Inday TrendingInday Trending
Hindi Maisip ng Dalaga Kung Sino Kaya ang Iba ng Kaniyang Nobyo; Gulat na Gulat Siya nang Malaman Kung Sino Ito

Hindi Maisip ng Dalaga Kung Sino Kaya ang Iba ng Kaniyang Nobyo; Gulat na Gulat Siya nang Malaman Kung Sino Ito

“Alam mo, bes, parang may kakaiba akong nararamdaman kay Jonathan,” malungkot na sabi ni Ara sa best friend niyang si Chloe.

“B-bakit naman, bes? Ano ba iyon?” tugon naman ng matalik na kaibigan.

“Parang may kakaiba na kasi sa kaniya. Para bang may iba siyang babae.”

“Nako, sino naman? Baka nag-iisip ka lang masyado. Kilala ko si Jonathan. Hindi ka niya kayang lokohin,” kalmadong sabi ni Chloe.

“Siguro nga tama ka. Baka masyado lang akong nag-iisip ng mali…”

Limang taon nang magkasintahan sina Jonathan at Ara. Naging maayos naman ang relasyon nila. Bukod sa kaunting problema na agad namang nasosolusyonan, matatag naman ang naging relasyon nila.

Ang hindi lang maintindihan ni Ara, bakit biglang nanamlay ang pakikitungo ng lalaki sa kaniya? Bakit parang tuluyan na itong nanlalamig?

“Ara, baka busy lang talaga si Jonathan. Malay mo nagpa-plano ng kasal niyo ‘di ba? Kung mag-iisip ka ng sobra, magiging unhealthy na iyon para sa inyo,” payo ni Chloe sa matalik na kaibigan.

“E kasi parang hindi naman ganun dati ang boyfriend ko. ‘Di na siya sweet sa akin. Hindi na nga rin kami nagme-make love. Kaya parang may mali.”

“Stop overthinking! Basta kung may iba man si Jonathan, sasamahan kitang kalbuhin yung babae, okay? Kaya ‘wag ka nang magdrama riyan!” biro pa ni Chloe.

Hapon noon nang makatanggap ng tawag si Ara mula sa nobyo:

“Mahal, cancel muna natin ang date natin tonight. Sorry ha? May rush na meeting lang kami ng mga boss ko. Urgent talaga kasi may problema yung project na isa namin,” saad ng lalaki.

Malawak naman ang pang-unawa ni Ara kaya hinayaan na lamang niya. Baka kailangan talaga at para sa trabaho naman kaya hinayaan na lang niya.

“S-sige, mahal. Walang problema. Sweldo day ngayon kaya traffic din naman for sure. I’ll visit you na lang sa apartment sa isang araw. Uuwi muna ako kila mama, kasi nung nakaraan pa ako pinapauwi e,” tugon ni Ara.

Matindi ang traffic at halos walang galawan ang sasakyan. Nakita ni Ara ang paboritong kainan ng kasintahan. Pumara siya at bumaba. Dadalhan na lang muna niya ng pagkain ang nobyo.

“Traffic pa naman, mag-iiwan na lang muna ako ng pagkain sa apartment. For sure gutom yun,” pagkumbinsi ni Ara sa sarili.

Halos labing limang minuto na lang naman ang layo ng apartment ni Jonathan mula doon kaya naglakad na lamang si Ara papunta doon.

Nakaramdam ng kaunting kaba si Ara habang hinahanap ang spare key sa kaniyang bag. Pero may kung anong nagtutulak sa kaniya na tumuloy.

Huminga ng malalim si Ara at saka binuksan. Nakarasado lahat ng ilaw maliban na lamang sa kwarto nila ni Jonathan. Imposibleng maiwan iyon na bukas dahil siya yung huling umalis noong umaga.

“Hindi kaya may nakapasok na magnanakaw?” napalunok si Ara at tahimik na kumuha ng tubo ng panghataw sa ilalim ng lababo.

Binuksan niya ang pintuan ng kwarto at saka akmang hahatawin na sana kung sinoman na masamang tao ang nasa loob.

Tumambad sa harapan niya ang hubad na katawan ng nobyo at ng kaniyang best friend na si Chloe.

“A-ano ‘to?” tanong ni Ara.

Parang bang tumigil ang mundo at ayaw maproseso sa utak niya ang nangyayari. Ang best friend niya at ang boyfriend niya, may ginagawang milagro…

“Mahal…” tumayo ang lalaki at nilapitan siya.

Hindi naman malaman ang gagawin ni Chloe na tila ba hiyang-hiya.

“Mga baboy kayo! Paano niyo nagawa sa akin ‘to ha? May pa-meeting-meeting ka pa, ibang emergency naman pala ang pupuntahan mo!” sigaw ni Ara sabay palo ng tubo sa katawan ng lalaki.

