Niloko ng Lalaki ang Kaniyang Nobya dahil lang sa Kantiyaw ng Tropa; Ngunit Matagalan kaya Niya ang Sariling Konsensiya?

Niloko ng Lalaki ang Kaniyang Nobya dahil lang sa Kantiyaw ng Tropa; Ngunit Matagalan kaya Niya ang Sariling Konsensiya?

InspiringLoveStories

“Pare, kanina pa tingin nang tingin sa ’yo ’yong babae, oh! Mukha yatang type ka!” tatawa-tawang paniniko sa kaniya ng katropang si Bogart nang mapansin nito ang babaeng nakaupo sa kabilang mesa na kanina pa tingin nang tingin sa kaniya.

“Guni-guni mo lang ’yon, pare,” sagot naman ni Andrei. Ang totoo ay kanina niya pa rin napapansin ang nasabing babae, kaya lang ay pilit niya itong iniignora. May nobya na kasi siya at mahal na mahal niya ito. Ayaw naman niyang sirain ang tiwala nito lalo na at ngayon lang siya pinayagan nitong makasama sa inuman ng kaniyang mga katropa. Kundi nga lang kaarawan ng isa sa kanila ay hindi niya mapipilit ang nobyang si Nicole na payagan siya.

“Naku, pare, huwag ka na nang magmaang-maangan! Alam kong type mo rin ’yong chika-babes na ’yon, eh!” muli ay kantiyaw pa ni Bogart sa kaniya.

“Oo nga! Tingnan mo ang katawan, oh! Napaka-sexy! Ang lagkit pa ng tingin sa ’yo, pare, ayaw mo pa?” ngingisi-ngisi namang singit ng may kaarawang si Kyle sabay tapik sa kaniyang balikat.

“Alam n’yo, masama talaga kayong impluwensya. Kaya ayaw akong payagan lagi ni Nicole na sumama sa inyo, e. Alam n’yo namang may girlfriend ako, binubuyo n’yo pa ako d’on. Kayo talaga, oh!” iiling-iling namang sagot ni Andrei sa kanila na lalo namang ikinalakas ng kantiyawan.

“’Yan ang hirap sa ’yo, pare, eh. Hindi pa nga kayo mag-asawa ni Nicole, under de saya ka na. Alam mo, tayong mga lalaki, minsan kailangan ding tumikim ng ibang putahe. Huwag ka laging magkulong sa ilalim ng saya ni Nicole!” payo pa ni Kyle sa kaniya na agad namang inayunan ni Bogart.

“Isa pa, makikipagkilala ka lang naman, hindi ba? Kapag nakipagkilala ka ba, ibig sabihin n’on, nagche-cheat ka na?” singit pa nito na nakapagpatahimik naman kay Andrei.

“Sa bagay, may punto naman sila,”

Dahil doon, makailang kantiyaw pa ay napapayag din ng magkakaibigan si Andrei. “Ngayon lang naman ’to,” katuwiran pa ng binata bago niya tuluyang lapitan ang babae na hindi niya akalaing susunggaban pala siya ng halik!

Amoy na amoy niya ang alak sa hininga nito ngunit hindi napigilan ni Andrei na hindi tugunin ang mainit na halik ng nasabing babae. Tila ba pinalakas na rin ng espirito ng alak ang kaniyang loob at ngayon ay hindi na niya mapigilan pa ang tawag ng laman!

Mabilis ang naging mga pangyayari dahil maya-maya pa ay natagpuan na lang ni Andrei ang sarili na nagpapatianod sa nasabing babae papunta sa C.R. ng nasabing bar kung nasaan sila ngayon ng kaniyang mga kabarkada. Handa na siya para sa mas mainit na tagpo sa gabing iyon dahil hindi na niya mapigilan pa ang pagragasa ng pagnanasa ngayon sa kaniyang katawan. Nagkulong sila sa isa sa mga cubicle at doon ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa.

Ngunit sa kalagitnaan ng pakikipaghalikan ni Andrei sa naturang babae ay bigla na lamang niyang nakita sa likod ng kaniyang isip ang nakangiting mukha ng nobya niyang si Nicole. Bigla niyang naalala ang masasayang memorya nilang dalawa at ang mga pag-aalaga nito sa kaniya noon.

Naalala din ni Andrei kung gaano niya ito kamahal at kung ilang beses siyang nangako rito na kailan man ay hindi niya ito lolokohin. Tila ba biglang kumirot ang kaniyang puso at animo makailang libong ulit iyong tinusok ng karayom. Kinakain ng sarili niyang konsensiya si Andrei na naging dahilan upang kumalas siya sa yakap ng babaeng hindi naman niya kilala. Pagkatapos ay walang sabing iniwan niya ito roon upang tumakbo pauwi sa nobyang si Nicole.

Nasa sasakyan pa lang si Andrei ay kinakabahan na siya sa magiging reaksyon ng nobya niya kung sakaling malaman nito ang ginawa niya. Ngunit wala siyang balak magsinungaling at dagdagan pa ang kaniyang kasalanan dito. Napagdesisyonan niyang umamin na lamang agad kaysa sa ibang tao pa nito malaman iyon. Gagawin niya rin ang lahat upang mapatawad siya nito kung sakaling ito ay magagalit.

’Tulad ng inaasahan ay nagalit nga sa kaniya si Nicole. Sa katunayan ay nakatanggap pa siya ng isang malakas na sampal nang umamin siya sa nagawa niya. Ngunit matapos iyon ay niyakap siya ng kaniyang nobya at nagpasalamat itong umamin siya. Dahil daw kasi doon ay napatunayan nitong nagsisisi siya sa kaniyang ginawa kaya bibigyan pa siya nito ng isa pang pagkakataon na ipinangako naman ni Andrei na hindi na niya sisirain pa kailanman.

Samantala, iyon na rin ang huling beses na nagpakita siya sa kaniyang mga katropa. Napagtanto kasi niya na walang ibang magandang maidudulot ang mga ito sa kaniya, bagkus ay ibubuyo lang siya nito sa kasalanan.

More Stories