Inday TrendingInday Trending
Napilitan ang Binata na Magbenta ng Pekeng Medisina Para Makaahon sa Hirap, Nanay Niya ang Nagbayad sa Kanyang Kasalanan

Napilitan ang Binata na Magbenta ng Pekeng Medisina Para Makaahon sa Hirap, Nanay Niya ang Nagbayad sa Kanyang Kasalanan

Noon pa man ay mataas na ang pangarap ng batang si Rony, kung ang kaniyang mga ka-eskwela ay sabik sa paglalaro, siya naman ay walang ibang inatupag kundi ang mag-aral at maghanap ng kikitain para sa kaniyang pambaon.

“Rony, tara laro muna tayo bago umuwi.” Aya ng isa niyang kaeskwela.

“Marami tayong takdang aralin na dapat gawin, sa susunod na lang ako sasali.” sagot niya.

Pagtungtong niya sa hayskul ay mas lalo pang lumaki ang kaniyang mga gastusin sa paaralan, hindi naman niya mahingan ang nanay na naglalabandera dahil kulang pa nga ang kinikita nito para sa pagkain.

“Anak, kaya mo pa ba? pasensya ka na ha, eto ang klase ng buhay na naibigay ko sa iyo.” wika nito.

“Ma, okay lang po ako, konting tiis lang ma kaya po natin ito.”

Kung ano-anong klaseng paghahanapbuhay na ang ginawa ni Romy, sinubukan niya na ang pagbebenta ng palamig, mga kakanin, mirienda at maging ang pagjajanitor. ngunit hindi pa rin sapat ang mga ito para sa kaniya mga pangangailangan.

“Tol, baka naman pwede mo akong tulungan? Sobrang gipit na talaga eh, may alam ka bang pwede kong pagkakitaan?” wika niya sa kaibigan sa telepono.

“Meron tol, kaso di ko alam kung magugustuhan mo to eh.”

“Ano ba yan?”

“Ako kasi nagdedeliver ako ng mga pekeng gamot papunta sa mga pharmacy, alam naman nilang peke yung produkto, kaso para mas makamura, ganun ang ginagawa nila. Malaki kita dito tol pangako!”

Hindi tinanggap ni Rony ang alok ng kaibigan, hindi niya masisikmura ang gumawa ng ilegal na bagay at ipahamak ang kalusugan ng ibang tao. Ngunit dumating sa punto na nagkasakit na ang kaniyang ina.

“Ma, wag ka na po muna maglaba, ako na munang bahala sa inyo.”

“Eh paano ang pag-aaral mo? ang gastusin mo anak?”

“Wag niyo na pong isipin yon ma, gagawan ko ng paraan.”

Muli niyang tinawagan ang kaibigan at tinanggap na ang ilegal na alok nito. Wala siyang ibang gagawin kundi ang dalin ang mga pekeng gamot sa address na ibibigay sa kaniya at tanggapin ang bayad.

Dalawang buwan na niya itong ginagawa at totoo namang malaki ang bayad na nakukuha niya rito. Gustuhin man niyang tumigil ay hindi niya magawa. Isang araw ay nakita ng kaniyang ina ang mga pekeng gamot sa kaniyang lalagyan. Dahil sa masama ang pakiramdam nito ay ininom niya ang ilan sa mga ito.

Ngunit tila lalong lumala ang kaniyang pakiramdam, unti unti na siyang nahilo at nagsuka hanggang sa nawalan ng malay.

“Ma! ma anong nangyari?” wika ni Rony nang makitang nasa lapag ang ina.

Dinala niya ang ina sa maliit na klinika upang matingnan, matapos ang kanyang mga eksaminasyon ay napagalamang peke ang nainom niyang gamot. Mabuti na lamang at naagapan dahil kung hindi ay malalagay sa peligro ang kaniyang buhay.

“Ininom ko lang naman ang ilan sa gamot na nakita ko sa lalagyan mo dahil masama ang pakiramdam ko, peke pala iyon anak, itapon mo na.”

“Hindi ko po alam ma, sige itatapon ko na.” pagsisinungaling niya.

Labis na nakonsensya si Rony sa sinapit ng ina. Alam niyang siya ang may salarin kung bakit napahamak ito. Kaya’t ibinalik niya sa kaibigan ang mga gamot na natira at hindi na muling binalak pa ang pagbalik sa maling gawain.

Mahirap man para sa kaniya ay bumalik siya sa pagbabanat ng buto at pagtitinda ng kaniyang mga produkto, hindi man nito kasing laki ang kita ng pagdedeliver niya ng pekeng gamot ay malinis naman ang kaniyang konsensya.

Sa sipag at tiyaga ay nakatapos siya sa dalawang taong kurso at nakahanap ng trabahong may maayos na sahod. Sapat na para sa kanilang mag-ina.

“Napakasaya ko para sa iyo anak, lahat ng hirap mo ay nagbungga na.” wika ng kaniyang ina.

“Salamat po ma, makakaasa kayong hindi ko kayo pababayaan, paghuhusayan ko ang paghahanapbuhay.”

Niyakap niya ang ina at laking pasasalamat niya sa pangalawang pagkakataong ibinigay sa kaniya ng tadhana upang talikuran ang mga maling gawain at magumpisa ng mas masayang buhay.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement