Inday TrendingInday Trending
Prospek na Ligawan ng Lalaki ang Magandang Intern sa Opisina; Hindi na Pala Malaya ang Puso ng Dalaga

Prospek na Ligawan ng Lalaki ang Magandang Intern sa Opisina; Hindi na Pala Malaya ang Puso ng Dalaga

Mag-ama sina Renato at Rick. Bata pa lamang ang binata ay pumanaw na ang kaniyang ina dahil sa kumplikasyon sa baga. Dalawa na lang sila ng kaniyang ama na magkasama sa buhay. Nagtatrabaho si Renato bilang manager sa isang kilalang kumpanya samantalang ang anak na si Rick ay kasalukuyangnag-aaral sa pribadong unibersidad at kumukuha ng kursong Business Administration.

Isang gabi, dumating sa bahay nila ang ama, may kasama itong babae.

“Good evening, son! Wow! Tipong tutok na tutok ka sa pag-aaral, ha?” bungad nito.

“May exam kasi kami bukas, papa,” sagot niya.

Pinansin siya ng babaeng kasama ng papa niya.

“Hmmm…siya ba ang anak mo, Renato? Ang guwapo!” nakangiting sabi nito.

Natawa naman ang lalaki.

“Natural! Wala sa lahi namin ang pangit!”

Maya maya ay lumapit sa kanila ang matanda nilang kasambahay.

“Magandang gabi, Sir Renato! Kumain na muna kayo, ipinaghanda ko kayo ng mainit na sabaw,” anito.

“Huwag na, manang. Ang babaeng ito ang kakainin ko sa gabing ito,” pabirong sabi ng lalaki.

Lihim naman natawa si Rick sa sinabi ng kaniyang ama.

“Halika na, honey!” yaya ni Renato sa kasama sa kwarto niya. Ni hindi man lang niya ito ipinakilala sa anak.

“Let’s go, darling!” kinikilig naman sabi ng babae.

Dahil biyudo na ang ama ay libangan na nito ang magdala ng iba’t ibang babae sa kanilang bahay. Tinatanggap naman iyon nang maluwag ni Rick. Sa isip niya ay kailangan din namang lumigaya ng papa niya.

Pero may mga pagkakataon na ang hirap ng ganoong pagkakataon dahil minsan ay tila hindi mapakali ang binata kapag nagdadala ito ng maganda at seksing babae. Nasisira ang mood niya.

“Hmp! Hindi ko tuloy maintindihan itong niri-rebyu ko,” sambit niya sa isip.

Naririnig niya kasi ang halinghing ng babae at ungol ng papa niya kapag nasa kwarto na ang mga ito at nagpapakasaya na.

“Ayyy! Nakikiliti ako riyan, Renato,” malanding sabi ng babae.

“Hmmm…ang bango-bango mo,” wika naman ng papa niya.

Sumasakit tuloy ang ulo ni Rick. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya nararamdaman ang ganoon.

“Tapos ka ngayon, Rick! Lalagnatin ka na naman…tuhod mo’y mangangatog na naman. Ano bang buhay ito?” bulong pa niya sa sarii.

Umaalon ang kaba at pananabik sa dibdib ni Rick sa mga oras na iyon. Tila ba isang kr*men ang gagawin niya…na ginawa na niya sa maraming pagkakataong pagdadala ng babae ng papa niya sa kwarto nito.

Dali-dali siyang tumayo sa upuan, iniwan ang binabasa niyang aklat. Pumunta sa sikretong butas sa dingding na palagi niyang sinisilip pag pumapasok sa kwarto ang ama at may kasamang babaeng bayaran. Para siyang nanonood ng pelikula sa tagpong iyon.

Busog na busog ang mga mata niya sa mas*lang eksenang nakikita niya.

Pagkatapos na bos*han ang ama at ang kasama nito ay nagpunta na siya sa sariling kwarto at nagmuni-muni.

“Sana ako rin,” aniya.

Isang pangarap para kay Rick na hiniling niya sa sariling sana’y maranasan din niya. Nais niyang maranasan ang ginagawa ng papa niya.

Hindi namalayan ni Rick na nakatulog na siya sa kakaisip. Alas otso na siya ng umaga nagising. Hinanap pa niya ang babaeng kasama ng kaniyang ama.

“Good morning, papa. N-nasaan na po ‘yung kasama niyo kagabi?”

“Iyon ba? Wala na siya, pinalayas ko na. Bakit mo naman naitanong?” natatawang sabi ni Renato.

“Ang akala ko kasi’y ang babaeng ‘yon na ang magiging pangalawang mama ko, papa,” tugon niya.

“Oh, no, son! Hindi ang klase ng babaeng iyon ang maaaring pumalit sa mama mo. Tandaan mo, hijo…’pag may babae akong dinala rito at ipinakilala ko sa iyo, iyon na ang babaeng papakasalan ko,” wika ni Renato.

“Kaya pala ni isa sa mga babaeng dinadala mo rito’y wala ka pang ipinakilala sa akin,” aniya.

“Right, Rick! Pero darating na iyon…may prospek na ang playboy mong papa,” nakangising sabi ni Renato sa anak.

Ang totoo, isang magandang estudyante ang prospek ni Renato. Isa sa mga intern sa pinapasukan niyang opisina ang dalaga. Hindi maunawaan ng lalaki kung bakit hindi pa niya magawang ligawan ito, tila ba natotorpe siya. Para sa kaniya ay may kakaiba rito, ‘di tulad ng mga babaeng dinadala niya sa bahay.

“Ano ba itong nangyayari sa akin? Nahihiya akong hindi ko maintindihan,” wika niya sa sarili.

Siguro nga ay tinamaan na siya ng tunay na pag-ibig. Una pa lang na makilala niya ng dalaga ay tumibok na ang puso niya rito. Kaya nga hindi niya ito magawang kausapin at bola-bolahin dahil hindi ang tipo ng dalaga ang paglalaruan lang niya. Para sa kaniya ay ito na ang nararapat na iharap sa altar.

Isang araw, hindi na niya matiis ang nararamdaman niya, handa na niyang ipagtapat sa dalaga na humahanga siya rito. Ayaw na niyang palagpasin pa ang pagkakataon.

“A, mamaya ay kikilalanin ko na siya…liligawan, bahala na,” sabi niya.

Oras na ng uwian sa opisina, inabangan niya ang magandang dalaga sa paglabas nito ngunit bigla na lamang itong nawala sa paningin niya.

“Ang bilis namang maglakad ng babaeng iyon,” aniya sa sarili.

Dahil hindi nasundan ang dalaga ay lulugu-lugong umuwi sa bahay si Renato.

“Si Rick, manang, dumating na ba?” tanong niya sa kasambahay.

“Opo, nasa kwarto niya…a-at may k-kasamang babae, sir,” sagot ng matanda.

Napamulagat si Renato. “B-babae? Aba, pilyo na pala ngayon sa chik ang anak ko?”

Maya maya ay may narinig siya sa loob ng kawarto ng anak.

“Ayyy…naku naman, Rick…sige ka, ha, ayoko niyan!”

“Please naman, sweetheart.”

“Ayun, nagka*nan na!” nakangisi niyang sabi sa isip.

Marahang sinilip ni Renato ang butas sa pinto ng kwarto ni Rick.

“Manang-mana talaga sa akin ang anak ko. Nagdadala na rin ng babae sa kwarto niya ang loko.”

Kitang-kita niya ang aksyon sa pagitan ng kaniyang unico hijo at babaeng kasama. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito kaya aabangan na lang niya ang paglabas ng dalawa.

Ilang sandali pa ay lumabas na sa kwarto si Rick at ang babae. Ipinakilala nito ang kasama pero laking gulat niya nang makilala ito.

“Papa, si Marivic…girlfriend ko,” pakilala ni Rick sa babae.

“A-ano?!”

Parang tinuklaw ng libu-libong ahas si Renato. Si Marivic kasi ang magandang estudyanteng balak niyang kilalanin at ligawan ngunit laking panghihinayang niya dahil ito pala ang nobya ni Rick na kaklase nito sa kolehiyo. Nang araw lang na iyon dinala ng binata ang nobya sa bahay at doon ginawa ng mga ito ang matagal nang gustong gawin ng anak. Hindi naman niya ito masisisi dahil siya ang dahilan kung bakit ito nagkalakas ng loob na tikman ang kam*nduhan.

Wala na naman siyang magagawa, mahal ng anak niya ang dalagang tinatangi niya kaya siya na ang kusang nagpaubaya.

Mula noon ay nagbago na si Renato. Itinigil na niya ang pagiging mahilig niya sa babae, nakarma tuloy siya sa mga pinaggagagawa niya.

Advertisement