Dahil Hindi Magkaanak ay Inalok ng Babae sa Kaniyang Mister ang Kapatid Niya sa Labas; Tripleng Karma ang Kapalit ng Kaniyang Ginawa
Walong taon nang mag-asawa sina Ruth at Danilo pero hindi pa rin sila nagkakaroon ng anak. Nangangamba nga ang babae na baka baog siya kaya hindi pa sila nabibiyayaan kahit isang supling. Mahal na mahal niya ang mister, hindi niya makakaya kapag nawala ito. Natatakot kasi siya na baka iwan siya nito at hanapin sa ibang babae ang hindi niya maibigay rito.
Bukod sa kaniyang matr*s ay mayroon pa pala siyang poproblemahin, iyon ay walang iba kundi ang anak sa labas ng tatay niya na si Rosalie, beinte singko anyos.
Pagdating ng asawa niya galing sa pagko-construction ay naabutan nito ang dalaga sa bahay nila.
“Danilo, mister ko, dito muna titira sa atin si Rosalie, siya ‘yung kapatid ko sa labas na sinabi ko sa iyo dati. Pumanaw na ang malandi niyang nanay kaya eto ngayon nakiusap siya sa akin na dito muna tumira kapalit ng paninilbihan niya sa atin. Kung ako lang eh, hindi ko siya tatanggapin dito kaso sayang din naman. Wala na akong gagawin dito sa bahay dahil siya na lang ang pagagawain ko sa lahat para prente na ako rito. Sa tingin ko kasi, kaya hindi ako mabuntis-buntis ay palagi akong pagod sa mga gawaing bahay,” bungad ni Ruth sa asawa.
Tumango naman ang lalaki sabay sulyap kay Rosalie. Napakagat labi ito nang makitang maganda, maputi at makinis ang dalaga.
“G-ganoon ba? Sige pumapayag na ako na dito siya tumira. Para may kasama ka dito kapag nasa trabaho ako,” nakangising sabi ni Danilo.
Nakita naman ni Ruth na may malisya ang pagkakatitig ng mister sa kaniyang kapatid. Nakaramdam siya ng selos pero saglit lang iyon. Pinakalma niya ang sarili at muling nagsalita.
“Ehem…O, Rosalie pumayag na ang Kuya Danilo mo na dito ka tumira kaya mag-thank you ka sa kaniya! Pasalamat ka at mabait kami kundi ay sa kalye ka pupulutin,” sabi ni Ruth.
“Salamat po kuya, ate. Huwag kayong mag-alala maghahanap ako ng trabaho para hindi ako pabigat sa inyo. Kapag nakaipon ako’y lilipat din ako sa upahang bahay,” sagot ng dalaga.
Nilapitan naman ni Danilo ang kapatid ng kaniyang asawa at niyakap ito.
“Walang anuman. Kapatid ka ng asawa ko kaya pamilya na rin ang turing ko sa iyo. Sino pa ba ang magtutulungan kundi ang magkakapamilya, ‘di ba?” wika ng lalaki na mas lalong hinigpitan ang yakap sa dalaga.
Kung hindi nakahalata si Rosalie na may malisya na ang pagkakayakap sa kaniya ng lalaki, si Ruth naman ay alam na alam ang takbo ng utak ng mister kaya hinila nito ang asawa palayo sa kapatid at niyakap din.
“Tama ang kuya mo, kaya huwag kang tatamad-tamad dito ha? Naiintindihan mo? Sige na, mag-umpisa ka na ngayon. Labhan mo ‘yung mga damit namin diyan, bilisan mo!” utos niya saka inirapan ang kapatid.
Mabilis na lumipas ang mga araw, habang tumatagal na kasama ni Danilo si Rosalie sa bahay nila ay mas lalong tumintindi ang pagnanasa niya rito. Mas maganda kasi ang dalaga at mas bata na ‘di hamak sa misis niya. Hindi na niya kayang tiisin pa ang init ng kaniyang katawan at hindi na siya nagkakasya sa pasulyap-sulyap lang kaya nakaisip siya ng paraan para maka-iskor sa magandang kapatid sa labas ni Ruth.
“Alam mo, darling, gustung-gusto ko na talagang magkaroon ng anak. Hindi na ako makakapaghintay pa ng matagal, gusto ko nang maging tatay,” ungot niya kay Ruth isang gabi habang magkatabi sila sa kama.
“Pasensya ka na, asawa ko, kung hindi pa kita mabigyan ng baby,” malungkot nitong sabi sa kaniya.
“A-ano kaya kung iba ang magdala ng bata, kahit hindi sa sinapupunan mo manggaling?” nananantyang bwelo ni Danilo.
“A-anong ibig mong sabihin?” tanong ng babae.
“Pwede namang iba ang magdalantao. Kaysa sa mag-ampon tayo mas maganda ‘yung sa kadugo mo pa rin manggagaling ang bata, ‘di ba? P-pwedeng dugo ko at dugo ni Rosalie, kasi kapatid mo naman siya ‘di ba? Kahit magkaiba kayo ng nanay, kapatid mo pa rin siya,” paliwanag ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Ruth sa gustong mangyari ng mister. “Si Rosalie ang gusto mong anakan? B-bakit, may pagtingin ka ba sa kaniya?” matigas na sabi ng babae na wala man lang pakialam sa kapatid sa halip ay punumpuno ng pagseselos ang boses nito.
“Hindi ibig sabihin na gusto ko siyang anakan ay may pagtingin na ako sa kaniya. Alam mong ikaw lang ang mahal ko, darling. Ang sa akin lang, kaysa sa ibang babae, ‘di ba? At least si Rosalie kilala natin, gusto mo bang maghanap pa ako ng ibang babae na magbibigay sa akin ng anak? Baka mahulog ang loob ko sa babaeng iyon at…”
“Tumigil ka! S-sige na, pumapayag na ako,” nakaismid na sabi ni Ruth. “Pero pagkatapos niyang mailuwal ang bata ay palalayasin na natin siya rito. Hindi ko na gugustuhing makita pa siya pagkatapos na may mangyari sa inyo,” tugon ni Ruth sa asawa na ‘di na pinatapos sa pagsasalita.
“Oo, promise!” ngiting dem*nyong sabi ni Danilo.
Dahil sa takot na ipagpalit siya sa iba ay pinagbigyan ni Ruth ang asawa. Mahal na mahal niya si Danilo kaya lahat ay gagawin niya huwag lang itong mawala sa piling niya, kaya nang sumunod na araw ay isinakatuparan ng dalawa ang balak sa pobreng dalaga.
“Ate, huwag naman po!” humahagulgol na sabi ni Rosalie habang pilit na hinuh*b@ran ng kapatid. Samantalang si Danilo naman ay kanina pa nag-aantay sa kama.
“Shhh…tumahimik ka nga! Sandali lang ito g*ga! Malaki ang utang na loob mo sa amin ng kuya mo! Gagawin lang namin ito para magka-anak kami kaya huwag mong iisipin na may pagtingin siya sa iyo ha?” tugon ni Ruth.
Makalipas ang ilang taon
Umiiyak na nakaratay sa higaan ang may edad nang si Ruth. Ginupo na siya ng malubhang karamdaman. May taning na ang buhay niya dahil sa malubhang sakit. Kaunting araw na lang ng natitira sa kaniya kaya ganoon na lamang ang hinagpis niya at pagsisisi sa mga nagawa niya noon. Dalawampung taon na ang nakakaraan nang mangyari ang pamimilit niya sa kapatid na si Rosalie na sip*ngan ang mister niya. Sumakabilang buhay na si Danilo dahil naman sa atake sa puso habang nasa kulungan. Umamin ang lalaki sa masamang tangka sa kapatid niya kaya nahatulan ito na mabilanggo gaya niya. Eto siya ngayon, nasa ospital at naghihintay na lang ng kaniyang mga huling sandali.
Nagulat siya nang bumukas ang pinto ng kwarto. Nanlaki ang mga mata niya nang pumasok ang isang babae. Maraming taon na ang nagdaan pero hindi niya malilimutan ang mukha nito.
“R-Rosalie…” paos niyang sabi habang mas lalong dumaloy ang luha sa mga mata niya. “P-patawad, Rosalie, patawad sa lahat,” saad pa niya.
Napangiti nang kaunti ang babae. “Kumusta ka na, Ate Ruth? Matagal na kitang napatawad sa kahay*pang ginawa ninyo sa akin ni Kuya Danilo. Mabuti na lang at hindi natuloy ang masama ninyong balak sa akin dahil sa mababait na kapitbahay na tumulong noon. Nagpapasalamat ako sa mga tanod na sumaklolo sa akin dahil hindi tuluyang nawasak ang buhay ko sa kamay ng sarili kong kapatid,” hayag ni Rosalie.
Sa sinabi ng kapatid ay mas lalong napahagulgol si Ruth.
“Nagsisisi na ako sa mga ginawa namin ng kuya mo, Rosalie. Hanggang ngayon ay pinagdurusahan ko ang kasalanan ko sa iyo,” aniya.
“Dapat lang na magdusa ka, ate, para malaman mo na mali ang kabab*yan ninyo ni Kuya Danilo. Nauna nang pinagdusahan ng asawa mo ang kahay*pan niya, ngayong wala na siya ay ikaw naman ang magbayad. Pero hindi ako nagpunta rito para dagdagan pa ang paghihirap mo, narito ako para bigyan ka ng kaunting regalo. Gastusin mo ang perang ito para maging masaya ka naman bago ka mawala sa mundo. Malaki rin ang pasasalamat ko sa iyo, ate, dahil sa iyo ay mas naging matatag ako na lumaban sa hamon ng buhay, kung ‘di dahil sa mga pinagdaanan ko sa inyo ay hindi ako magiging matagumpay,” iyon lang ang sinabi ni Rosalie at umalis na ito.
Nag-iwan ang kapatid niya ng isang makapal na sobre na puno ng pera sa ibabaw ng kama niya.
Nang makulong silang mag-asawa ay natanggap bilang service crew si Rosalie sa isang fast food chain. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa kolehiyo habang nagtatrabaho at nang makatapos ay madaling natanggap sa isang malaking kumpanya. Isa na ngayong CPA si Rosalie.
Sa pag-alis ng kaniyang kapatid ay walang tigil pa rin sa pagdaloy ang luha ni Ruth. Tama lang sa kaniya ang trato ng kapatid niya dahil napakalaki talaga ng kasalanan niya rito. Sa isip niya, ang malubhang karamdamang nagpapahirap sa kaniya ngayon ay parusa ng Diyos sa lahat ng kaniyang kasamaan, sa pang-aapi niya sa sariling kapatid at sa balak niyang kabab*yan dito.
Minsan, ang sobrang pagmamahal ay nakakasama, nakakagawa tayo ng mga bagay na pagsisisihan natin sa huli, tulad ni Ruth na nakulong na nga, nawalan pa ng asawa, at nagkaroon ng malubhang sakit. ‘Di ba, triple ang karma?