Inday TrendingInday Trending
Buong Buhay nang Dinudurog ang Lalaking Ito ng Kamalasan sa Buhay, Hanggang sa Isang Pangyayari ang Nagpakita sa Kanya na Maswerte Siya

Buong Buhay nang Dinudurog ang Lalaking Ito ng Kamalasan sa Buhay, Hanggang sa Isang Pangyayari ang Nagpakita sa Kanya na Maswerte Siya

“Bwisit na buhay ‘to!” inis na binalibag ni Tony ang bag sa bahay. Wala na namang ilaw, putol na naman ang kuryente nila. “Elsa!” Wala na doon ang asawa, malamang ay nakitulog na ito sa mga byenan niya. Inis siyang umalis ng bahay. “Napakamalas ko talaga!” palaging bukambibig ni Tony simula pa noong bata siya. Sa tuwina lang kasi ay puro kamalasan ang dinaranas niya. Konting saya pero sumunod ay puro kamalasan na. Napadaan siya sa ilalim ng tulay at doo’y nakita niya ang mga pulubi sa gilid. Nakita niyang iyak nang iyak ang isang bata at paulit-ulit na nagsasabing, “Gutom na gutom na ko.” Dahil sa pagkabigla ay nahulog ang tinapay na kinakain. Tila mga langaw ang mga batang nag-agawan sa kapirasong tinapay na nahulog niya. Hanggang sa makauwi ay hindi pa rin makalimutan ni Tony ang senaryong nakita. Hindi niya lubos-maisip na ganoon pala kahirap ang buhay ng mga taong walang tahanan. Samantalang siya na kuryente lang ang pinoproblema ay puro atungal na ang ginagawa. Nagdesisyon si Tony na baguhin ang pananaw sa buhay. Kahit kailan ay hindi na niya sinabing “malas” siya. Hindi na rin siya nagreklamo sa hirap ng buhay. Pinagsumikapan niyang makaipon upang makapagpakabit muli ng kuryente. Isang araw ay niyaya niya ang asawa niya, “Sama ka, Ma?” “Saan tayo punta?” “Sa lugar kung saan napagtanto kong maswerte pa pala ako sa ganitong buhay.” Hindi na umimik pa ang asawa at sumama nalang sa kanya. Pero bago tumungo sa ilalim ng tulay ay tumigil muna sila sa bakery kung saan niya binili ang tinapay niya noon. “Bigyan mo ako ng isandaang pandesal.” Nagulat ang asawa niya, “Gutom ka ba, Tony?” Natawa siya, “Hindi, Ma. Basta mamaya malalaman mo.” Nakita niya ang mga pamilyar na mukha sa ilalim ng tulay. Doon ay nilapitan niya ang batang nakita niyang umiiyak noon, “Tinapay oh.” Walang pasubaling tinanggap iyon ng bata. Kusa naman nagsilapitan ang iba at humingi rin sa kanya ng makakain, “Kuya ako din po!” “Oh isa-isa lang, marami naman itong dala-dala ko.” Ngiting-ngiti ang mga pulubi sa sarap ng tinapay na dala niya. “Salamat, kuya.” Nakakataba ng puso rin ang pasasalamat ng mga ito. Namangha sa kanya ang asawa. Doon ay napagtanto nilang pareho kung gaano kasarap ng pakiramdam na tumulong sa kapwa. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement