Inday TrendingInday Trending
Binigyan ng Trabaho ng Mayamang Dalaga ang Binatang Tumulong sa Kaniya; ‘Di Nito Naiwasang Umibig sa Kaniya

Binigyan ng Trabaho ng Mayamang Dalaga ang Binatang Tumulong sa Kaniya; ‘Di Nito Naiwasang Umibig sa Kaniya

Nagkatagpo sina Gabriel at Sophia sa isang ‘di sinasadyang pangyayari.

“Eeee! snatcher! Tulungan niyo ako!” sigaw ng dalaga matapos hablutin ng lalaking mandurukot ang bag niya.

Nakita iyon ng binata, at niya maunawaan kung bakit siya nagpakabayani. Sinugod niya ang snatcher at nagpakalawala siya ng isang malakas na suntok sa mukha nito.

“Um!”

“Agh!”

Humandusay sa lupa ang lalaki, pinilit nitong makatakas pero may dumating na mga pulis at dinampot ito. Matapos na magapi ang kawatan ay magalang niyang ibinalik ang bag kay Sophia.

“Naku, s-salamat, mister! Siya nga pala, ako si Sophia,” wika ng dalaga.

“Gabriel naman ang pangalan ko. Ikinagagalak kitang makilala. Mabuti na lang at napadaan ako kundi ay tuluyang nakuha nung mandurukot ang bag mo,” sagot ng binata.

“Oo nga, eh. ‘Di ko naman alam na marami palang snatcher dito,” sabi ni Sophia.

‘Di inasahan ng dalawa na ang tagpong iyon ay magiging simula ng mabuti nilang pagkakaibigan. Si Gabriel ay dating empleyado sa isang pabrika ngunit nagkatanggalan doon kaya isa siya sa mga nawalan ng trabaho. Mabuti na lang at wala pa siyang sariling pamilya kundi ay wala siyang maipapakain sa asawa’t anak niya.

Si Sophia naman ay isang negosyante, nagmamay-ari siya ng kumpanya na kilala sa paggawa ng alak. Kahit nakakaangat sa buhay ay simpleng tao lang ang dalaga. Mas gusto niyang sumakay sa pampublikong sasakyan o ‘di kaya ay maglakad sa mga pupuntahan niya kaysa gamitin ang kaniyang kotse. Mabait din siya sa mga empleyado niya kaya sinusuklian siya ng mga ito ng kasipagan at katapatan sa trabaho.

“Naghahanap ka kamo ng trabaho, Gabriel?” tanong ni Sophia.

“Oo, eh. Matutulungan mo ba ako?” tanong ng binata.

Hindi mawari ng dalaga pero sa sinabing iyon ni Gabriel ay biglang nagningning ang mga mata niya.

“Tamang-tama, Gabriel…nangangailangan ng drayber ang daddy ko,” sabi niya.

“Totoo ba? Naku, maraming salamat. Marunong akong magmaneho at nangangako akong sisipagan ko sa trabaho,” tuwang-tuwang sabi ng kausap.

Tulad ni Sophia, pareho ring mababait ang mga magulang nito.

“Dahil ang anak ko ang nagrekomenda sa iyo, tanggap ka na. Maaari ka nang magsimula bukas, Gabriel,” wika ng matandang lalaki.

“Siya ba ‘yung sabi mo sa amin na tumulong sa iyo, hija? Maraming salamat ha, hijo?” nakangiti namang sabi ng may edad na babae.

“Walang anuman po. Kahit naman po sino ay gagawin ang ginawa ko, sir, ma’am. Salamat po ulit sa pagtitiwala,” magalang na sagot ni Gabriel.

“Mabait po iyang si Gabriel, papa,mama at natitiyak kong mapagkakatiwalaan din,” sabad naman ni Sophia.

Sa pagtatrabaho ng binata bilang drayber ng pamilya ay mas lalo siyang napalapit sa dalaga. Mas nakilala niya pa ito nang husto. Napatunayan niyang mana nga ito sa mga magulang na hindi matapobre at mabubuting tao.

“Mamaya mo na iyan linisan, Gabriel. Kumain ka muna ng almusal sa loob. Saluhan mo na kami nina papa,” wika nito.

“Sige, Sophia, tapusin ko lang itong ginagawa ko at susunod na ako,” tugon ng binata.

At sa pakikipagpalit niyang iyon kay Sophia ay may unti-unting nabubuhay na damdamin sa dibdib ni Gabriel.

“Bukod sa napakaganda, napakabait pa ni Sophia. Kahanga-hanga siya. Siya na ang pinakakakaiba sa lahat ng babaeng nakilala ko,” bulong niya sa sarili.

Hanggang sa dumating ang araw na hindi na niya maiwasang mahalin ang dalaga.

“Ano ba ito? Kahit saan ako luminga ay mukha niya ang nakikita ko. Hindi rin siya maalis sa isipan ko,” sambit pa niya sa isip.

