Nagising ang Dalaga ng may Ngiti sa Labi Dahil sa Wakas ay Naibigay Niya na ang Sarili sa Nobyo; Gulat Siya nang Mapansing Ibang Lalaki Pala ang Nasa Tabi Niya

Nagising ang Dalaga ng may Ngiti sa Labi Dahil sa Wakas ay Naibigay Niya na ang Sarili sa Nobyo; Gulat Siya nang Mapansing Ibang Lalaki Pala ang Nasa Tabi Niya

KarmaLoveStories

Napahawak sa ulo niya habang nakapikit pa si Clarence dahil sa sobrang sakit na naramdaman. Kagigising niya lang at sinubukang alalahanin ang nangyari nang nakaraang gabi. Napangiti naman siya ng mahagip ng paningin ang lalaking mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi.

Kagabi ang unang beses na isinuko niya ang kaniyang sarili sa isang lalaki, sa kaniyang nobyong si Alex. Limang taon na silang magkarelasyon ng kasintahan, ngunit kagabi niya lamang naibigay ang kaniyang sarili sa kadahilanang hindi siya handa at dahil na rin sa pangako niya sa sarili na hindi siya makikipaglaro ng apoy hanggang hindi pa sila kasal ng lalaking pag-aalayan ng sarili.

Binali niya ang kaniyang pangako sa sarili. Madalas na silang mag-away ng kaniyang nobyo nitong mga nakaraang buwan at pakiramdam niya ay isang malaking rason na roon ay ang dahil nawawalan na siya ng panahon para sa kasintahan. Madalas kasi ay nauubos ang kaniyang oras sa trabaho at hindi niya na masyadong napaglalaanan ng kaniyang oras ang nobyo.

Halos hindi na sila magkita at nagkakausap na lamang sa pamamagitan ng text at tawag. Alam niyang pakiramdam ni Alex ay hindi siya mahalaga sa kaniya dahil mas inuuna niya ang kaniyang trabaho kaysa sa binata. Kahit ano naman ang sabihin niya sa lalaki ay hindi pa rin naman ito naniniwala sa kaniya. Mahal na mahal niya ang kaniyang nobyo at nararamdaman niya na ang panlalamig ni Alvin ng nakaraang dalawang buwan.

Alam niyang ano mang oras ay maari na siyang hiwalayan ng lalaki. Kaya kahit na medyo labag man sa kaniyang loob ay napagdesisyunan niya na lamang na ibigay ang matagal nang hinihingi ng kasintahan sa kaniya na hindi niya magawang ibigay dati, ang kaniyang sarili. Para na rin matahimik na  ito at makampante na siya lamang ang kaniyang iibigin habambuhay.

Ngunit parang biglang bumaliktad ang kaniyang mundo ng mapagtanto niya na hindi ang kaniyang nobyo ang lalaking nasa tabi niya! Bigla na lamang siyang napasigaw sa gulat. Napamulat naman ng kaniyang mga mata ang lalaking nasa tabi dahil sa lakas ng kaniyang sigaw.

“Si-sino ka?!” Gulat na gulat na tanong ni Clarence sa estrangherong walang saplot na nasa kaniyang tabi.

Napabalikwas din si Alvin ng mapagtantong hindi ang nobyang si Anna ang nasa kaniyang tabi.

“Sino ka rin?! Anong ginagawa mo rito sa kwarto namin?! Nasaan si Anna?!” Gulat at nalilito ding tanong ni Alvin kay Clarence.

“A-ano?” Naguguluhang tanong ni Clarence sa binata.

“Bakit narito ka sa kwarto namin?! Sino ka ba miss ha?!” Naguguluhang tanong din ni Alvin sa dalaga.

“Wait, anong room number ka ba? Room 119 ‘to ‘di ba?” Sagot ni Clarence sa lalaki.

“Ano? Room 116 ito!”

Agad naman silang tumayo habang nakabalot ang mga katawan sa puting kumot at tiningnan ang room number. 116. Teka, sigurado siyang room 119 ito kagabi bago siya pumasok eh. Hinawakan niya ang number 6 at inayos ang numero. Room 119 nga! Nagkatinginan na lamang silang dalawa at napahilamos ang kamay sa kanilang mga mukha.

Napag-usapan nilang dalawa na walang makakaalam ng namagitan sa kanila. Lalo na at pareho naman silang walang kasalanan sa nangyari. Pareho silang may tama ng alak sa katawan at inakalang sarili nilang mga kasintahan ang nakalaro ng apoy.

Hindi naman pala kasi sumipot ang nobya ni Alvin dahil naipit ito sa trabaho, samantalang hindi naman mahanap ni Clarence kung nasaan ang nobyo niya. Hindi rin kasi ito bumalik sa kwarto nila kung saan nangyari ang pagkakamaling nagawa nila ni Alvin.

“Pasensiya na talaga ha? Mabuti na lamang at madali kang kausap, hindi na lalaki ang gulong ‘to. Sakit talaga sa ulo ito kung sakali. Siguradong hihiwalayan ako ng girlfriend ko,” saad ni Alvin kay Clarence.

