Tila Naka-Jackpot sa Lotto ang Matandang Biyuda Nang Maka-Date ang Isang Guwapong Lalaki na Halos Kasing-Edad Lamang ng Bunsong Anak; Bakit Kaya Nadismaya Siya?
Pakiramdam ni Betty, 52, dalawang dekada nang balo, nanalo siya sa lotto.
Para siyang naka-jackpot!
Bakit hindi? Guwapo, matangkad, matipuno ang pangangatawan, at mukhang malinis sa katawan ang ka-date niya ngayon. Si Andres. Nakilala niya sa isang dating app.
May tattoo raw ito sa kaliwang braso, pero ayos lang! Malinis pa ring tingnan.
Masarap. Yummy!
Napigilan ni Betty na mapahagikhik na para bang kinikiliti ang kaniyang petchay. Hindi niya namalayan na kanina pa pala naglalakbay ang kaniyang mga mata sa detalye ng katawan at mukha ng kaharap na lalaki.
Kaya lang, mukha silang mag-ina. Halatang-halata sa hitsura ni Andres na nasa pagitan ito ng 20 hanggang 24. Kasing-edad ng kaniyang bunsong anak.
Wala namang pakialam si Betty kung pakiramdam niya ay palihim silang tinitingnan at hinuhusgahan ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
“Inggit lang kayo! Maihi kayo sa inggit!”
“Ha? Naiihi ka?”
“Ha?”
Ngumiti si Andres. Lumitaw ang mapuputi nitong ngipin. Mas lalo itong naging guwapo.
Parang gusto niyang sabihin dito na ‘Come on, Andres (Undr*ss) me now please! Andres me now!!!’
“Sabi mo kasi naiihi ka?” paglilinaw ni Andres.
“Ay oo, basa na nga ako eh…”
“Ha?” nanlaki ang mga mata ni Andres.
“Punta muna ako sa CR,” pagpapaalam na lamang ni Betty.
Tumango-tango naman si Andres at nagmamadali nang tumayo si Beety upang magtungo sa palikuran.
Ihing-ihi na siya. Sa kilig!
Simula nang sumakabilang-buhay ang kaniyang mister na si Adolfo at nagkaroon na ng sari-sariling pamilya ang mga anak nila, na karamihan ay nasa ibang bansa, labis-labis ang kalungkutang namamayani sa buhay ni Betty.
Kaya sa palagay niya, panahon na upang humanap naman siya ng makakatuwang sa buhay. Ayaw naman niyang makipisan sa kahit na sino sa mga anak niya. Gusto niya ay malaya pa rin siyang nagagawa ang mga bagay na gusto niya, at hindi niya kailangang makisama sa mga manugang niya o kung sino pa man ang dapat pakisamahan.
Kaya naman, sinubukan ni Betty ang paggamit ng mga dating app, sa turo na rin ng kaniyang mga amiga. Sa dami ng kaniyang mga naka-match, si Andres lamang talaga ang nagtagal sa kaniya, kahit na inamin na niya rito na matanda na siya.
Wala siyang pakialam sa edad. Kung anuman ang estado sa buhay. Ang mahalaga, pasado sa kaniya ang hitsura. Mamahalin siya. Higit sa lahat…
Kailangang malaki!
Matagal na siyang tuyot!
Uhaw na ang tigang na lupa!
Kaya mahal na mahal niya si Adolfo ay dahil napapaligaya siya nito sa kama.
Sa palagay ni Betty ay ‘daks’ naman itong si Andres. Lalo na’t ang sarap-sarap nitong tingnan at ang bango-bango pa!
Sana.
Matapos ang kanilang kainan, ibang ‘kainan’ naman ang naganap.
Sa isang motel sila dumiretso. Saka na niya dadalhin sa kaniyang bahay si Andres, kapag pasado na sa kaniya.
Nagpagulong-gulong sila sa kama. Halikan, kapaan… pawis na pawis ang kanilang mga hubad na katawan.
Maya-maya, umarangkada na si Andres. Pinasok na ang tuyot na kuweba ni Betty.
Ngunit habang bumab*yo si Betty ay nawala na siya sa konsentrasyon.
Bagsak!
Nakarating sa rurok si Andres.
“Grabe ka, babe, I love you… despite your age, ang sabaw mo pa rin…” bulong nito sa kaniya. “Nag-enjoy ka ba?”
“O-Oo, nag-enjoy ako… I love you agad?”
“Oo naman! Ayaw mo ba? Alam mo ba, unang kita ko pa lang sa ‘yo, alam ko na ikaw ang babaeng para sa akin. Wala akong pakialam sa edad mo. Wala akong pakialam kahit mukha tayong mag-nanay o magtita sa paningin ng iba. Ang mahalaga, mahal kita. Mahal mo ba ako?” tanong sa kaniya ni Andres.
“Ikaw talaga, ang bilis-bilis mo naman! Kakakita lang natin eh…”
“Pitong buwan na tayong magka-chat, ‘di ba? Iba na ang panahon ngayon. Ganoon na ang uso.”
Hanggang sa makatulog na sa pagod si Andres habang nakayapos kay Betty.
Naglalakbay naman ang diwa ni Betty. Ang totoo niyan, gustong-gusto na niya si Andres at sa ilang buwan na niyang pakikipag-chat dito ay alam niyang matino naman itong lalaki. May sariling negosyo kaya hindi siya nito peperahan. Wala ring sabit. Talaga lang daw na ‘into older women’ ito.
Kaya lang, ‘juts’ nga kasi!”
Mahalaga para sa kaniya na malaki ‘yon, bakit ba?
Pero gustong-gusto niya si Andres. Palagay niya ay magiging maligaya siya kapag kapiling niya ito.
Yung pakiramdam na kaya siyang protektahan?
Yung kaya siyang ipagtanggol sa masasamang-loob?
Isang desisyon ang nabuo ni Betty. Bibigyan niya ng pagkakataon si Andres. Maaaring ‘jutay’ ang kuwan nito ngunit bawing-bawi naman sa ibang bagay.
Kaya nang magsama na sila sa ilalim ng iisang bubong, napagtanto ni Betty na tama ang desisyon niya. Maalaga, maasikaso, at responsable si Andres. Tanggap din ito ng kaniyang mga anak.
Aanhin niya ang ‘daks’ kung masama naman ang ugali?
Doon na siya sa ‘juts’ na may ‘daks’ na puso.
Makalipas ang isa’t kalahating taon, ikinasal sa simbahan sina Andres at Betty at masayang nagsama bilang mag-asawa.