Pinahiya ng Guro ang Estudyanteng Ito sa Klase Dahil sa Pagiging Late, Isang Sakripisyo Pala ang Kailangan Nito Gawin Bago Pumasok ng Klase
“Late ka na naman, Von!” Bwisit na naman ang guro sa kanyang estudyanteng late na naman sa kanyang klase. Nakakaabala na kasi ito sa iba niyang mga estudyante dahil sa pagiging late nito. Ang iba pa nga’y ginagaya ito na tila ginawa pa siyang modelo ng isang ulirang estudyante. “Isa pang late mo, Von, papa-suspend na kita. Aba, halos lahat ng kaklase mo, ginagaya ka na!” inis na turan ng guro sa binatang estudyante. Kasalukuyang 4th year college na si Von at talaga namang hindi niya maipagkakailang paborito siya ng kanyang guro sa tuwing siya’y nale-late sa klase. Hindi niya naman kasi masabi-sabi ang tunay niyang dahilan dito. Baka isipin nito ay gumagawa lamang siya ng istorya. “Saan ka galing pre?” tanong ng kaibigan niya’t kaklase na si Ced. “Sa bahay pre,” simpleng sagot niya na lamang dito. Wala siyang pinagsasabihan ng kanyang mga problema ‘ni isa sa mga kaklase’t kaibigan niya. Ayaw niya kasing kinakaawaan siya ng ibang tao. Ang gusto niya lang na makita ng mga ito sa kanya ay ang pagiging masiyahin niya. Hanggang isang araw ay napuno na ang kanyang guro sa pagiging late na naman niya. Hindi niya talaga kasi maiwasang hindi ma-late, “Ma’am sorry po, lahat naman po ginagawa ko para makahabol sa klase. Kaso hindi po talaga kinakaya eh.” “Saan ka nakatira?” tanong ng guro sa kanya. “Sa Pasay po, Ma’am.” Pinukpok nito ang stick sa sariling desk, “Lintik na ‘yan! Kung taga-Mindanao ka Von, madadala mo pa ako sa mga sorry-sorry na ‘yan! Ako nga taga-Laguna pa. Mas malayo kaysa sayo pero na-late ba ako?” Napayuko ang binata. May punto naman ang kanyang guro, kaya naman hindi na niya nagawang sumagot pa. “Punong-puno na ako sayo bata ka. Ipadala mo ang guardian mo dito at papatawan kita ng suspension!” Gulantang ang lalaki sa sinabi ng guro. Halos magmakaawa naman siya na bawiin nito ang sinabi, “Ma’am parang awa niyo po. Hindi na po mauulit. Hindi na po ako male-late sa klase.” Hindi na iniinda pa ni Von kung pagtinginan siya ng mga kaklase niya. Ang mahalaga sa kanya’y hindi siya patawan ng suspension ng guro dahil masamang record iyon sa kanya. Kapag nagkataon ay hindi pa siya matatanggap sa abroad na inapplyan niya. “Sabihin mo sa akin ang totoo, Von at baka sakaling mabago pa noon ang desisyon ko,” ika ng guro. Huminga nang malalim ang lalaki. Ito na nga siguro ang panahon upang sabihin niya sa lahat ang kanyang sikreto. “Ako po kasi ang tumatayong ama’t ina sa mga kapatid ko.” “Dalawa po sa mga kapatid ko ay may sakit sa utak. Pinapakalma’t pinapakain ko po muna sila bago ako magtungo sa eskwela,” binaling niya ang atensyon sa kanyang mga kaklase, “Yun rin ang dahilan kung bakit ‘ni isa sa inyo ay wala akong pinapunta sa bahay. Ayokong kaawaan niyo ako. Hangga’t maaari sana, hanggang graduation natin, ako pa rin ‘yung masayahing Von na kilala niyo.” Napaluha ang halos lahat ng tao sa classroom nila. Hindi rin makapaniwala ang guro sa sinabi niya. Kaya nagulat siya nang isang araw ay bumisita ito sa bahay nila. “Ma’am ano pong ginagawa niyo dito? Paano niyo po nalaman ang address ko?” “Parang hindi mo naman ako guro. Syempre nasa records natin. Ito nga pala oh,” inabot nito sa kanya ang dalawang plastic ng grocery. “Ma’am, hindi na po kailangan. Nakakahiya na po.” “Sige na tanggapin mo iyan para sa mga kapatid mo. Pasensya ka na kung nag-iinit ang ulo ko noon sayo ah. Akala ko kasi puro pagbubulakbol ang inaatupag mo noon. Hindi ko alam na ganito na pala kabigat ang sakrispisyong nakaako sayo sa murang edad.” Hindi na rin napigilan ng binata ang mapaiyak. Iniiyak niya sa guro ang lahat ng hirap at sakit na dinaranas niya. Laking-pasalamat niya dito dahil kahit papaano’y gumaan ang kanyang dinadala. “Salamat ma’am… wala po akong ibang masabi kundi, salamat.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.