Inday TrendingInday Trending
Ilang Beses Nang Sawi sa Pag Ibig ang Dalaga, Isang Tao sa Nakaraan lang Pala ang Hihilom sa Sugatan Niyang Puso

Ilang Beses Nang Sawi sa Pag Ibig ang Dalaga, Isang Tao sa Nakaraan lang Pala ang Hihilom sa Sugatan Niyang Puso

Miyerkules ng hapon nang yayain si Lesly ng ka opisinang si Jaime para lumabas at mamasyal.

“Ah Lesly, may gagawin ka ba sa Sabado?” Tanong nito sa kanya

“Wala naman, manonood lang ako ng tv o di kaya’y magbabasa ng libro”. Sagot niya.

“Mabuti naman, gusto sana kitang yayain na mamasyal, parang date, kung okay lang sayo.”

“Seryoso ka ba Jaime? Baka naman binibiro mo lang ako”, sagot ni Lesly na may halong pagaalinlangan.

Dahil sa kakulitan nito ay pumayag na sya. May itsura naman si Jaime at masaya pang kasama. Baka eto na nga ang matagal niyang hinihintay, ang magkaroon ng kasintahan, limang taon na din naman siyang single at hanggang ngayon ay wala pa din siyang nakikilala na pumapasa sa kaniya. Ilang sablay na date na din ang pinagdaanan niya, andiyan yung baklang gusto lamang pala siya ayusan, isang manyakis na sinampal niya, isang tambay na sanggano at marami pang iba.

Dumating ang araw na pinakahihintay ni Lesly, ilang araw niya din pinaghandaan ang napagkasunduang date nila ni Jaime. Naglalakad na siya papunta sa lugar na kanilang napag-usapan, malayo pa lamang ay nakita na niya ito at agad kinawayan.

“Kanina ka pa? Pasensya ka na nahirapan akong makasakay ng taxi”, unang bati niya kay Jaime

“Hindi naman kakarating ko lang din, kumain ka na ba? Tara mag mirienda muna tayo” sagot nito.

Ngunit hindi pa nakakasagot si Lesly ay may humila na sa kanyang buhok.

“Walanghiya ka! Sinasabi ko na nga ba may kabit ka Jaime! Eto ba yung linggo linggo mong kasama ha?” Sigaw ng babaeng pilit na inaawat ni Jaime.

“Aray ko miss teka lang naman bitiwan mo muna ako, ano bang sinasabi mo?” Pakiusap ni Lesly

“Tama na please bitawan mo si Lesly, ngayon pa lang kami nagkita, wala siyang alam.” Sambit ni Jaime.

Sa puntong ito ay napagtanto agad ni Lesly na may kasintahan na si Jaime at isang malaking gulo kung mananatili pa siya sa pagitan ng dalawa, nang makakuha siya ng pagkakataon ay lumakad siya ng mabilis papalayo at diretsong umuwi.

“Grabe naman yan Lord, di Mo man lang ako binigyan ng warning”, malungkot na bulong ni Lesly habang inaayos ang kamang hihigaan. Muli siyang nasawi sa pag-ibig ngunit hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asang makakakilala ng taong mamahalin siya habang buhay.

Tuwing Linggo pagkatapos ng misa ay sa grocery store siya nagpapalipas ng oras para mamili ng mga personal niyang pangangailangan.

Pilit na inaabot ni Lesly ang isang pack ng napkin na nasa pinakataas na lagayan nang biglang may lalaking kumuha nito at inaabot sa kanya, nahihiya man ay nagpasalamat siya dito. Nakangiti ito sa kanya at kitangkita ang malalalim nitong dimples.

“Huwag ka mahiya, binibilan ko kasi ng ganito ang kapatid ko kaya sanay naman ako sa mga ganyan”, wika nito.

“Ganun ba? Salamat”, akma ng aalis si Lesly ng muli itong magsalita.

“Mike nga pala, ikaw anong pangalan mo?” biglang sambit nito

“Ako si Lesly. Sige Mike mauuna na ako. Salamat ulit”.

“Saglit lang Lesly, alam kong masyado tong mabilis pero pwede ko bang mahingi ang number mo?”

Nakulitan na siya dito at ibinigay na niya kay Mike ang kanyang number, maliban doon ay may taglay itong kagwapuhan, bahagya siyang kinilig sa ideyang maari pa silang magkita ulit.

Pagkauwi niya ay nakatanggap na siya ng mensahe mula kay Mike, inaanyayahan siya nito na lumabas. Napagkasunduan nilang magkita sa Martes sa isang Café malapit sa kaniyang opisina.

Pagpasok pa lamang niya ng café ay natanaw niya na agad si Mike, maayos ang kasuotan nito , mukang pinaghandaan ang kanilang pagkikita, nagtataka lamang si Lesly na may dalang laptop si Mike at tila ba may inaayos.

“Lesly anjan ka na pala, halika upo ka”, paanyaya sa kanya nito.

“Salamat Mike, anong ginagawa mo?”

“Eto hinahanda ko na yung proposal ko sayo, pag nag invest ka dito, lalago ang savings mo! Pamilyar ka ba sa networking? Yun ang paguusapan natin ngayon, ready kana?”

Nawalan ng gana si Lesly para sa araw na iyon, buong akala niya ay magde-date sila ni Mike para kikilalanin ang isa’t-isa. Matapos ang presentation ay agad nang nagpaalam si Lesly at umuwi. Hindi na rin niya sinagot ang mga text nito.

“Malas nga siguro ako sa pagibig, mas mabuti pa siguro hayaan ko nalang ang kapalaran ang humanap para sa akin”, bulong niya sa sarili habang nagsusuklay sa harap ng salamin.

Tatlong buwan matapos ang kanyang huling date ay may nkasalubong si Lesly, pamilyar ang muka nito at tila ba kinikilala din siya.

“Lesly”? sambit nito

“Gary? Hala ikaw na ba yan? Hindi kita nakilala ah”. Pagbati ni Lesly sa kababatang matagal niya ng hindi nakikita. Ang dating patpatin at iyakin niyang kaibigan ay isa ng matipunong lalaki na nagtatrabaho di kalayuan sa kanyang opisina.

Hindi na nagatubili si Gary at agad siyang niyaya nito na magsabay sila sa tanghalian. Namula ang pisngi ni Lesly sa paanyaya nito, bulong niya sa sarili, “Grabe eto na yon, nararamdaman ko eto na talaga siya.”

Mula noon ay araw-araw nang nagsasabay ang dalawa sa pagkain at unti unting kinikilala muli ang isa’t isa.

Advertisement