Dahil sa Natatapakan ng Kasintahan ang Kanyang Pagkalalaki ay Nakipagkalas ang Lalaking Ito, Huli na ang Lahat nang Naisin Niya Itong Balikan
Si Jelo at Christine ay limang taon nang magkasintahan. Sa loob ng ilang taon nilang pagsasama ay nakaipon na rin sila ng sapat na pera upang magpakasal. Ngunit lingid sa kaalaman ng dalagang si Christine ang dinaramdam na problema ng binata. Naiinsecure kasi si Jelo sa trabaho ng kanyang kasintahan. Dahil bukod sa mataas na ang sahod nito ay mataas pa ang posisyon nito sa kumpanyang pinapasukan. Hindi gaya niya na kahit graduate sa kursong Architecture ay pagiging karpintero lang sa pribadong kumpanya ang naging trabaho. “Hindi ko alam kung bakit parang ang malas-malas ko sa trabaho, babe.” Hinawakan ng dalaga ang kamay niya, “Hindi naman mahalaga ang katayuan mo sa trabaho, babe. Ang importante, nakakaipon tayo ng sapat para sa future natin.” “Eh halos ipon mo lang lahat ‘yan babe! Wala akong naipupundar para sa atin,” inis pa rin niyang sabi. Natatapakan na kasi ng sitwasyon nila ang kanyang pride bilang lalaki. Gusto niya ay siya ang mas malaki ang ipon. Gusto niyang siya ang nanlilibre dito sa tuwing may date sila. Hindi yung hati pa sila sa gastusin at kung minsan na kapag wala siyang sahod ay ito pa rin ang umaako ng gastusin nilang dalawa. Umiling ang babae sa gitna ng kanilang pag-uusap, “Wala naman akong pakialam doon. Ang mahalaga sa atin ay magkasama tayo. Kapag nagpakasal tayo, gusto kong magkaanak agad tayo, babe.” Hindi siya nakasagot doon. Sa halip ay itinago pa dito ang balak niyang pag-aabroad sa susunod na buwan. Huli na nang sabihin niya dito ang plano. Okay na ang lahat ng papeles niya at aalis nalang siya kinabukasan. Kaya naman galit na galit at gulat ang babae nang malaman ito. Ngunit agad ring humupa ang inis nito at sa huli’y nagmakaawa pa sa kanya huwag lamang siya umalis. “Sorry, Christine. Ayoko na. Masyadong mababa ang tingin ko sa sarili ko kapag kasama kita. Masyado kang mataas. Gusto rin kitang malampasan.” Umiling ang dalaga habang umiiyak, “Hindi naman tayo nagpapaligsahan sa relasyon natin, Jelo. Mahal kita at tanggap ko kung ano at sino ka.” Hindi siya nagpadala sa pagdadrama nito. Sa halip ay nakipaghiwalay pa siya dito nang tuluyan sa isiping makakapag-focus siya sa trabaho kapag ginawa niya iyon. Sa unang taon ng kanyang pagtatrabaho ay masayang-masaya si Jelo dahil sa wakas ay naabot niya rin ang kanyang pangarap. Nakakaipon na rin siya ng mas malaki. Ngunit habang tumatagal ang panahon ay tila may hinahanap siya, lalo na ang puso niya. Hinahanap niya ang mga ngiti ng kanyang kasintahan. Hinahanap niya ang paglalambing nito at pag-aalaga nito sa kanya. Kaya naman humingi siya ng leave sa boss upang makauwi ng Pilipinas. Ngunit habang nagsha-shopping siya ng mga pasalubong para sa dating kasintahan ay nakatanggap siya ng video message mula sa kaibigan. “You asked about Tin, bro? Here’s the news about her.” Pinindot niya ang play button ng video. Sa una palang ay maririnig na ang love song na background music. Nakita niyang maraming tao sa simbahan. Kinabahan siya nang bahagya sa nakikita. Gayunpaman ay pinagpatuloy niya pa rin ang panunuod. Ilang minuto ang lumipas at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Christine sa suot nitong puting traje-de-boda. Napaluha agad siya nang makita ang ngiti nito. Ngiting hindi para sa kanya. Kundi ngiti para sa lalaking pakakasalan nito at sasamahan habambuhay. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.