Inday TrendingInday Trending
Sino’ng Katabi Ko Kagabi?!

Sino’ng Katabi Ko Kagabi?!

Limang taon ng magkasintahan sina Aleli at Winston ngunit kahit kailan ay wala pang nangyayari sa kanila. Lumaki kasi sa konserbatibong pamilya si Aleli kaya ang gusto niya ay mananatili siyang birhen hangga’t hindi pa sila naikakasal. May plano na rin naman ang magkasintahan na lumagay sa tahimik, nag-iipon lang sila ng kaunti pang halaga para sa pinaka-kinasasabikan nilang araw.

Maganda si Aleli, may maputi at makinis na balat. May maganda at mahabang buhok at balingkinitang pangangatawan na nagustuhan naman ng nobyong si Winston noong nililigawan pa siya nito. Ilang beses na nakiusap ang lalaki sa nobya na kung maaari ay may mangyari na sa kanila, tutal ay ikakasal din naman sila kaya bakit pa nila patatagagalin.

“Sige na naman, mahal ko. Pagbigyan mo na ako. Pangako, hinding-hindi mo pagsisisihan. Paliligayahin kita at kung mabuntis man kita ay wala namang magiging problema dahil sa susunod na taon ay magpapakasal na naman tayo. Handa akong panagutan ka,” pakiusap ng nobyo.

“Pasensya ka na mahal ko pero pinalaki ako ng aking mga magulang na kailangan na sundin ang tama. Hindi tayo maaaring magniig hangga’t hindi pa tayo naikakasal. Gusto ko ay birhen pa rin ako sa oras na humarap ako sa altar,” sagot naman ni Aleli.

“Pero mahal nananabik na ako sa iyo. Gustung-gusto na kitang angkinin,” hirit pa ng lalaki.

“Kaunting tiis na lang at mangyayari rin ang nais mong mangyari sa atin,” pahabol pang sagot ni Aleli.

Dismayado man ay iginagalang pa rin ni Winston ang kagustuhan nito dahil mahal na mahal niya ang nobya, kaya kahit atat na atat na siya ay pinagbibigyan pa rin niya ito.

Isang araw ay niyaya silang dalawa ng pinsan ni Alelli na si Thalia na pumunta sa bahay nito para mag-inuman dahil kaarawan nito. Pinaunlakan naman ng magkasintahan ang paanyaya ng babae. Alas siyete ng gabi nang magsimula ang inuman. Walang ibang bisita na naroon kundi mga pinsan at kamag-anak lang ni Aleli. Sa kasiyahang iyon ay may nabuong plano ang lalaki sa kaniyang nobya. Naisip niya na lasingin ito para may mangyari na sa kanila nito. Sigurado na kapag nasa ilalim na ng espiritu ng alak ang nobya ay madali na niyang magagawa rito ang matagal na niyang gustong gawin.

“Bahala na, basta kailangan ay malasing ko ang mahal ko. Patawarin mo ako Aleli pero nananabik na kasi akong maangkin ka. Kapag may nangyari sa atin ay mas mapapadali na ang ating kasal at mas mapapadali na rin ang ating pagiging mag-asawa,” bulong ni Winston sa isip.

Kung tutuusin ay si Aleli ang may kagustuhan na mag-ipon pa sila ng isang taon bago sila ikasal pero kung siya ang tatanungin ay kahit kailan at anong oras ay handa na siyang pakasalan ang babae.

Ngunit ang balak niya ay mabobokya pa yata dahil hindi man lang nalasing si Aleli sa halip ay siya pa itong tinamaan. Kaya nang malasing ay nagyaya na si Winston na magpahinga. Napagkasunduan nila na sa bahay na ng pinsan ng nobya magpalipas ng magdamag dahil kung aalis sila ay wala na silang masasakyan pauwi dahil mag-a-ala-una na nang madaling araw.

“Pinsan, gamitin ninyo muna ang kwarto sa itaas. Wala namang gumagamit noon mula nang pumanaw si Tiyang,” sabi ni Thalia kay Aleli.

“Sige na mahal pumanhik ka na sa itaas at susunod na rin ako. Tutulungan ko lang itong pinsan ko sa paglilipit dito sa sala,” wika ni Aleli sa nobyo. “Oops teka, teka… tandaan mo, sa sofa ka matutulog ha? Ako ang matutulog sa kama. Baka mamaya makalimot ka at may gawin kang ‘di kanais-nais sa akin!” mariing paalala ng babae.

Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Winston. Hindi maaaring mapurnada ang plano niya, kailangan na matuloy iyon anuman ang mangyari. Ngunit pagpasok niya sa kwarto at pagkahiga sa malambot na kama na naroon ay tinamaan agad siya ng antok dahil sa kaniyang nainom. Maya-maya pa ay nagulat na lamang siya nang may biglang umibabaw sa kaniya. Nang imulat niya ang mga mata ay nagulat siya sa kaniyang nakita.

“A-Aleli?”

Kitang-kita niya na nakakubabaw sa kaniya ang nobya at wala itong saplot sa katawan.

“Wow ang kinis mo naman mahal ko at ang bango-bango mo. Bibigay ka rin naman pala, gusto mo pa akong patulugin sa sofa,” natatawa niyang sabi rito.

