
Nahulog si Bunso kay Ate Dahil Magkahiwalay na Lumaki ang Magkapatid; Pag-ibig Nga Kaya ang Kanilang Nararamdaman?
“Oh, Abby, kapag nandito na ang kapatid mo, ayusin mo ‘yang kwarto ninyo. Hindi dapat ganiyan kadumi. Kababae mong tao at isa pa, panganay ka! Kaya dapat ay tuturuan mo ang kapatid mo sa mga kinikilos mo. Naiintindihan mo ba?” bilin ng ina na si Mary sa kaniyang labing anim na taong gulang na anak.
“Oo ‘ma. Alam ko na ‘yan. Wala naman akong paki kung saan matulog ‘yun!” pabalang na sagot naman ng dalagang si Abby sa kaniyang ina.
“Bakit kasi kailangan pang maglinis nang sobra sobra, ‘ma?! Ganito naman lagi ang bahay natin eh. At isa pa, hindi naman espesyal ‘yun para paghandaan natin. Dito na nga siya titira eh!” dagdag pa nito habang ramdam ang pagkabugnot dahil sa init ng panahon.
“Huwag naman ganiyan, ‘nak. Alam ko hindi kayo magkapalagay ng loob ng kapatid mo dahil magkahiwalay kayong lumaki. Pero sana maging maayos na ang pamilya natin dahil hindi na ulit ako aalis ng bansa. Magtitinda na lang ako rito sa atin para naman magkasama-sama na tayo,” marahang paliwanag naman ni Mary sa anak na nakasimangot.
Wala naman itong tugon kundi ang malakas na pagsara ng pinto sa kanilang silid kung saan sila nag-aayos ng mga gamit.
Pagkaraan, dumating ang araw kung kailan nakatakdang umuwi sa siyudad ang bunso sa pamilya na si Edward. Malayo pa lamang ngunit hindi na naghintay pa si Mary at tinakbo na niya ito. Niyakap niya ito nang mahigpit dahil sa wakas, pagkalipas ng isang dekada ay muli niya itong nasilayan.
Tahimik si Edward na pumasok ng bahay na tila ba hindi niya pamilya ang naroon. Nakaupo lamang ito at minamasid-masid ang kanilang bahay. Maliit man ngunit maganda ito dahil bago pa ang mga kagamitan na binili pa ni Mary matapos niyang umuwi galing ibang bansa.
“Ito, ‘nak, paborito mo raw ang hipon sabi ng tiyahin mo. Ito pa, kanin, kung gaano karami gusto mo okay lang! Marami akong sinaing para sa’yo dahil alam kong nakakapagod at nakakagutom ang magbiyahe,” aligaga naman na wika ni Mary habang inilalapit sa anak ang mga kubyertos at pagkain sa la mesa.
“Ahh ehh… Hindi po. May allergy po ako sa hipon,” mahinang tugon naman ni Edward sa ina.
“Huwag mo na kasing pagsilbihan kung ayaw! Ang arte arte!” pagsusungit naman ni Abby sa kapatid at ina.
Matapos ang tanghalian, agad na naligo si Edward upang makapagpahinga na. Makisig ang pangangatawan ni Edward sa edad nitong walong taong gulang. Pinapakiramdaman pa rin niya ang kaniyang ate na walang ibang pinaramdam sa kaniya kundi malamig na pakikitungo. Para bang wala siya sa silid kung umasta ang ate. Hihiga na sana si Edward nang bigla na lamang sumigaw ang kapatid.
“Ano ba?! Huwag ka diyan! Unan ko ‘yan!” sigaw nito sa kapatid. Mabilis naman siyang umalis sa kama at lumipat na lamang sa sofa na malapit.
“Magkalinawan nga tayo. Hindi porket dito ka natutulog sa kwarto ko, pwede mo nang pakialaman ang mga gamit ko! Subukan mo lang. Subukan mo lang talaga!” pagbabanta pa nito sa kaniyang kapatid na nakayuko lamang.
Nagdaan ang mga araw ni Edward na patuloy siyang nagtitimpi at nagtitiis sa ugali na pinapakita sa kaniya ng kaniyang ate. Hindi kailanman siya nagsumbong ng kung ano sa ina dahil ayaw niyang mag-alala pa ito. Isang araw, nakita ni Mary ang silid na puno ng mga gamit ni Abby. Ang ilan sa kaniyang mga bag ay nakapalibot sa kama na tila ba harang.
“Sabihin mo nga ang totoo, Edward, hindi ba maganda ang pakikitungo sa’yo ng ate mo?” mahinang wika ni Mary habang nasa kusina silang dalawa ni Edward.
“Uhh… Hmm…” pag-aalinlangan naman ni Edward habang hindi makatingin nang diretso sa ina.
“Sabihin mo ang totoo. Sabihin mo, ‘nak, para maiayos natin anuman ang hindi ninyo napagkakasunduan,” marahang tugon naman ni Mary sa anak.
“Wala po. Sobrang bait ni ate, ‘nay. Pinapahiram niya po ako ng mga gamit niya. Tapos ako po ang pinapatulog niya sa kama,” pagsisinungaling naman ni Edward sa ina. Nakahinga naman nang maluwag si Mary matapos marinig ang mga salitang iyon mula sa anak. Lalo siyang nagkaroon ng lakas na kumayod nang husto upang makapamuhay ang kaniyang mga anak nang walang hirap.
Lingid sa kaalaman ng dalawa na narinig ni Abby ang kanilang pag-uusap. Lubos itong ikinagaan ng loob ni Abby dahil pinagtakpan siya ng kapatid. Hindi naman pala masama kung tatanggapin niya ang kapatid nang buo. Sa wakas, nagpasiya siya na pakitunguhan nang maayos ang kapatid at iparamdam dito ang pagmamahal.
Sa araw-araw na wala ang ina sa bahay, si Abby ang nagluluto at namamalengke para sa kanila. Tumutulong naman si Edward sa paglilinis, paghuhugas at paglalaba ng kanilang mga maruming damit. Kapag nakikita ito ni Mary, hindi niya mapigilan ang umiyak dahil sa labis na tuwa na kaniyang nararamdaman.
Pagkaraan ng isang buwan na payapa at tahimik ang pamumuhay ng buong pamilya, nagpasiya si Mary na magbakasiyon silang lahat sa probinsya. Marahil kasi ay sabik na rin si Edward na muling makabisita sa kaniyang tiyahin na siyang nagpalaki sa kaniya. Labis itong ikinatuwa ni Edward ngunit ikinalungkot naman ni Abby dahil hindi siya makakasama gawa ng kaniyang klase sa eskwelahan.
Isang gabi, hindi makatulog si Mary dahil iniisip niya ang kaniyang anak na si Abby. Dali-dali siyang nagpunta sa silid ng mga anak upang kausapin at paliwanagan ito na hindi na sila tutuloy sa probinsya. Subalit labis ang kaniyang pagkagulat nang makita na magkapatong ang mga anak at may ginagawang kababalaghan!
Agad siyang lumabas ng silid nang makita ang gulat din na mga mukha ng kaniyang mga anak. Buong gabi, hindi napalagay at nakatulog si Mary. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin.
Kinabukasan, sabay na pumunta ng kusina sina Abby at Edward. Naroon ang kanilang ina na tahimik at walang kibo. Inabot nito ang mga pagkain at sumabay sa kanilang hapag. Tahimik pa rin ang lahat ngunit nasira ito nang magsalita ang ina.
“Babalik ka na sa probinsya, Edward. Bukas susunduin ka ng tiya mo. Doon ka na muna hanggang matapos ang taon na ito. Pagbalik mo dito sa susunod na taon, si Abby naman ang titira doon at dito ka titira,” malamig na pahayag ni Mary habang hindi naman siya makatingin nang diretso sa dalawang anak.
“Pero, ‘ma-“ hindi pa man natatapos, agad itong binigyan ng tugon ni Mary.
“Walang pero pero! Wala! Dahil ‘yong nakita ko kagabi, Abby, hinding hindi ko kailanman lubos maisip na mangyayari at magagawa ninyong magkapatid iyon!” sigaw naman ni Mary sa mga anak.
“Naging mabuti ako sa inyo! Buong buhay ko, nilaan ko para kumayod para mabuhay kayo pero ito lang ang igaganti ninyo…” lumuluhang wikang muli ni Mary.
“’Nay… mahal ko po si-“ muli na nanamang pinutol ni Mary ang dapat na sasabihin ni Edward.
“Tumigil ka! Tumigil kayo!” atungal muli ni Mary sa mga anak.
Agad niyang hiniwalay si Edward kay Abby hanggang sa dumating ang kinabukasan at kuhain ng tiyahin nila si Edward. Kahit na ayaw, walang nagawa ang magkapatid kundi ang sundin ang nais at utos ng kanilang ina.
Naiwan naman si Abby sa kanilang bahay kasama ang ina. Subalit habang nagdaan ang mga araw, hindi man lang umiimik ang ina sa kaniyang anak. Hanggang sa isang umaga, isang balita ang muling yayanig sa mundo ng pamilya.
“’Ma… ‘Ma… Buntis po ako…” nanghihinang wika ni Abby sa kaniyang ina. Nanlalaki ang mga mata at puno ng luha, nakita ni Abby ang reaksiyon ng ina hanggang sa bigla na lamang itong bumagsak sa lapag.
Pagkalipas ng isang linggo, muling nagkita ang magkapatid habang pinaglalamayan na ang abo ng kanilang ina na nasawi dahil sa atake sa puso. Labis ang pagsisisi ni Abby at Edward dahil sila pa ang naging dahilan ng pagkawala ng ina. Ang pagkasawi nito ang nagpalinaw ng kanilang isipan na hindi naman talaga pagmamahal ang kanilang nararamdaman. Nagpasiya sila pati na ang kanilang tiyahin na ipagpatuloy ang kanilang mga buhay na magkahiwalay. Tanging dalangin na lamang nila ngayon ay ang kapayapaan ng kaluluwa ng kanilang nasirang ina.