Inday TrendingInday Trending
Isinakripisyo ng Dalaga ang Sariling Kaligayahan Para sa mga Kapatid, Hindi Siya Makapaniwalang Ito Pala ang Igaganti ng mga Ito sa Kanya

Isinakripisyo ng Dalaga ang Sariling Kaligayahan Para sa mga Kapatid, Hindi Siya Makapaniwalang Ito Pala ang Igaganti ng mga Ito sa Kanya

“Alicia! Sama ka sa amin, gimik tayo sa bagong bukas na restobar d’yan sa kabilang street!” yaya ng kasamahan niya isang gabi nang sumapit ang kanilang uwian sa trabaho. Napangiti siya dito at saka umiling, “Next time nalang ako. Kailangan kong makauwi nang maaga. Nagpapatulong kasi sa project yung bunso kong kapatid.” Nagtawanan ang mga kasamahan niya, “Ilang taon ka na ba? Diba 23 ka lang? Pero bakit yung mga responsibilidad mo pang 40-anyos na?” Tinawanan niya nalang rin ang pangangantyaw ng mga ito, “Alam niyo namang simula nang mawala si Papa at madepress si Mama ako nalang ang inaasahan na tumayong magulang ng mga kapatid ko.” Hindi naman mali ang sinabi ni Alicia sa mga kasamahan. Sa murang edad na 19, ay siya na ang nagtrabaho para sa pamilya. Iyon ay dahil sa pagkawala ng kanyang ama dahil sa sakit. Ang ina niya naman ay hindi na rin nagtrabaho dahil sa depresyon na nadarama. Sa ngayon ay dalawa ang kanyang trabaho. Sekretarya sa umaga, housekeeper naman sa gabi. At dahil mahal na mahal niya ang kanyang pamilya ay siya na rin ang tumayong ama sa mga ito. Siya ang naghahanap-buhay at nagpapaaral sa kanyang tatlong kapatid. Sa awa naman ng Diyos ay nairaraos niya ang pang-araw araw na pamumuhay ng pamilya. Yun nga lang ay naisakripisyo niya ang halos buong buhay niya at sariling kaligayahan para sa mga ito. “Ate, may project po kami. Kailangan po naming bumili ng dress,” ika ng pangalawang kapatid niya. Ngumiti siya dito at saka kumuha ng pera sa wallet, “Sorry Margaret ngayon ko lang ulit naalala ‘yan. Noong isang linggo mo pa nga pala sinasabi ‘yan.” Niyakap siya nito, “Salamat, Ate! Sa totoo lang ay nahihiya ako sayo dahil alam kong nahihirapan ka na sa amin. Ikaw lang lahat sa bahay.” “Sshh…” pigil niya sa kapatid. “Baka marinig ka ni Mama. Magtampo na naman sa atin. Alam naman nating mahina ang loob niya. Kaya sana, support nalang natin si Mama, okay?” Tumango nang nakakaintindi ang mga nakababatang kapatid. Masaya siya dahil parang mature na rin ang pag-iisip ng mga ito. Kaya naman mahal na mahal niya ang mga ito. Ilang taon ang lumipas at isa-isa nang naka-graduate ang kanyang mga kapatid. Hindi niya na rin namalayan na tumatanda na pala siya at hindi na rin nakapag-asawa. Hindi niya na naman iniinda yun dahil ang mahalaga sa kanya ay nasa maayos nang kalagayan ang kanyang mga kapatid. “Ate, para sayo po,” ika ng bunsong si Alessandra sabay abot ng diploma sa kanya. Tuwang-tuwa at naluluha niyang tinanggap iyon, “Salamat, Alessandra.” “Salamat rin, Ate. Sa lahat ng pagsasakripisyo mo sa amin. Mag-asawa ka na ate. Kami naman ang bubuhay sayo. This time, kaligayahan mo naman ang dapat unahin ng pamilya natin.” Hindi maipagkaila ni Alicia ang sobrang kaligayahang nadarama. Pakiramdam niya ay worth-it lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo niya para sa mga kapatid na bukod sa mababait na ay mapagmahal pa. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement