawan ay normal, ngunit bulag siya sa mga magagandang bagay na mayroon siya.

Matagal na pala niyang hindi napapansin ang mga biyaya na mayroon siya, gaya ng maayos na trabaho, mga mapagmahal na pamilya at ilang kaibigan na nasasandalan sa panahon ng pangangailangan. Naging bulag siya dahil nakatuon lamang ang antensyon niya sa mga bagay na wala siya, na siyang nagiging sanhi ng pagkainggit at pagkalungkot niya.

Sa pagkakataong ito, unti-unting nagkakaroon ng linaw ang mga mata ni Greg. Sa tulong ng matanda na nagbigay ng bulaklak ay nagkaroon ng kaliwanagan ang nanlalabo niyang isipan.

Tinignan niya ang bulaklak na hawak ng bulag na babae, hinawakan niya at saka ito kinuha mula sa kamay ng matanda. Maaaring tuyot at lanta na ito, pero para sa kanya ay wala nang papantay pa sa ganda nito sa kaniyang paningin.

Naisip niya na ang mga bulaklak ay galing sa isang matanda na hindi nakakakita, pero bukas ang puso para makakita sa pangangailangan at pinagdadaanan ng iba.

“Alam mo nanay,” pagtawag niya sa bata, “napakaganda at napakabango nga ng sampaguita na ito. Mayroon kang magandang puso, kaya salamat at napagaan mo ang kalooban ko. Salamat at napasaya ninyo ako.”

“Wala pong anuman sir, pero sana po ay huwag na kayong malungkot, masyadong maiksi ang buhay para sa mga bagay na paglilipasan din ng panahon. Ang mga bagay na hindi natin naiintindihan ay may itinuturong aral sa atin,” wika ng matanda.

Advertisement

Nagpaalam ito sa kanya at saka umalis sa kinauupuan. Nang makaalis ang babae, tiningnan ni Greg ang tuyong bulaklak at muling inamoy.

Tumunghay ang binata upang tingnan ang matanda ngunit bigla na lamang itong nawala. Masyado rin naman mabilis para makalayo ito kaagad.

Ilang sandali pa, biglang tumunog ang cellphone niya.

“Congratulations, Greg! Ikaw na ang bagong manager ng marketing department! Maaari ka bang pumunta sa opisina ko bukas ng maaga?” pagbabalita ng kaniyang boss.

Hindi makapaniwala ang lalaki. Supervisor position lamang ang nais niya noon, pero higit pa roon ang natanggap niya. Tila ba biglang pumasok ang suwerte nang baguhin ng matandang babae ang pananaw niya sa buhay.

Dahil sa tuyong bulaklak ay nakita ng lalaki na ang ganda pala ng mundo, at ganda ng buhay na meron siya. Dahil sa matanda ay natutunan niyang maging mapagpasalamat sa lahat ng biyayang dumating at darating pa sa kaniya. Mas madali pala ang buhay kung titingnan natin ito sa ibang pamamaraan.