Inday TrendingInday Trending
Bigay Agad ang Dalaga sa Tuwing Humihingi ng Pera ang Kaniyang Pamilya; Isang Bidyo ang Magpapamulat sa Kaniya sa Katotohanan

Bigay Agad ang Dalaga sa Tuwing Humihingi ng Pera ang Kaniyang Pamilya; Isang Bidyo ang Magpapamulat sa Kaniya sa Katotohanan

“Anak, wala na naman kaming makain dito,” wika ni Aleng Belen sa anak na si Juana na ngayon ay nasa Saudi Arabia, nagtatrabaho, bilang katulong.

“H-ha? P-pero ma, hindi ba’t kakapadala ko pa lang sa inyo, noong isang araw? Malayo pa po ang sahod ko ma, paano ko kayo mapapadalhan niyan,” ani Juana sa ina.

“Marami kasi kaming binayarang utang anak, kaya hindi nagkasya ang padala mong sampung libo,” paliwanag nito.

“Sabi ko naman sa inyo, huwag na muna kayong panay utang,” ani Juana sabay hilot ng nananakit na sentido. “Sige ma, mamaya na lang ulit. Hahanap ako ng paraan,” aniya saka nagpaalam sa ina.

Sa isang buwan ay halos tatlong beses siyang nagpapadala sa pamilya niya sa Pilipinas, t’wing sumasahod siya’y diretsong hulog ang sampung libo, at maiiwan sa kaniya ang apat na libo.

Minsan pa’y naipapadala pa niya ang iniipon niyang pera, dahil tatawag na naman ang mga ito sa kaniya’t manghihingi. Ang akala siguro ng mga ito’y tumat@e siya ng pera sa ibang bansa. Hindi alam ng pamilya niya ang hirap at sakripisyong ginagawa niya makapadala lamang ng pera.

“Oh! Juana, you clean now the ceiling of this house. My nose is irritated in the dust that I smell,” ingles barok ng indianang madam ni Juana.

“Later, madam, if I finished cooking,” aniya.

“Okay, okay,” agad namang sang-ayon ng amo. “You have another money problems in the Philippines? You making a sad face,” sita nito.

“As usual madam, we Filipino’s are no other problems in the Philippines… only money,” aniya.

Kahit ingles barok ang nagiging usapan nila ng amo, basta ang mahalaga’y nagkaka-intindihan silang dalawa.

“Ah, it’s sad, Juana, your family don’t know how you work hard for the money you gave them. They spent it so easy, but you worked hard for it. I hope they realized that, Juana,” malungkot na wika ni Madam Chakrika.

“I hope so madam,” malungkot na sang-ayon ni Juana.

Bago umpisahan ni ang Juana ang paglilinis ng kisame ay binuksan niya muna ang kaniyang selpon at nagtaka kung bakit may bidyong ipinasa si Marites sa kaniya, ang kapitbahay nila sa Pilipinas na hindi niya masyadong nakakabati, dahil may pagka-suplada.

Nang kaniyang buksan ay agad na nag-unahan sa pag-agos ang kaniyang mga luha. Kitang-kita sa bidyong ipinasa ni Marites ang ginagawa ng kaniyang mga magulang.

Nag-susugal ang mga ito sa mismong bahay nila at habang nagpapasugal ay nagpapa-inom na animo’y may pistang nagaganap.

Tinanong niya si Marites kung kailan nangyari ang bidyo na iyon. Sinabi nito ang eksaktong petsa at oras, saka niya naisip na iyon ang araw kung kailan siya nagpadala ng pera.

Kaya pala kay bilis maubos ng padala niya, dahil may pagdiriwang pa lang nagaganap sa bahay nila kapag nagpapadala siya. Mga one day millionaire pala ang kaniyang mga magulang kapag nagpapadala na siya ng pera.

Inaaksaya nito ang pinaghirapan niya, habang siya rito ay mamat@y-mat@y na sa kakatrabaho.

Imbes na mag-linis ng kisame ay ginugol ni Juana, ang buong araw sa pag-iyak. Dismayado siya sa pamilya niya. Mabuti na lang at nalaman niya ang tunay na pinaggagawa ng mga ito, sa pamamagitan ng kapitbahay nilang maldita na si Marites.

Mabuti at mabait ang kaniyang mag-asawang amo. Hinayaan lamang siya ng mga itong umiyak at magdamdam sa sariling pamilya.

Makalipas ang ilang buwan ay tiniis niya ang mga ito at hindi na muling kinumusta pa. Nagpatuloy siya sa pagtatrabaho at sa pag-iipon ng sariling pera, upang sa kaniyang pag-uwi sa ‘Pinas ay may dala siyang perang kaniyang pinaghirapan at hindi puro resibo lang.

“Anak Juana, ang tagal naming sinikap na makontak ka. Nag-aalala na kami sa’yo d’yan ang buong akala namin ay may nangyari nang masama sa’yo,” wika ni Belen.

Nahihimigan ni Juana ang pag-aalala sa boses ng ina. Ngunit dahil sa nakitang bidyo na pinasa ni Marites ay naisip niya kung nag-aalala ba talaga ang mga ito sa kaniya dahil anak siya nito, o nag-aalala lamang ito dahil wala siyang ipinadalang pera.

“Maayos lang ako rito ma,” tipid niyang wika. “Nagpadala ako ng tatlong libo, kunin niyo na lang po sa pinapadalhan ko ng pera.”

“Ha?! Bakit tatlong libo lang ang pinadala mo anak? Ilang buwan kang hindi nagpadala tapos ngayon, isang libo lang ang ipinadala mo? Paano namin pagkakasyahin iyan?” reklamo ng ina.

“Budgetin niyong maigi ang pinadala ko at kayo na ang bahalang mag-isip kung paano pagkakasyahin ang pera na ‘yan,” sagot ni Juana. “Sa nakalipas na limang taon kong nagtatrabaho rito, wala akong ibang inisip kung ‘di ang kapakanan ninyo dahil kayo ang pamilya ko.

Siguro naman sapat na ang ilang taon na ini-spoil ko kayo sa pagpapadala ko sa inyo ng pera kada humihingi kayo, kasi iniisip kong ‘di baleng magutom ako rito, basta masarap ang kinakain niyo d’yan. Siguro nararapat lang ma, na mag-ipon naman ako para sa sarili ko.

Kasi ako ‘yong nagpapakahirap sa perang pinansusugal niyo lang at pinapa-inom sa mga kapaitbahay natin,” ani Juana, hindi na napigilan ang paghagulhol.

“Juana, anak—”

“Simula ngayon ay tatlong libo lang ang ibibigay ko sa inyo, kayo na ang bahala kung paano niyo pagkakasyahin ang tatlong libong ipadadala ko. Mag-iingat kayo d’yan mama,” ani Juana saka pinutol ang tawag ng ina.

Mula noon ay pinanindigan ni Juana ang sinabi sa ina. Tuwing sasahod siya’y tatlong libo lamang ang pinapadala niya sa pamilya at ang buong natitira niyang sahod ay ipinasok niya sa banko upang ipunin.

Mahirap ang magtrabaho sa ibang bansa. Dugo’t pawis ang ibinubuhos nila para may maipadala lamang sa pamilyang naiwan dito sa ‘Pinas. Tapos tayong tagatanggap lang nang linis ay kay bilis gastusin ang perang kanilang pinaghirapan. Isipin natin ang pagod at sakripisyo nila bago gastusin sa mga walang kwentang bagay ang kanilang pinaghirapan.

Advertisement