Ginabi ang Babae sa Pagmamaneho ng Kotse; Kakila-kilabot na Pangyayari ang Kasunod

“Ginabi na naman ako sa daan!” inis na sabi ni Sharlene habang nagmamaneho ng kotse.

Nagsisisi siya na nagpaabot siya ng gabi sa pag-uwi. Ayaw na ayaw pa naman niyang dumadaan sa may tulay ng Sta. Ynez na papunta sa inuupahan niyang apartment. Mahaba kasi ang daanang iyon at walang kailaw-ilaw ang kahit isang posteng naroon. Mayamaya ay naroon na siya sabay napasulyap sa kaniyang wristwatch.

“Naku, mag-a-alas diyes na pala ng gabi!”

Halos paliparin na niya ang kaniyang sasakyan makarating lang sa paroroonan ngunit sa ‘di kalayuan ay may naaninag siyang lalaki na tila pumapara sa kaniya. Biglang kinilabutan si Sharlene.

“My God! Multo!” hintakutan niyang sabi.

Lalo niyang pinabilis ang pagmamaneho hanggang sa malampasan niya ang lalaki. Nakahinga naman siya nang maluwag kalaunan.

“Thank you at wala na siya,” tangi niyang sabi.

Ngunit nang muli siyang sumulyap sa daraanan ay bigla na namang lumitaw ang isang lalaking nakatayo sa gilid ng tulay at pinapara ang sasakyan niya.

Advertisement

“O my…ayan na naman!” pasigaw niyang nasambit.

Lalo siyang nagimbal nang humarang sa daraanan niya ang lalaki. Sa sobrang takot ay hindi na niya naiiwas ang kaniyang kotse at nasagasaan niya ito.

“Hindi! Nasagaan ko siya!”

Sa ‘di malamang dahilan ay inihinto niya ang sasakyan at dahan-dahang bumaba ngunit laking gulat niya ng wala naman siyang nasagaan. Biglang nawala ang lalaki nabundol niya.

“M-multo nga ang nasagaan ko!”

Nanlaki ang kaniyang ulo sa tindi ng takot. Babalik na sana siya sa sasakyan nang biglang gumalaw ang manibela. Unti-unting umandar ang kotse.

“H-hindi, hindi totoo ang mga nangyayaring ito!” giit ni Sharlene na pinagpapawisan na sa sobrang takot.

Walang tigil sa pagtambol ang dibdib niya habang papalapit sa kaniya ang umaandar na kotse na tila balak siyang sagasaan.

Advertisement

Sa tindi ng takot ay napatakbo siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngunit sa isip niya ay gusto niyang makalayo sa umaandar na kotse na gusto siyang sagasaan.

“Help me, God!” sigaw niya.

Mayamaya ay nakita niya ang sarili na nasa dulo ng mahabang tulay na daanan. Wala ni isang tunog na maririnig. Malapit na ang hatinggabi at imposible may magdaan pang sasakyan sa lugar na iyon.

Nanlalamig na si Sharlene pero nag-iinit ang buong pakiramdam. Takot. Pangamba.

Nagsimula nang gumana ang kaniyang imahinasyon. Pumintig-pintig ang sentido niya. Parang sasabog iyon sa takot.

“Bakit ito nangyayari sa akin? Ano bang kasalanan ko?” sabi niya sa isip.

Nanggigipuspos na napaupo siya sa maaikabok na kalsada. Desperada na siya. Halu-halo na ang nagsasalimbayan sa kaniyang utak. Mga nakakatakot na pangitain.

Matagal siyang nanatili sa pagkakaupo. Pipikit at didilat siya pero ang yakap ng takot ay naroon pa rin. Ayaw humiwalay. Sa bawat tiktak na naririnig siya sa kaniyang wristwatch ay nadaragdagan ang kaba sa dibdib niya.

Advertisement

Napadilat si Sharlene. Nakadama ng pag-asa. Mula sa malayo ay nakita niya ang ilaw ng isang parating na sasakyan. Excited siyang tumayo at inabangan ang sasakyan. Pinailaw niya ang flashlight sa kaniyang cell phone para makita siya ng kung sinuman ang nagpapaandar ng sasakyan.

Ngunit nang dumaan ito sa harap niya ay hindi man ang siya pinarahan nito.

“Hindi yata ako nakita! Paano na kaya ito?”

Mayamaya ay may natanaw siyang tao na tila nakakandusay sa kalsada kung saan dumaan ang sasakyan. Hindi niya iyon napansin kanina.

“T-teka, tao ba iyon? W-wala naman iyon kanina, ah!” nagtataka niyang sabi.

Nilapitan niya ang taong nakahandusay sa kalsada nag malapitan na niya itong nakita ay muli siyang nanghilakbot.

“H-hindi! Hindi ito totoo!”

Nakita niya ang sarili na nakahandusay sa semento, duguan at naghihingalo hanggang sa bawian na ng buhay.

Advertisement

Wala siyang kaalam-alam na sa pagtakbo niya kanina ay wala na pala siya sa katinuan at nang makarating siya sa daanan ng sasakyan ay hindi niya napansin ang paparating na sasakyan at nasagasaan siya. Naging malinaw na sa kaniya ang lahat na isa na lang pala siyang kaluluwa na nakita ang sarili niyang kamat*yan.

“Ito na ba ang kabayaran sa kasalanan ko?” sambit niya habang humagalgulgol ng iyak.

Bumalik sa alaala niya na mayroon siyang nasagasaan na lalaki sa may tulay. Nakita niyang naghihingalo ito at humihingi ng tulong ngunit hindi niya tinulungan at dinala sa ospital hanggang sa tuluyan itong bawian ng buhay sa aksidenteng iyon. Napagtanto niya na ang lalaking nakita niyang pumapara kanina ay ang multo ng lalaking naging biktima niya na naghiganti sa kaniya.

Ito ang dahilan kung bakit biglang umandar ang sasakyan niya, para takutin siya, para mawala sa katinuan at para humantong din siya sa kaniyang katapusan. Ngayon ay nakamtam na niya ang KARMA sa ginawa niyang kasalanan. Matatahimik na rin ang kaluluwa ng lalaking pinagkaitan niya ng tulong. Nakahanda naman niyang pagbayaran sa kabilang buhay ang kasamaan niyang ginawa.