Inday TrendingInday Trending
Kakaiba ang Diskarte ng Isang Preso Upang Surpresahin ang Amang Nangungulila sa Kanya

Kakaiba ang Diskarte ng Isang Preso Upang Surpresahin ang Amang Nangungulila sa Kanya

Si Mang Celso ay isang amang nangungulila sa anak niyang si Sergio. Ang nag-iisa niyang anak ay nakulong dalawang taon nang nakalilipas dahil napagbintangan ito sa kasong pagnanakaw. Hanggang ngayon ay nililitis pa rin ang kaso nito. At mas malala ay nilipat ito ng bilibid mula sa probinsya nila patungo sa Maynila. At dahil doon ay labis-labis ang kanyang pangungulila sa kanyang anak. Isang araw ay naisipan niyang magtanim ng paboritong mga gulay ng kanyang anak na ampalaya, patatas at pipino. Ngunit dahil nasa malayo ito ay naisipan niyang sulatan na lamang itong muli. Anak, Nalulungkot ako at naalala kita. Gusto ko sanang hukayin ang lupa natin sa likod at magtanim muli ng mga paborito mong gulay. Naalala mo ba noon na sabay natin itong ginagawa? Ngayon ay hindi ko alam kung kaya ko pang magtanim lalo na’t mag-isa na lamang ako. Miss na miss kita anak. Dalawang araw ang lumipas ay nakatanggap ng sulat ang matanda na sagot mula sa kanyang anak. At doon ay nagulantang siya sa laman ng sulat nito na, “Pa, huwag mong hukayin ang lupa natin sa likod. D’yan ko tinago ang mga ebidensya laban sa kaso ko!” Kinabukasan ay agad na nagsidatingan ang kapulisan sa bahay ni Mang Celso. At dahil sa nabasang sulat ng mga ito mula kay Sergio ay hinukay ng mga ito ang likod-bahay ng matanda. “Wala naman ‘ni isang ebidensya eh! Pinagloloko tayo ng presong ‘yun,” ika ng galit na pulis. “Pasensya na po kayo,” hinging-paumanhin niya na lamang sa mga ito. Dismayadong umalis ang mga pulis sa tahanan ng matanda. At naiwan namang tulala si Mang Celso na hindi pa rin makapaniwala sa mga pangyayari. Maya-maya ay isang sulat na naman mula sa kanyang anak ang kanyang natanggap. “Pa, sorry kung hindi mo ako kasamang magtanim ngayon. Pero sana nahukay na ang likod-bahay ngayong oras na ito. Maaari mo nang itanim ang mga gulay nang walang paghihirap. Mahal na mahal kita, Pa.” Napaluha si Mang Celso sa nabasang sulat ng anak. Hindi niya akalaing kahit nasa malayo ito at imposible siyang mapuntahan ay nakagawa pa rin ito ng paraan upang matulungan siya. Kaya naman agad niyang tinanim ang mga paborito nitong gulay. Hinintay niyang mamunga ang mga ito at marahan na inani makalipas ang ilang linggo. Tinignan niya ang kanyang alkansya at binilang ang naipon na pera. “Kasya na siguro ito pamasahe ko upang madalaw ko ang aking anak.” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Agad siyang naghanda ng sarili upang bumiyahe ng Maynila dala-dala ang mga gulay na kanyang itinanim. Dinamihan niya na rin ang dala. “Salamat, manong at pati kami ay naisipan niyong dalhan ng mga gulay galing probinsya.” Napangiti si Mang Celso sa pulis. Mukhang hindi na siya natatandaan nito. Pero siya’y tandang-tanda niya pa ang mukha nito. Isa kasi ito sa mga pulis na naghukay sa kanyang likod-bahay. “Ako nga ang dapat na magpasalamat sa inyo,” makahulugan niyang sagot sa mga pulis bago nagtungo sa naghihintay niyang anak. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement