Inday TrendingInday Trending
Dahil sa Hirap ay Nagawang Iwan ng Kuya ang Nakababatang Kapatid sa Bahay-Ampunan; Makalipas ang Ilang Taon ay Ganito ang Kanilang Sasapitin

Dahil sa Hirap ay Nagawang Iwan ng Kuya ang Nakababatang Kapatid sa Bahay-Ampunan; Makalipas ang Ilang Taon ay Ganito ang Kanilang Sasapitin

“Tumahan ka na, Audrey, tahan na. Wala nang magagawa ang pag-iyak natin. Kailan magpakatatag tayo sapagkat tayong dalawa na lang. H’wag kang mag-alala sapagkat pangako ko sa’yo na hinding hindi kita pababayaan,” sambit ng labing anim na taong gulang na si Franco sa kaniyang siyam na tayong gulang na kapatid na si Audrey habang nasa tapat ng puntod ng kanilang mga magulang na kalilibing lamang.

“Kuya, miss na miss ko na sina tatay at nanay. Paano na tayong dalawa? Sino na ang mag-aalaga sa atin?” pagtangis ng nakababatang kapatid.

“Simula ngayon ay ako na ang bahala sa ating dalawa. Kakayanin natin ito,” sambit muli ni Franco.

Pilit na nagpapakatatag si Franco sa kabila ng pagkawala ng kanilang mga magulang. Simula kasi ng araw na iyon ay siya na ang aako ng lahat ng responsibilidad para sa kanilang dalawang magkapatid. Bata pa man ay wala siyang pagpipilian kung hindi pasanin ang lahat ng ito upang sila ay mabuhay.

Simple man ang buhay noon ay larawan ng masayang pamilya ang kina Franco at Jacob. Lahat ng pangangailangan nila ay hindi nagkukulang dahil masikap ang kanilang mga magulang na parehong nagtitinda sa palengke.

Ngunit isang gabi habang pauwi ng bahay ang mag-asawa ay may bigla na lamang may rumaragasang kotse ang bumundol sa kanila. Sa tindi ng aksidente ay hindi na pinalad na mabuhay pa ang kanilang mga magulang.

Halos pagsakluban ng langit at lupa ang magkapatid dahil sa isang iglap ay binawi na lamang sa kanila ang kanilang tatay at nanay.

Hindi alam ni Franco kung paanong magsisimula sapagkat wala din siyang mahingan ng tulong sa iba nilang kamag-anak. Huminto siya ng pag-aaral upang maghanap ng trabaho at matustusan ang kanilang pangangailangan.

“Kuya, gusto mo ay tumigil na lang din akong mag-aral nang sa gayon ay hindi na ako maging pabigat sa iyo?” wika ni Audrey sa kapatid.

“Hindi ka hihinto ng pag-aaral, Audrey. Kung nabubuhay ang mga magulang natin ay hindi nila ito nanaisin,” tugon naman ng binata.

Hindi alintana ni Franco ang hirap sa pagiging waiter sa isang restawran makapag-uwi lamang ng pera para sa kanilang mga bayarin at panggastos.

Ngunit isang araw ay bigla na lamang inaapoy ng lagnat ang kaniyang kapatid.

“Mainit ka, Audrey. Humiga ka muna at babanyusan kita,” wika ni Franco.

Dumaan ang tatlong araw at hindi pa rin nawawala ang lagnat ni Audrey. Lumalala na din ang kundisyon nito hanggang sa humingi na ng tulong ang binata sa isang kapit-bahay sapagkat nawalan na ng malay ang kaniyang kapatid.

Labis ang kaniyang pag-aalala kay Audrey. Bukod pa roon ay iniisip din niya ang iba pang gastusin sa ospital. Halos hindi na nga siya kumain para lamang malamnan niya ang sikmura ng kapatid.

Sa tulong ng ibang taong nagkakita at naawa sa kanila ay nagawang makalabas ni Audrey sa ospital nang bumuti na ang kalagayan nito.

“Dumaan muna tayo sa simbahan para makapagpasalamat sa Diyos,” paanyaya ni Franco sa kapatid.

Nang makarating na sila sa simbahan at makatapos manalangin ay sandaling nagpaalam ang binata kay Audrey upang bumili ng tubig.

“H’wag na h’wag kang aalis dito sa tapat ng simbahan. Hintayin mo ako rito,” saad ng kuya.

Ngunit halos kalahating oras na ay hindi pa rin nakakabalik si Franco. Labis na ang pag-aalala sa kaniya ng batang si Audrey. Nais man niyang umalis upang hanapin ang kapatid ay mariin nitong sinunod ang bilin ng kaniyang kuya.

Hanggang sa isang sandali ay may dalawang babae na lumapit kay Audrey.

“Sumama sa ka amin, ‘neng. Hindi nararapat ang isang batang katulad mo dito sa lansangan. Sumama ka sa amin sa bahay-ampunan at doon ay maalagaan ka,” wika pa ng ale.

