Ipinagkatiwala ng Biyudo ang Anak Niya sa Isang Mabait na Babae, Di Niya naman Akalain na Pati Puso Niya ay Makukuha rin Nito
Sa paglipat ni Mario kasama ang kanyang anak na si Girly sa isang bagong paupahang bahay ay dala niya ang pag-asa na makakayanan niyang palakihin ang anak ng maayos at may magandang buhay.
Dalawang taon makalipas ang pagpanaw ng kanyang asawa ay nagpasiya siyang lumipat sa mas murang bahay upang makabawas na din sa gastusin nilang mag-ama.
Unang araw pa lamang ay nagtanong-tanong na siya sa mga kapitbahay kung mayroon silang kakilalang yaya na magbabantay kay Girly habang siya ay nagtatrabaho. Sa kasamaang palad ay hindi siya nakahanap. Pabalik na sila sa bahay nang ituro ni Girly ang kalapit na tindahan.
“Papa, gusto ko ng tsokolate”, wika nito.
“Sige anak pero dalawa lang ha”, sagot niya sa anak.
“Pabili ho nitong tsokolate, dalawa.” sambit ni Mario sa babae sa tindahan
“Uy, kayo ang bagong lipat dito ah, eto dalawang tsokolate, libre na yan para sa unang pagbili niyo sa tindahan ko”, sagot naman nito.
“Naku nakakahiya naman, salamat, hayaan mo at dito kami palagi bibili ni Girly”, wika ni Mario
“Hello Girly pala ang pangalan mo, ako si Tina” nakangiting pagpapakilala niya sa bata.
“Ako nga pala si Mario, mauna na kami Tina, maghahanda pa ako ng hapunan, salamat ulit sa tsokolate”, matapos ay pumasok na ang mag-ama sa kanilang bahay.
Pagkatulog ni Girly ay tumayo si Mario at lumabas upang bumili ng lulutuin para sa almusal.
“Oh Mario, may nakalimutan ka bang bilin?” Bati ni Tina sa kanya
“Oo Tina, dalawang noodles at itlog, almusal namin bukas, maaga kasi ang pasok ko sa trabaho eh, baka sarado ka pa nun.” paliwanag niya
“Eh paano si Girly? Sinasama mo siya sa trabaho?” usisa ni Tina habang inaayos ang mga binili ni Mario
“Yun nga ang problema ko eh, kanina pa ako nagtatanong tanong dito ng pwede makuhang yaya pero wala.Maymarerekomendakaba?”
“Kung gusto mo ay iwan mo nalang muna siya sa akin dito habang naghahanap ka ng yaya, maghapon lang naman ako dito sa tindahan at nakakainip din mag-isa.”
“Talaga Tina? Okay lang ba iyon? Mabait na bata naman si Girly, ayoko lang talaga siyang iwanan mag-isa. Huwag kang magalala at babayaran naman kita.” masiglang sagot niya habang nakatitig kay Tina.
Tila ba nangiti si Tina sa malalim na tingin ng mga mata ni Mario, “Oo naman, akong bahala sa kanya wag ka mag-alala.”sagotniyadito.
Pagkabayad ay umuwi na rin si Mario, masaya siya na may isang katulad ni Tina ang tutulong sa kanya. Isa pa’y nakikita niyang mabuti itong tao, muka din itong masayahin dahil palagi itong nakangiti sa tuwing nakakausap niya.
Kinaumagahan ay hinatid na ni Mario si Girly sa tindahan, madali namang napalagay ang loob ng bata kay Tina dahil ipinaghanda siya nito ng mga coloring books sa loob ng tindahan. Dagling nagpaalam si Mario para pumasok sa trabaho, panatag ang loob niya na nasa mabuting pangangalaga ang anak.
Dalawang buwan ng ganito ang kanilang araw-araw na senaryo, nag-boluntaryo si Tina na siya na ang permanenteng magbabantay kay Girly dahil kailangan niya din naman ng ekstrang kita.
Isang araw ay pasado alas-otso na ng gabi na dumating si Mario sa tindahan, malayo pa lamang ay naririnig niya na ang tawa ng anak, pagsilip niya’y nakita niyang masayang naglalaro ang bata kasama si Tina.
“Pabili po!” kuwaring tawag niya sa dalawa.
“Papa!” sigaw ni Girly na papalapit sa pintuan.
“Oh, kanina ka pa hinintay niyan, ipapakita daw niya sayo ang mga bago niyang drawing”, kwento ni Tina
“Pasensya ka na ha, may biglang problema kasi sa trabaho, kinailangan ko munang ayusin”, sagot naman niya.
“Wala yun Mario, hindi naman na kayo iba sa akin, dito na kayo maghapunan, nagluto ako ng sinigang, paborito daw ni Girly yun eh.”
Gustuhin mang tumanggi ni Mario ay wala na siyang nagawa, nakita niyang nakaayos na ang hapag kainan at siya na lamang ang hinihintay ng dalawa. Pagkakain ay inimbitahan ni Mario si Tina sa kanilang bahay.
“Tina, may sorbetes kami sa bahay, samahan mo kami ni Girly magpanghimagas, makabawi man lang ako sa masarap na hapunanng hinanda mo.” paanyaya ni Mario, sumama naman si Tina na ikinagalak ni Girly.
Dala na rin ng pagod sa maghapong paglalaro ay agad nang nakatulog si Girly, naiwang nakaupo si Tina at Mario sa sala, isang pagkakataong nakita ni Tina upang makausap si Mario.
“Mario, ano kasi eh, may sasabihin sana ako sayo.”
“Ano yun Tina? Ako din sana may gustong sabihin sayo pero sige mauna ka na.”
“Ang totoo niyan, una palang kitang nakita dito ay nagustuhan na kita, lalo pa’t napakasipag at responsable mong ama kay Girly. Mario, sa tingin mo ba ay may pag-asang magustuhan mo rin ako?
Hindi niya na ito ikinagulat, matagal niya nang napapansin ang espesyal na trato sa kanila ni Tina, animo’y isang binatang kinikilig si Mario na hindi magawang tumingin ng diretso kay Tina, ngumiti siya at sumagot,
“Tina, noon pa man ay nagustuhan ko na ang pagiging masiyahin mo. Kaya nga siguro unti-unti na ring nahuhulog ang loob ko sayo.”
Hinawakan niya ang kamay nito at saka tinatong kung maari siyang manligaw, tumugon si Tina ng isang matamis na ngiti at pagtango ng ulo.
Di nagtagal ay sinagot na siya ni Tina, hindi inakala ni Mario na sa paglipat nila ng tirahan ay makakakilala siya ng taong makakasama nila ni Girly, isang taong handang tumayong pangalawang ina para sa kanyang anak.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!