Napakawalang Respeto ng Dalagang Ito sa Ate Niya, Huli na nang Malaman Niyang Malaki ang Utang na Loob na Kailangan Niyang Tanawin Dito
Nasa 4th year college na si Nenita, bunso siya sa dalawang magkapatid. Ang ate niya ay isang mananahi, hindi raw kasi sila kayang pagsabaying pag-aralin ng kanilang nanay na isa ring mananahi, kaya nagbigay nalang ang ate niya. Gayunpaman, hindi niya ito kasundo. Palagi kasing pinapansin nito ang ginagawa niya tulad nalang pag ginagabi siya ng uwi at cellphone siya ng cellphone. “Feeling mo yata nanay kita!” sagot niya rito. “At bakit? Wala akong karapatan? Ate mo ako, ano pagkakain mo iiwan mo dyan, di mo man lang iligpit. Mapapasma ang kamay ng mama pag siya ang pinaghugas mo!” pagalit na sabi ng kanyang kapatid. “Alam mo ikaw ate, inggit ka lang sakin eh! Palibhasa kasi di ka nakapag-aral kaya ako ng ako ang nakikita mo. Inggit na inggit ka!” sigaw niya rito. Tila nabigla naman ang ate niya sa kanyang sinabi, naluluha ito at bakas sa mukha na di nito matanggap ang lumabas sa bibig niya. Hindi ito umimik at pumasok na lang sa kwarto. Padabog na lumabas naman ng bahay si Marlene. Mabilis lumipas ang mga buwan at hindi sila nagkibuang magkapatid,natiis niya ang kanyang ate. Sa araw ng graduation naghanda ng munting salu salo ang kanyang nanay, dahil sa wakas ay may anak na itong may titulo. Niyakap niya ang kanyang ina, habang ang ate niya naman ay abala sa pananahi ng basahan. “Nay, utang na loob ko sayo to. Salamat.” malambing na sabi niya rito. “Ano’ng sakin, wag ka sakin magpasalamat anak. Sa ate mo.” nagtataka naman na napatitig si Marlene sa kanyang ina. Ano ang sinasabi nito? “Siya ang nagpaaral sayo anak. Nagpa-part time ang ate mo para may pang tuition ka at pangbaon.” Napasulyap naman siya sa kanyang ate at doon niya lang napansin na lumuluha pala ito habang nagtatahi. Parang biniyak ang puso niya sa narinig. Dali dali siyang tumakbo palapit sa kapatid at niyakap ito ng mahigpit. Walang salitang tutumbas sa paghingi niya ng tawad at sa pasasalamat na nararamdaman niya ngayon. Hinimas naman nito ang ulo niya. Makalipas ang isang taon, masayabg nag-enroll sa kolehiyo ang ate ni Marlene. Sa panahong ito, oras na para bumawi siya. Siya naman ang magpapaaral sa nakatatandang kapatid. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.