“Hindi po ako ulila. May kuya pa po ako at sa katunayan ay hinihintay ko po siya!” sambit ng bata.

Ngunit pilit siyang dinala ng dalawang ale.

Walang tigil sa kakapumiglas si Audrey dahil ayaw niyang sumama.

“Bitawan niyo ako, kailangan po ako ng kuya ko! Malulungkot po siya kapag nawala ako! Parang awa niyo na po, bitiwan niyo na ako!” umiiyak na giit ng bata.

Ngunit dahil hindi dumarating ang kaniyang kapatid at walang nagawa ang kaniyang maliit na katawan ay naisama si Audrey ng dalawang ale patungong bahay-ampunan.

“Parang awa niyo na po, hahanapin po ako ng Kuya Franco ko. Ang sabi lang po niya ay h’wag akong aalis sa tapat ng simabahan,” patuloy na nakikiusap si Audrey.

“Ang kuya mo mismo ang nanghingi ng tulong sa amin upang ilagay ka dito sa bahay-ampunan. Kaya tumahan ka na dahil dito ay mas magiging maayos ang buhay mo,” wika ng tagapangasiwa.

Labis ang sama ng loob ni Audrey nang malaman niya ang katotohanan.

“Sana ay sinabi na lamang sa akin ng kuya ko na ayaw na niya sa akin. Siguro ay pabigat na ako sa kaniya kaya ipinamigay na niya ako,” wika pa ng bata.

Lumipas ang mga taon ay natuo ng mamuhay si Audrey na hindi na masyadong iniisip ang kaniyang Kuya Franco. Pilit niyang ibinabaon ang mga alaala nito dahil sa tuwing naaalala niya ang kapatid ay naaalala din niya ang kaniyang poot sa ginawa nitong pang-iiwan sa kaniya.

Hanggang sa isang araw ay ipinatawag siya ng tagapangasiwa sa tanggapan nito. Laking gulat niya na makita ang isang pamilyar na mukha.

“K-kuya?” pinipigil ni Audrey ang maluha dahil galit pa rin siya sa nakatatandang kapatid.

“Patawarin mo ako, Audrey,” bungad agad ni Franco sa kaniya.

“Hindi ako makapaniwala na kailangan mo akong ipamigay, kuya! ‘Di ba ang pangako mo sa akin ay hindi mo ako pababayaan? Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?” hindi na naiwasan pa ni Audrey na tumulo ang kaniyang mga luha.

“Ginawa ko ang lahat ng iyon upang mapabuti ka. Dahil ayaw kitang pabayaan. Hindi ko kaya na alagaan ka. Natatakot ako na baka kung ano ang mangyari sa iyo sa piling ko.

Hindi ko alam kung makakaain ka, may matutuluyan ka pang bahay o hindi naman kaya ay kung magkasakit ka ay magagamot ka. Kaya naisipan kong pansamantalang ilagay ka muna dito sa bahay-ampunan para masigurado ko ang kabutihan ng kapakanan mo,” paliwanag ng kaniyang kapatid.

“Walang oras na hindi kita naisip at walang sandali na hindi ako nalungkot dahil wala ka sa tabi ko. Ikaw na lang ang pamilya ko, Audrey. Kaya patawarin mo ang kuya sa lahat ng nagawa kong ito,” dagdag pa ni Franco.

Hindi makapaniwala si Audrey na nagawa lamang pala iyon ng kapatid upang mapabuti siya.

“Sa katunayan ay ilalabas ka na ng kuya mo dito sa bahay-ampunan. Muli na kayong magsasama,” saad ng tagapangasiwa.

“Ginawa ko ang lahat upang umulad ang buhay ko upang maibalik kita kaagad sa piling ko, Audrey. Pinagsabay ko ang pagtatrabaho at pag-aaral para mas maganda ang kinabukasan na kaya kong ibigay sa iyo. Ngayon na nakamtan ko na ito ay p’wede na kita muling bawiin,” sambit ng binata.

Isang mahigpit na yakap ang pumutol sa lahat ng sama ng loob at pangungulila ng magkapatid. Ang lahat ng galit na kinimkim ni Audrey sa kaniyang kapatid ay napalitan ng lubos na kaligayahan na sa wakas ay muli na silang magkakasama.

“Kuya, ipangako mo sa akin na kahit kailan ay hindi na tayo maghihiwalay,” wika ni Audrey sa kapatid.

“Pangako ko sa iyo, Audrey. Simula sa araw na ito ay hinding-hindi na tayo maghihiwalay pa. Hinding-hindi na kita pababayaan,” sambit ng kaniyang Kuya Franco.

Masayang umuwi ang dalawang magkapatid sa bahay na naipatayo ni Franco para sa kanilang dalawa. Bumawi ang binata sa lahat ng panahon na nawala sa kanila ni Audrey. Hindi man nila kasama ang kanilang mga magulang ay malugod ang magkapatid na haharapin ang bukas nang magkasama at kapit-kamay.

Advertisement