Pinagbabantaan ng Misis ang Mister Dahil sa Patuloy Nitong Pakikipaglapit sa mga Anak Nila; Isang Aksidente ang Mangyayari, Sino Kaya ang may Gawa?
“Sandra, naghiwalay lang tayo bilang mag-asawa dahil hindi na natin kayang makasama ang isa’t-isa. Pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi na ako ang ama ng mga anak natin. Kahit anong mangyari at kahit baliktarin ko man ang mundo, ako pa rin ang ama nina Chelsy at Anthon! Hindi mo pwedeng tanggalin ang karapatan kong iyon!” Inis na wika ni Joey sa dating asawa.
“Hindi pwede at ayokong nangingialam ka pa sa mga anak ko, Joey!” Nagmamatigas na wika ni Sandra. “Magkakama*tayan tayo kapag pinagpilitan mo ang gusto mo!”
“Sa korte na lang tayo mag-usap!” Sumusukong wika ni Joey, saka nagmartsa palabas ng bahay.
Nakipaghiwalay si Joey sa dating asawa dahil sa ugali nitong pra*ning. Kung ano-ano na lang ang binibintang nito sa kaniya. Selos na wala namang katotohanan, kaya minsan napagbubuhatan siya nito ng kamay. Lalaki siya at tao ring nagsasawa at napapagod. Pero wala sa isip niyang talikdan ang mga anak nila.
Kung inaakala nitong susuko siya sa pananakot nito’y nagkakamali si Sandra. Mahal niya ang kaniyang mga anak. Hindi sasapat ang pananakot ng dating asawa upang talikuran niya ang kaniyang mga anak.
“Pumasok ka na Chelsy, anong oras na oh,” ani Joey sa panganay na anak na babae. “Huwag mo na ulit gagawin ang paglalayas ah. Alam kong mahirap ang sitwasyon natin ngayon. Pero sana huwag niyo nang dagdagan ang hirap na nararanasan namin ngayon ng mama mo,” nakikiusap na wika ni Joey sa anak.
“Pero papa, pwede bang sa’yo na lang kami sumama ni Anton?”
“Gusto kong makasama kayong dalawa ni Anthon, anak. Pero hindi papayag ang mama mo kapag gano’n ang gagawin natin. Magtiis-tiis na muna tayo, okay.”
Niyakap ni Joey si Chelsy nang mahigpit. Kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang nasa poder na lamang niya ang kaniyang mga anak. Lalo na ngayong may bago ng karelasyon ang dating asawa.
Nagpaalam na siya kay Chelsy. Alas diyes na ng gabi at madilim na ang daang kaniyang dadaanan. Nang biglang may narinig si Joey na malakas na putok ng baril. At ang kasunod niyang naramdaman ay dahan-dahang nanghihina ang kaniyang katawan at tuluyan na nga siyang nawalan ng malay.
Mahinang iyak ang nagpagising sa diwa ni Joey. Nasa hospital bed siya at naka-suwero. Yakap-yakap siya ng kaniyang dalawang anak na hindi tumitigil sa pag-iyak.
“Tahan na Chelsy at Anthon,” aniya sa dalawang anak.
“Mabuti na lang at sinundan kita no’ng gabing umalis ka papa. Kung hindi ay baka walang nakakita sa’yo at baka nahuli na ang lahat. Baka hindi na mangyaring nakakausap ka pa namin ngayon,” humihikbing wika ni Anthon.
“Sino ba ang buma*ril sa’kin anak?”
“Si Tito Billy po, papa,” sagot ng bunso.
“No’ng nalaman ni Anthon na hinatid mo ako pauwi sa bahay ay ngali-ngali ka niyang sinundan. Nagbabakasakaling maabutan ka pa niya. Habang hinahabol ka niya’y napansin niyang may sumusunod sa inyo. Nakilala niya itong si Tito Billy, ang nobyo ni mama. Ang sumunod niyang nakita ay bina*ril ka niya at tuluyan ka ng natumba at nawala ng malay,” malinaw na paliwanag ni Chelsy.
“Nasaan na ang mama mo ngayon?”
“Magkasama po silang nakulong ni Tito Billy, papa. Dinidiin kasi ni Tito Billy na inutusan siya ni mama na gawin ang bagay na iyon para wala na raw siyang kahati sa atensyon namin,” wika ni Anthon.
“Gano’n ba?” Hindi makapaniwalang wika ni Joey.
Hindi niya lubos akalain na magagawa ni Sandra ang bagay na iyon. Lagi naman siya nitong tinatakot pero hindi niya akalain na totohanin nito ang sinabi.
Makalipas ang dalawang Linggo ay naging maayos na ang lagay ni Joey. Naisip niyang dalawin si Sandra, kasama ang dalawang anak nila.
“Joey, patawarin mo ako,” mangiyak-ngiyak na wika ni Sandra.
“Alam mo Sandra, sana maging aral na sa’yo ang nangyaring ito. Hindi kailanman mareresolba ng padalos-dalos mong desisyon ang lahat. Walang magandang mangyayari kung ipapaibabaw mo ang galit mo.
Madali lang naman sana ang lahat kung hindi mo ipinagdadamot sa’kin ang mga anak natin. Hindi ko naman sila kukunin sa’yo, hihiramin ko lang. Dahil sa ginawa mo ngayon, tuluyan na tuloy silang nawala sa’yo,” nahahabag na wika ni Joey.
“Patawarin mo ako, Joey. Dahil sa galit ko kaya nagawa ko sa’yo ang bagay na iyon. Nagagalit ako kasi kahit magkahiwalay na tayo’y mahal na mahal ka pa rin ng mga anak natin. Naiingit ako. Pero mali pala iyon. Tatanggapin ko ang parusang ipapaataw sa’kin. Pero nakikiusap sana akong huwag mong ilayo sa’kin ang mga anak natin. Nagkamali ako, Joey, pero ako pa rin ang ina nila at sila ang mga mahal kong anak,” tumatangis na wika ni Sandra.
“Hindi ako gano’ng ka-selfish, Sandra, upang ipagdamot sila sa’yo. Mahal ka ng mga anak mo. Hindi mo lang nakikita, dahil sa galit mo sa’kin,” wika ni Joey.
Sa kabila ng ginawa ni Sandra sa kaniya’y hindi man lang siya nagalit rito. Bagkus ay naawa siya at pilit na inintindi ang nararamdaman ng dating asawa. Dahil sa ugaling makasarili nito’y nagawa nitong ipapa*tay siya upang mawala na siya sa mundo.