“Naku, okay lang iyon. Wala namang may kasalanan eh. Secret na lang natin ‘yun,” malugod na tugon ni Clarence sa binata.

Napatigil naman sa paglalakad ang dalaga ng makita ang nobyo na may kasamang babaeng parang koala kung makayakap sa nobyo niya. Naglalandian pa ang mga ito habang naglalakad. Yung tipong halatang may nangyari sa dalawa ng nakaraang gabi.

Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan at naiiyak na sa sobrang sakit na nararamdaman. Nagulat din naman ang nobyo niya nang makita siyang nakatayo sa harapan nila ng babaeng haliparot.

“Clarence…” tawag sa pangalan niya ng lalaki.

“Ah siya ba yung babaeng ginagamit mo nalang para bigyan ka ng pera para sa allowance mo? Yung mukhang trabaho at walang oras sa’yo? Sabi mo sa’kin kagabi hihiwalayan mo na siya sa oras na magkita kayo ‘di ba? Bilis na hiwalayan mo na babe,” maarte at malanding sabi ng babae.

Ano mang oras ay papatak na ang mga luha ni Clarence dahil sa sitwasyon. Nasasaktan siya pero mas nangingibabaw ang hiya dahil sa parang sinampal siya ng dalawang nasa harap niya kung gaano siya nagpakatanga sa nobyo. Magsasalita na sana ang nobyo ng bigla na lamang siyang akbayan ni Alvin at hinalikan.

“I had fun last night. Sana naman this time, i-consider mo na ako. Mukhang walang kwenta naman pala ‘yang boyfriend mo,” malambing na saad ni Alvin. Naguluhan man sa ginawa ng binata ay nagpaakay na lamang siya kay Alvin para makaalis sa lugar na iyon.

Gwapo si Alvin. Sobrang gwapo at halatang mayaman. Kaya naman literal na napanganga ang dalawa nang bigla na lamang pumasok sa eksena ang binata.

“Kunwari ka pang ayaw mong gawin iyon hanggang hindi kasal, ‘yon pala gusto mo lang ng gwapo at mayamang lalaking gagalaw sa’yo! Malandi kang babae, Clarence!” pang-aakusa pa kay Clarence ng nobyo niya. Magsasalita na sana siya para ipagtanggol ang sarili niya subalit pinigilan siya ni Alvin.

“Marangal na babae si Clarence. Hindi kagaya mo. Huwag mo siyang akusahan sa mga gawaing ikaw naman talaga ang gumagawa. Mabuti na nga lang at nangyari ito, at least ngayon makikita ka na niya kung ano ka talaga, isang basura,” pagkatapos sabihin iyon ay iniwan na nila ang dalawang haliparot na nakatulala lang sa sinabi ni Alvin.

“Maraming salamat ha?” pasasalamat ni Clarence sa binata.

“Alvin,” inilahad ng binata ang kaniyang kamay bilang pagpapakilala sa sarili.

“Clarence,” pagpapakilala rin ni Clarence sa kaniyang sarili sabay abot sa kamay ng lalaki.

Pagkatapos ng araw na iyon ay ilang beses pang pinagtagpo ang kanilang mga landas. Naghiwalay rin si Alvin at ang kaniyang nobyang si Anna dahil mas pinili ng babae ang pangarap niya kaysa kay Alvin. Labis na nasaktan si Alvin, at sa mga panahong bigo siya ay nasa tabi niya naman si Clarence.

Mas nagkalapit pa silang dalawa hanggang sa tuluyan nang nahulog ang damdamin sa isa’t isa. Para bang itinadhana talaga silang dalawa. Lahat ng kulang sa kanilang mga naunang relasyon ay parang pinunan ng bawat isa. Sinigurado naman ni Clarence at Alvin na hindi na nila gagawin ang mga pagkakamaling nagawa nang nakaraang relasyon nila. Ano man ang mangyari ay sinisigurado nilang may sapat silang oras para sa isa’t isa.

Tumagal ng tatlong taon ang kanilang relasyon bago nila naisipang magpakasal at bumuo ng isang masayang pamilya. Nagkaroon sila ng tatlong anak at namuhay ng tahimik at masaya.

Minsan sa buhay natin ay may mga nakikilala tayong tao sa mga ‘di inaasahang sitwasyon at hindi natin aakalain na ang mga taong ‘yon pala ang siyang nakatadhana sa atin, at hindi ang taong kay tagal nating hinawakan at ipinaglaban. Dahil minsan, sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, nabubulag tayo at hindi natin makita na hindi na naman pala talaga tayo mahal ng taong ‘yon. Mas mahal na lang natin ang mga alaala kasama ang taong iyon at hindi na ang taong iyon mismo. Kaya maniwala lamang at huwag mawalan ng pag-asa, pasasaan pa at pagtatagpuin din kayo ng taong nakalaan talaga para sa’yo. Nawa’y ‘pag nahanap mo siya, huwag mo nang pakawalan pa.

More Stories