Ngunit walang kakibo-kibo si Aleli at sinimulan na siya nitong hubaran hangga’t pareho na silang walang saplot. Naisakatuparan ni Winston ang matagal na niyang balak kay Aleli, ang makuha ang pagkabirhen nito. Magdamag niyang pinaligaya ang nobya sa kama.

Kinaumagahan, paggising ni Winston ay wala na sa tabi niya si Aleli. Nagmamadali siyang bumaba at laking gulat niya nang makita ito na natutulog sa sofa sa sala.

“Aba e bakit bumangon pa ito sa kama? Pwede pa naman siya matulog doon na katabi ko?”

Agad niyang ginising ang nobya.

“Mahal, mahal gising na! Bakit diyan mo pa ipinagpatuloy ang pagtulog mo? Pasensya na kung sobra kitang napagod kagabi ha?” sabi niya rito.

“A-ano bang sinasabi mo?” nagtatakang tanong ni Aleli habang naghihikab.

“Ikaw naman, kunwari ka pa, e nasarapan ka naman kagabi sa ginawa natin. Kung gusto mo ulitin natin? Tara uli sa itaas. Nabitin nga ako e. Gusto ko pa ng round two!” nakangising sabi ni Winston.

“Ano na namang kademonyohan iyang nasa utak mo? Pwede ba tigil-tigilan mo ako. Sinadya ko talaga na dito sa sala matulog dahil alam ko ang nasa utak mo. Siguradong kukulitin mo lang ako na may mangyari sa atin!” inis na sagot ng nobya.

Sa puntong iyon ay nainis na rin si Winston at ikunuwento kay Aleli ang nangyari sa kanila.

“Kunwari ka pa na ayaw mong may mangyari sa atin, ikaw pa nga itong kumubabaw sa akin kaninang madaling araw at ikaw pa nga naghubad ng mga damit ko. Huwag mo sabihing nahihiya ka pa sa akin, nakita ko na naman ang lahat-lahat sa iyo pati na ang pinakatatago mong peklat sa dibdib,” bunyag ng lalaki.

Sa sinabing iyon ng nobyo ay napatayo sa kinahihigaan si Aleli.

“A-anong sinasabi mo? W-wala akong peklat sa dibdib. D-Diyos ko, hindi ako ang nakasama mo sa kwarto,” kinakabahang wika ni Aleli.

“T-teka, kung h-hindi ikaw ang nakasiping ko kagabi, sino iyon?”

Huminga muna nang malalim si Aleli bago nagsalita.

“Ang nakasiping mo sa kama ay walang iba kundi ang aking yumaong kakambal na si Alena. Inilihim ko sa iyo na mayroon akong kakambal. Pitong taon na siyang namayapa at marahil siya ang nakasama mo sa kwarto. Kung ako ay konserbatibo, kabaligtaran ko ang aking kakambal dahil siya ay mapusok pagdating sa mga lalaki at pakikipagrelasyon. Mapaglaro ang aking kapatid kahit noong siya ay nabubuhay pa. Isang araw ay nagulat na lamang kami nang magpatiwak*al si Alena.

Napag-alaman namin na mayroong kaisa-isang lalaki na sineryoso niya at minahal ng labis ngunit iniwan at sinaktan lamang siya nito kaya sa sobrang sama ng loob ay tinapos ng aking kakambal ang sariling buhay. Ang nakita mong peklat sa kaniyang dibdib ay ang marka ng tama ng baril na pinaputok niya sa kaniyang dibdib. Inilihim ko sa iyo dahil ayoko nang balikan pa ang masakit na alaaala na nangyari sa aking kapatid. Siguro ay galit siya sa akin dahil baka akala niya ay ikinahihiya ko siya at ang kaniyang pagkawala ngunit hindi iyon totoo.

Mahal na mahal ko si Alena, ayoko lang na maungkat pa at mapag-usapan ang kaniyang maagang paglisan dahil para sa akin ay wala iyong kasing sakit. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong tanggapin na wala na siya, na wala na ang aking pinakamamahal na kakambal,” hayag ni Aleli habang hindi na niya napigilan pa ang pagdaloy ng masaganang luha sa kaniyang mga mata.

Kahit nagimbal si Winston sa ibinunyag ng nobya ay niyakap pa rin niya ito at masuyong hinagkan.

“Hindi mo kasalanan ang nangyari kaya huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Alam kong alam niya na mahal na mahal mo siya. Naniniwala rin ako na mahal na mahal ka rin ng kapatid mo kaya tahan na mahal ko,” sabi ni Winston sa nobya.

Pagkaalis nila sa bahay ng pinsan ni Aleli ay agad silang pumunta sa malapit na simbahan at ipinagdasal ang katahimikan ng kaluluwa ng kakambal nito. Mula noon ay hindi na naulit pa ang kakatwang nangyari kay Winston. Kahit kailan ay hindi na muling nagpakita pa ang kaluluwa ni Alena.

Natuloy rin ang kasal ng dalawa na tahimik at maligaya na nagsama sa iisang bubong. Nabiyayaan din sila ng dalawang malulusog na anak.

Advertisement