“Stop it, Ara!” pagpigil naman ni Chloe.

“Isa ka pa! May nalalaman ka pang kakalbuhin natin yung kabit ni Jonathan, ikaw naman pala ‘yung babae niya?! Ahas ka!” isang malakas na hataw sa ulo ang ibinigay ni Ara sa ahas na kaibigan, dahilan parang makatulog ito.

“Mahal, wait…” sinubukang pigilan ni Jonathan ang kasintahan ngunit mag-asawang sampal ang ibinigay nito sa kaniya.

“Tapos na tayo! Tapos na tapos na tayo!” sigaw ni Ara.

“Siya ang may kasalanan! Siya yung nang-akit! Lalaki lang ako. Natukso lang…”

“Bakit ka nagpa-akit? Pareho ninyong ginusto! Mga baboy kayo!”

Huminga ng malalim si Ara. Hindi siya nagpakita ng kahinaan at hindi umiyak kahit na parang sasabog na ang kaniyang dibdib.

Tulalang naglakad si Ara. Nag book na lang siya ng sasakyan pauwi. Hindi niya alam kung paano, pero bumalik siya sa wisyo nang makitang nasa tapat na siya ng bahay.

“S-salamat, kuya..” inabot ni Ara ang bayad ngunit tinanggihan ito ng lalaki.

Naligo si Ara at saka nagpahinga. Narinig niyang may kumakatok sa pintuan nila. Akala niya’y si Jonathan ito at pumunta para suyuin siya.

“Ano bang kailangan mo?! Hindi ba sabi ko tapos na ta—” natigilan ang dalaga nang ibang mukha ang nakita.

“Sorry, miss. Naiwanan mo kasi yung wallet mo sa sasakyan ko. Ibinalik ko lang,”nakangiting sabi ng gwapong lalaki.

“S-sorry… pero bakit parang hindi ikaw yung picture ng driver sa app na ni-book ko?” naguguluhang tanong ng dalaga. Tiningnan niya ang cellphone ang nakitang napakaraming message ng driver at nagtatanong kung nasaan siya.

“Ah, hindi kasi ako yung na-book mo,” natatawang sabi ng binata. “Ang lalim masyado ng iniisip mo kanina kaya hindi mo ata namalayan na iba yung sinakyan mo. Nag-alala ako na baka kung mapaano ka kapag sa iba ka napasakay, kaya tinanong kita kung saan ang bahay mo, tinuro mo naman sa akin,” paliwanag ng binata.

“S-sorry…” hiyang-hiya ang dalaga. Wala siyang maalala sa mga nangyari habang pauwi pauwi, pero labis ang hiyang nadarama niya.

“I am Jake pala, by the way. I hope you’re okay. Good night,” pagpapakilala ng lalaki.

“Ara,” nilahad ng babae ang kamay at ngumiti. “Thank you ulit ha? Nakakahiya, pero sobrang thank you!”

Ikinagulat ni Ara na halos araw-araw dumadalaw ang gwapong binata. Ang rason nito, ‘para makasigurong ayos lamang ang dalaga.’

Nagsimulang lumabas-labas si Ara at Jake. Hanggang sa nanligaw na nga ang binata. Pero ayaw naman niyang madaliin ang dalaga kaya’t binigyan niya ito ng oras na maghilom ng tuluyan.

Makalipas ang isang taon na panliligaw, ibinigay ni Ara ang matamis niyang oo.

Napakabuting tao ni Jake. Tuwing Linggo ay sa simbahan sila nagkikita ni Ara. Kristiyano kasi ang lalaki kaya ganoon kalaki ang respeto niya sa babae.

“Ara, simula noong unang araw kitang nakilala, alam ko sa sarili ko na ikaw yung taong hiniling ko sa Diyos. Ngayon, gusto ko sanang hingiin ang kamay mo para maging asawa ko.

Pangakong hindi ka na masasaktan.. aalagaaan kita at gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Will you marry me?” pahayag ng binata.

“Yes… I will marry you?” tumatango-tangong sagot ng dalaga.

Mas naintindihan ni Ara kung bakit kailangan niyang masaktan ng sobra noon, darating kasi pala ang lalaking magpaparamdam sa kaniya ng seguridad at totoong pagmamahal. Dumating na ang lalaking inilaan ng Maykapal para sa kaniya.

Ipinaramdam ni Jake sa kaniya ang mga bagay na hindi naiparamdam ni Jonathan noon. Naging tapat si Jake, mapagmahal, marespeto at ipinakitang si Ara lamang ang nag-iisang babae sa buhay niya. Ang maganda pa rito, ang Diyos ang naging sentro ng kanilang relasyon kaya naman mas tumibay pa ang pundasyon nito.

Advertisement