Laging Huli sa Curfew ang Babae Ito, Mababang Klase Lang Raw Kasi ang Kaniyang Trabaho

Laging Huli sa Curfew ang Babae Ito, Mababang Klase Lang Raw Kasi ang Kaniyang Trabaho

InspiringMysteryStories

“Sakit talaga sa ulo ng mga kabataan ngayon! Kung hindi mukhang pokpok ay mga walang pinag-aralan! Kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi talaga ako magpapaupa!” hinanaing ni Aling Minda sa kaniyang asawa habang nag-aayos ito ng kaniyang mga halaman.

“Bakit, nahuli na naman ba sa curfew ‘yung bago? Kung ako sa’yo ay papaalisin ko na ‘yan!” sagot naman ni Mang Gener sa asawa.

“Naiinis talaga ako! Kinakalampag na naman ‘yung gate kaninang madaling araw. Sabi niya ay kumanta raw kasi siya sa gig kaya naman ginabi. Singer daw siya, ul*l niya! Put*ngina talaga! Kung hindi palpak sa pagbabayad ng renta ay huli naman sa curfew ang mga nangungupahan sa akin. Ang sakit sa ulo!” galit pang muli nitong pahayag.

“Hayaan mo siyang laging mahuli sa curfew. Ang gawin mo ay huwag mo nang buksan. Hayaan mo siyang langawin sa labas. Kung hindi lang bakasyon ang mga estudyante ngayon ay hindi ako tatanggap ng hindi estudyante e. Tingnan mo ang nangyayari sa atin, masakit sa ulo kapag ganyang may edad na. Bukod sa hindi naman malaman kung anong trabaho niya ay lagi pang huli sa pag-uwi!” banat naman ni Mang Gener at ibinagsak ang diaryo sa mesa sabay higop ng kape nito.

“Hoy! Alam kong gising ka na, kung gising ka na lumabas ka rito. Napakapasaway mong bata ka. Alam mong may curfew kami rito. Matatanda na kami para magkaroon ng sakit sa ulo!” sigaw ni Mang Gener sa pintuan ng kwarto ni Marielle.

Hindi naman nagbukas ng pinto ang dalaga at tinakpan na lamang ng unan ang magkabilang tenga nito. 

“Ayan na naman sila,”

Nakatira ngayon ang babae sa isang dormitoryo at hindi niya masunod ang patakaran nito sa curfew dahil sa kaniyang trabaho. Mang-aawit kasi sa isang banda si Marielle na siya niyang pinagkakitaan sa gabi. Halos tatlong buwan pa lamang siya rito ngunit inuulan na siya sa panghuhusga at chismis ng mga kapitbahay. Nariyang wala raw mapupuntahan ang mga katulad niyang sa pagbabanda lamang nakaasa. Ang iba naman ay palaging kinukwestyon ang kaniyang pananamit at itsura lalo na ang kaniyang mga pinta sa katawan.

“Kapag mamayang gabi ay nahuli na naman sa pag-uwi iyang si Marielle ay paaalisin ko na ‘yan! Naiinis na talaga ako,” wika ni Aling Minda na naririnig ni Marielle kahit pa siya ay nasa kwarto. Alas tres na ng hapon ngunit hindi pa rin humuhupa ang galit sa kaniya ng dalawang matanda.

“Ako naman ay ayaw ko sa kaniya, mukha siyang bayaring babae. Ayaw ko sa mga ganoong damitan at pustura. Mukhang mababang klase ng babae, puro tattoo!” baling naman ng matandang lalaki. 

Hindi nakatiis si Marielle at binuksan niya ang kwarto kahit nga pupungas-pungas pa ito.

“Sige ho, paalisin niyo na ako. Kaysa naman sa araw-araw kong kailangan na lunukin ang mga panghuhusga niyo,” saad ng dalaga sa dalawang matanda.

“Umalis ka na, hindi ka namin pipigilan, huwag ka na magbayad ng renta sa katapusan. Wala kang mararating sa buhay sa mga pabanda-banda mo, Hija. Kung ako sa’yo ay bumalik ka sa pag-aaral at nang may marating ka!” malakas na sagot sa kaniya ni Aling Minda na siyang nakatawag ng pansin sa iba tao.

“Kapag ho ba pagbabanda ang trabaho ay agad nang walang mararating sa buhay? Bakit parang napakalaki ng diskriminasyon na ipinapataw ninyo sa akin? Ano po bang problema?” patol na rin ni Marielle sa matanda. Hindi na pinigilan pa ng dalaga ang kaniyang pagtitimpi at sumasagot na siya ngayon sa dalawa.

“Tingnan mo nga, ganyan ang mga ugaling ng mga pabanda-banda. Sumasagot sa matanda! Kababaeng mong tao ay palagi kang madaling araw kung umuwi, umalis ka na lang rito at ayaw ko sa babaeng parang kulang na lang ay magbenta ng laman dito sa lugar namin!” sigaw muli ng matandang babae. 

Ngunit napatigil ang pagsisigawan ng tatlo nang dumating ang kapitan ng barangay upang silipin sila.

“Anong kaguluhan po ito Aling Minda?” tanong ni Kapitan Jess.

“Marielle, ikaw ba ‘yan? Dito ka pala nagdo-dorm kina Aling Minda? Akala ko doon ka sa kabilang apartment,” bati naman ng kapitan sa dalaga.

“Ay kayo po pala ‘yan. Magandang hapon po,” magalang na pagbating sagot ni Marielle sa kaniya.

“Diyos ko, Kapitan Jess, bakit kayo magkakilala niyang pasaway kong tenant?” singit ni Mang Gener.

“Ay, kaklase ho si Marielle ng anak ko sa pag-aabugasya kaya kilala ko ang batang ‘yan. Napakasipag niyan, nag-aaral sa gabi at nagbabanda pa sa madaling araw. May iba pang mga pinagkakakitaan ‘yan pag umaga. Nagtutor din po kasi ito sa pagkakaalam ko,” magiliw na sagot ng kapitan sa kanila. Saglit na napalunok ang mag-asawa sa kanilang narinig. Mabilis na humingi ng dispensa ang mga ito kay Marielle. 

“Bakit naman kasi hindi mo sinabing nag-aaral ka ng abogasya para galangin ka rin nila. Hindi naman maganda ‘yang hinuhusgahan ka nila ng dahil lamang sa pananamit o trabaho mo,” tanong ni Kapitan sa dalaga.

“Ayaw ko ho kasing ipagsigawan ang laman ng utak ko para lamang makakuha ng respeto. Naniniwala rin akong walang problema sa pananamit ko o sa mga pinta ko sa katawan at sa pagbabanda ko kaya naman hinahayaan ko na lamang sila,” sagot naman ng dalaga. Mas lalo pang nahiya ang mag-asawa dahil sa mga binitiwan nilang pintas para sa babae. 

Simula noon ay nagkaroon sila ng maayos na pag-uusap patungkol sa curfew nang hindi na nahihirapan pa ang dalawang matanda. Simula rin noon ay nagkaroon ng paggalang ang mga kapitbahay nila sa mga katulad daw niyang kumakanta-kanta lamang sa banda.

More Stories