Inday TrendingInday Trending
Sinasamantala ang Dalagita ng Amain na Lider ng mga Sindikato na Nagpapalimos sa mga Taong Grasa sa Kalye; Makatakas pa Kaya Siya sa Kaniyang Kalagayan?

Sinasamantala ang Dalagita ng Amain na Lider ng mga Sindikato na Nagpapalimos sa mga Taong Grasa sa Kalye; Makatakas pa Kaya Siya sa Kaniyang Kalagayan?

“Pasok! Bilisan ninyo!”

Nagulantang si Emma at muntik nang mabitiwan ang hinuhugasang mga pinagkainan nang marinig na ang nakatatakot na tinig ng kaniyang amain. Napasilip siya sa sala ng bahay. Nakita niya ang tatlong mga taong grasa na nakatali pa ang mga kamay.

Tinawag ng kaniyang amain na si Bruno ang kaniyang mga tauhan.

“Oh, may bago tayong recruit. Pakainin n’yo muna ah bago ko hatulan kung anong gagawin ko sa mga iyan.”

Bumalik na sa kaniyang ginagawa si Emma. Ipinagpatuloy na ang paghuhugas ng mga pinagkainan.

Kung may pamimilian lamang, nais niyang lumayas sa lugar na iyon, na palagay niya ay katumbas ng impiyerno sa lupa. Ang kaniyang amain na si Bruno ay lider ng isang sindikato. Sindikatong nangunguha ng mga taong grasa, magmula sa bata hanggang matatanda upang gawing pang-negosyo.

Kapag may hitsura, ginagawang bayarang babae o lalaki.

Kapag wala naman o matanda na, inuutusang manlimos o mambudol. O kaya naman ay tinuturang maging isnatcher.

Ilang beses na niyang nagtangkang tumakas ngunit lagi naman siyang nahuhuli.

Impiyerno ang buhay niya sa piling ng amain. Ilang beses na nitong nailugso ang kaniyang puri.

Minsan ay naiisip na niyang itarak ang kutsilyo sa leeg nito sa tuwing pinupuwersa siya nito. Ngunit sa tuwing gagawin niya ito ay bumabaligtad ang kaniyang sikmura.

Hindi niya kayang marumihan ng dugo ang kaniyang mga kamay.

Iyan ang turo sa kaniya ng yumaong ina. Gawan ng kabutihan ang kapwa kahit na sila mismo ay hindi gumagawa ng kabutihan sa iyo.

“Emma, luto na ba ang pagkain?”

Nagulantang si Emma nang marinig ang nakatatakot na tinig ng kaniyang amain.

“M-Magluluto pa lang…”

Isang malakas na batok ang natanggap ni Bruno.

“Wala ka talagang silbi. Para ka na ngang tuod sa kama, tatamad-tamad ka pa. Bilisan mo na at nagugutom ako. Tapos maligo ka mamaya, magkuskos ka ng libag mo sa singit at may bisita tayo.”

Hindi na mapakali si Emma. Tila natutunugan na niya ang tinutukoy na mga bisita. Ang mga kaibigan nito na halang din ang bituka.

Narinig niya noon na tila kursunada siyang pagtangkaan ng mga ito. Hindi pumayag ang kaniyang amain dahil kailangan umano siyang bayaran muna.

Binigyan ng pagkain ang mga bagong dating na taong grasa. Nagmamakaawa ang dalawa habang nakatali, habang ang isa naman ay tahimik lamang at paikot-ikot ang mga mata. Napatingin ito kay Emma. Para bang nagmamakaawa sa kaniya na pakawalan sila. Umiwas ng tingin si Emma.

Gustuhin man niyang unahing iligtas ang mga taong grasa, mas nais niyang iligtas ang kaniyang sarili mula sa kaniyang malupit na amain.

Mga bandang hapon ay dumating na nga ang mga kaibigan ni Bruno. May dalang mga alak.

“Nakahanda na ba ang pulutan?” nakangising tanong ng isa na makapal ang balbas sa mukha.

“Oo. Pinaligo ko na at pinakuskusan ang singit para masarapan ka sa paghimod!”

Nagpalakpakan ang mga ungas.

Dinig na dinig ni Emma ang usapan. Nanginginig siya sa takot.

Maya-maya, nagsimula na ang inuman.

Makalipas ang 30 minuto, tinawag ni Bruno si Emma.

“Heto na ang pulutan! Oh, ako muna ang iisa ah. Pila-pila na lang. Masarap pa ‘to kasi bata pa. Makatas. Sariwa.”

Nanginig ang buong katawan ni Emma. Sa kaniyang paningin ay napapalibutan siya ng pitong lobong sabik sa walang kalabang-labang usa.

Anumang sandali ay maaari siyang sagpangin.

“Huwag po! Maawa po kayo!”

Maya-maya ay nakita na lamang ni Emma na tumilapon ang mga kaibigan ng kaniyang amain.

Ang taong grasa na kanina pa tahimik.

Parang action star ito ngayon na pinatikim ng suntok, tadyak, balibag, ang mga kaibigan ng kaniyang amain, maging si Bruno.

Hindi siya makapaniwala na kinaya nitong mapuruhan ang pitong lalaki, kabilang na ang kaniyang amain.

Maya-maya, dumating na ang mga unipormadong lalaki.

Ang mga kasamahan ng kaniyang amain ay kanina pa pala nakatali.

Nilapitan siya ng taong grasa.

“Ayos ka lang ba, ineng? Huwag kang mag-alala, ligtas ka na. Ligtas na kayong lahat.”

Ang naturang taong grasa pala ay undercover agent. Nagpanggap itong pulubi sa kalye upang matiyempuhan ng grupo ni Bruno na matagal na nilang minamanmanan.

Niyakap ni Emma ang taong grasa.

“Maraming-maraming salamat po, isa po kayong anghel na tagapagligtas!”

Dahil sa ulat ng pulisya at reklamo ni Emma at patong patong na kaso ang naisampa kay Bruno, bukod pa sa human trafficking ay nakasuhan din ito ng r*pe at child abuse.

Ang mga taong grasa naman na kinuha ng sindikato ay dinala sa DSWD at iba ay naibalik sa kani-kanilang pamilya.

Si Emma naman ay kinupkop ng undercover na nagpanggap na taong grasa at itinuring na isang tunay na kapamilya.

Advertisement