May Kung Anong Malaki, Matigas at Ipapasok sa Butas ang Binatilyo Kasama ang Dalagitang Kapatid, Nagulat ang mga Magulang nang Malaman kung Ano Iyon
Mahilig ang magkapatid na Erwin at Lilibeth na magpunta sa kakahuyan para maglaro.
“Kuya, saan naman tayo maglalaro ngayon?” tanong ng dalagita.
“Hmmm… di ko alam, e. Lahat na yata ng sulok nitong kakahuyan ay napuntahan na natin.”
Nang biglang may naalala si Lilibeth.
“Mayroon pa tayong hindi napupuntahan, kuya!”
“Saan?” tanong ng binatilyo.
“Doon sa ipinagababawal n lugar!” anito.
Ang tinutukoy ng dalagita ay ang parte ng kakahuyan na may tumutubong kakaibang uri ng halaman. Sa una ay ayaw ng magkapatid na puntahan ang lugar dahil ayon sa sabi-sabi ng mga matatanda ay pinamumugaran daw iyon ng mga lamang lupa. Ngunit hindi natinag ang dalawa at pinuntahan iyon.
“Kuya, ang daming bulaklak at ang lalaki!” manghang sabi ng dalagita.
“Tignan mo, Lili itong nakuha ko, o!”
Ipinakita ni Erwin sa kapatid ang nakuha niya, ubod iyon ng laki at kulay pula. Mas lalong namangha si Lilibeth sa kakaibang nakuha ng kapatid.
“Wow, grabe naman sa laki iyan, kuya at pulang-pula!” gulat na saad ng dalagita.
“Iuuwi ko ito sa bahay.”
“Huwag, kuya! Siguradong magagalit sina inay at itay kapag nalaman nilang pumunta tayo dito!”
“Sino bang nagsabing sasabihin natin, walang magsasalita, a! Sikreto lang natin ‘to!” sabi ng binatilyo.
“Sige, kuya Sikreto lang natin, hihi!”
Nang bumalik sila sa bahay ay agad na nag-usisa si Nena.
“Saan ba kayo nagpunta? Kanina ko pa kayo hinahanap!” anito.
Nagkatinginan lang ang magkapatid. Pinapakiramdaman ang isa’t isa kung sino ang unang magsasalita. Nagdesisyon si Erwin na siya na ang mauuna.
“A, e inay naglaro lang kami sa kakahuyan.”
“Opo, hindi lang namin namalayan ang oras,” wika naman ni Lilibeth.
“Malaki na kayo! Ikaw Erwin, kinse anyos ka na. Ikaw naman Lilibeth ay katorse. Dapat ay hindi na kayo naglalaro na magkasama. Dapat ikaw Lili ay sumasama sa mga pinsan mong babae at ikaw naman Erwin ay sa mga pinsan mong lalaki,” sermon ng ina.
Hindi na nagsalita ang magkapatid at tumahimik na lang. Alam naman nilang hindi sila kailanman mananalo sa kanilang ina.
“O s’ya, maghugas na kayo ng kamay at kakain na tayo ng hapunan. Malapit na ring dumating ang itay niyo.”
Matapos makapaghapunan ay hinila ni Erwin ang kapatid sa isang sulok ng bahay at doon sila nagbulungan.
Hindi naman iyon nakaligtas kay Nena. Nagtaka ito kung bakit simula nang dumating ang dalawang anak, pakiramdam niya ay may itinatago ang mga ito. Lalapitan niya sana ang dalawa para mas lalong marinig ang bulungan ngunit nakita niyang pumasok ang dalawa sa kuwarto at isinara ang pinto sa loob.
“Ano kayang pinagbubulungan ng dalawang ‘to!”
Dahil sa kagustuhan na malaman ang siketo nina Erwin at Lilibeth ay pinakinggan niya ang usapan ng dalawang anak sa loob ng kuwarto. Idinikit niya ang kanang tainga sa pinto.
“Kuya, ang laki-laki talaga niya, o!” sabi ng dalagita.
“Ang laki di ba? Hawakan mo!” wika naman ng binatilyo.
Sa narinig ay hindi napigilan ni Nena na mapahawak sa kanyang bibig.
“Diyos ko, ano kaya ang malaki na iyon?”
Muli niyang pinakinggan ang mga boses sa loob ng kuwarto.
“Ang tigas-tigas naman, kuya!”
“Matigas talaga iyan. Hawakan mo pa, bilisan mo!”
“Ayoko na kuya! Pero teka, kasya kaya iyan sa butas? Baka hindi magkasya sa sobrang laki at tigas!”
Nangilabot si Nena sa mga naririnig niya sa loob ng kuwarto. Hindi niya akalain na magagawa ng mga anak ang ganoon.
“Humanda kayo at isusumbong ko kayo sa itay niyo!” gigil na sabi sa babae.
Dali-daling tinawag ni Nena ang asawang si Pidyong na naninigarilyo sa labas ng bahay.
“Psst! Darling, halika dito!”
Agad namang pumasok si Pidyong at nilapitan ang asawa.
“Huwag kang maingay, pakinggan mo ang mga anak mo sa loob!” bulong niya sa mister.
Sabay na pinakinggan ng dalawa ang patuloy na usapan sa loob ng kuwarto.
“Kuya naman, kanina mo pa pinapahawak sa akin iyan! Napakalaki naman at napakatigas!”
“Para masanay ka nang hawak-hawakan ‘to!”
Nagsalubong ang kilay ni Pidyong. Hindi makapaniwala sa ginagawa ng mga anak.
“Tignan mo at pulang-pula talaga!” patuloy na wika ni Lilibeth.
“O, ang usapan natin, sikreto lang natin’ to, a!
“Siyempre, walang makakaalam!”
“Ano ipapasok ko na ba?” tanong naman ni Erwin.
Hindi na nakapagpigil sina Nena at Pidyong at padabog na binuksan ang pinto.
“Ano iyang ipapasok mong bata ka?!” galit na tanong ng lalaki.
Nagulat naman ang magkapatid nang pumasok sa loob ng kuwarto ang mga magulang.
“May problema po ba, itay?” tanong ng binatilyo.
“Ano ang matigas, malaki at ipapasok mo sa butas, ha?! At may pasikre-sireto pa kayo!” pasigaw na tanong ni Nena.
“I-ito pong KABUTE! N-napulot po namin sa kakahuyan. Natuwa po ako kasi napakalaki, napakatigas at pulang-pula itong kabuteng ito. Kakaiba po di ba? Kaya naisip kong ilagay sa garapon kaso, hindi kasya sa butas,” bunyag ng binatilyo.
“Sikreto lang po dapat namin iyan ni kuya, e baka po kasi magalit kayo!” paliwanag ng dalagita.
“K-kabute, kabute ba kamo?” takang sabi ni Pidyong.
“Bakit po, ano po bang akala niyo?” tanong ni Erwin.
Nagkatinginan na lang ang mag-asawa at palihim na natawa sa kanilang mga sarili. Mali pala ang kanilang hinala sa mga anak. Ang tinutukoy pala ng mga ito na malaki, matigas, pulang-pula at ipapasok sa butas ay KABUTE lang pala.
Nagbibinata at nagdadalaga na kasi sina Erwin at Lilibeth kaya hindi nila naiwasang mag-isip ng hindi maganda sa usapan ng mga ito. Napagtanto nina Nena at Pidyong na kailangan din nilang magtiwala sa mga anak.