Habang tumatagal, mas lalong lumalalim ang paghanga at damdamin niya sa anak ng kaniyang mga amo.

Isang araw, nakita niya ito na papunta sa swimming pool at nakasuot ng panligo. Kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan nito. Hanep! Ang seksi talaga ng mahal niya! Pwedeng maging model ng alak. Mas lalo tuloy siyang naiinlab rito, pero…

“M-mali ito! Hindi dapat! Hindi nababagay ang isang tulad ko kay Sophia. Langit siya, lupa ako,” malungkot na sabi niya sa sarili.

Oo nga naman, mayaman si Sophia, tagapagmana ng kaniyang pamilya. may sinasabi sa lipunan, mataas ang estado sa buhay kumpara sa kaniya na nagmula lang sa hirap at isa lamang drayber. Ano ang ipagmamalaki niya? Ano ang maibibigay niya rito bukod sa kaniyang pag-ibig? Kahit saan niya tingnan ay ‘talo’ siya.

“Hindi maaari itong nararamdaman ko. Malayung-malayo ang agwat namin sa isa’t isa ni Sophia. Hindi ako ang lalaking nararapat sa kaniya. Ang bagay sa kaniya ay ang lalaking gaya niya na mayaman at maibibigay ang lahat ng naisin niya. ‘Yung lalaking kaya niyang maipagmalaki sa buong mundo at hindi ako iyon. Ngayon pa lang ay kailangan ko nang putulin ang anumang nararamdman ko,” wika ni Gabriel sa sarili.

Dahil doon ay isang pasiya ang nabuo niya…

Naabutan siya ni Sophia na palabas ng bahay, dala-dala ang maleta niya at iba pa niyang mga gamit.

“T-teka, saan ka pupunta, Gabriel? A-aalis ka?” gulat nitong tanong.

“Uuwi na lang ako sa probinsya namin, Sophia,” tugon niya.

Biglang nangilid ang luha ng dalaga nang muling magsalita…

“B-bakit, Gabriel…mayroon ka bang hindi naiibigan dito? May nagawa ba kaming hindi maganda?” tanong ni Sophia.

Sinagot naman siya ng buong katapatan ni Gabriel.

“W-wala akong hindi naibigan dito, Sophia. Ang totoo’y mayroon akong iniibig,” sagot ng binata.

At ipinagtapat na nito ang tunay na nararamdaman…

“Mahal kita, Sophia ngunit…duwag akong sabihin sa iyo dahil ayokong pagtawanan mo ako,” bunyag ni Gabriel.

Pagkatapos niyang sabihin iyon sa harap ng dalaga ay nilisan na niya ang pook na naging saksi sa kaniyang kasawian. Hindi na niya pinakinggan ang sagot nito sa kaniya.

“Ngayon, magtawa ka man sa akin, Sophia, ay hindi ko na maririnig. Dahil eto ako ngayon at magpapakalayu-layo na sa iyo,” bulong niya sa sarili habang nakasakay na sa bus papunta sa kaniyang probinsya.

Nasa gayon siyang pag-iisip nang may biglang tumabi sa upuan niya.

“Maaari bang…tumabi sa iyo, Gabriel?”

Napalingon ang binata sa pamilyar na boses.

“Huh?”

Ganoon na lamang ang katuwaan niya, ‘pagkat…

“S-Sophia?”

Ang hindi niya alam ay sinundan siya ng dalaga sa istasyon ng bus. Hindi hahayaan ni Sophia na makaalis siya.

“Ako nga, Gabriel. Narito ako upang marinig mo ang sagot ko sa ipinagtapat mo sa akin,” sabi ng dalaga na hinawakan ang pisngi niya.

Hindi siya nakakibo. Nakaramdam siya ng kilig sa ginawang iyon ni Sophia.

“Ang daya daya mo! Hindi mo na hinintay na sabihin kong…mahal din kita! Oo, Gabriel, noong una palang tayong magkita ay tumibok na rin ang puso ko para sa iyo. Wala akong pakialam kung magkaiba man ang estado natin sa buhay, ang mahalaga ay nagmamahal tayo. Huwag kang mag-alala, natitiyak kong suportado rin tayo ng aking mga magulang,” hayag ni Sophia.

“A-ang akala ko kasi’y…oh, Sophia…mahal ko!” masayang-masayang sabi ni Gabriel sabay yakap nang mahigpit sa dalaga.

Ang kinatatakutan niyang marinig sa babaeng pinakamamahal niya ay kaligayahan pala ang dulot sa kaniya.

Hindi tumutol ang mga magulang ni Sophia sa pagmamahalan nila. Mas nagtiyaga pa si Gabriel para may maipagmalaki pa, kaya nag-apply siya ng ibang trabaho at natanggap naman siya bilang staff sa isang kilalang kumpanya. Dahil nakapag-aral naman siya at masipag ay madali siyang na-promote bilang manager. ‘Di nagtagal ay ikinasal sila at pinagkalooban ng kambal na anak.

Advertisement