Lumaki ang Ulo at Naging Mapagmataas ang Babaeng Ito nang Umasenso ang Negosyo, Kahiya-hiyang Pagbagsak ang Dinanas Niya Dahil sa Kagaspangan ng Ugali Niya
Maganda ang takbo ng negosyong grocery ni Melda, maganda kasi ang pwesto nito sa mismong kanto ng kanilang bayan. Lahat na ata ng kakailanganin ng mga tao sa pang araw-araw ay nandoon na, bukod kasi sa supplies ay mayroon rin siyang tindang ulam at meryenda naman sa hapon. Marami siyang trabahador. Konti lang ang tindahan sa lugar nila kaya patok na patok ang negosyo ni Melda. Sa kabila ng tagumpay ay masama naman ang ugali ng babae, minamaliit niya lahat ng kamag anak kahit pa ang mga ito ang nagbigay sa kanya noon ng puhunan sa kanyang negosyo. Kahit na makikipagkwentuhan ay umiiwas siya dahil feeling niya ay mangungutang lang sa kanya ang mga ito kaya lumalapit. “Te, andyan po sa labas ang Ate Tessie nyo, nagluto raw po ng nilagang saging.” sabi ng isa sa kanyang mga trabahador. “Hayaan mo sya, sabihin mo umalis ako.” sabi niya rito. “Paano po yung dala niya? Kukunin ko po ba?” sabi nito. “Ewan ko bahala ka nang dumiskarte basta bilisan mo na dyan at baka makahalata pa yon! may hihingin lang pabor yan kaya ganyan,” sabi niya rito. Di niya alam na naririnig pala siya ng kanyang Ate Tessie, sumama ang loob nito at kusa nang umalis bago pa mapagsabihan ng trabahador. Makalipas ang ilang buwan, tila naglalaro ang tadhana dahil maraming tindahan ang nagbukas. Dahil nga masama ang ugali ni Melda ay mas pinili ng mga customer na sa kalaban niya bumili. Unti-unting humina ang kanyang negosyo at di nagtagal ay nagsara ito. Dumating sa puntong kahit pang ulam ay wala siyang maibigay sa mga anak.Nagulat na lang siya nang madatnan isang araw ang kanyang Ate Tessie at Ate Myrna na pinapakain ang kanyang mga anak, kagagaling niya lang kasi sa kapitbahay, hinihintay niya ang bumbay dahil mangungutang sana siya. “A-ate?” gulat na sabi niya, alam naman kasi niyang nagtatampo ito sa kanya. “Kalimutan mo na yon, basta sana natuto ka na. Ang buhay parang gulong yan, umiikot. Hindi ka palaging nasa itaas. Ang nasa itaas, ibinababa. Ang nasa ibaba, itinataas.” sabi nito sa kanya. Hindi niya akalaing matatanggap pa rin siya ng mga ito sa kabila ng kagaspangan niya noon.Napayakap siya sa mga kapatid at paulit ulit na humingi ng tawad. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.