Inday TrendingInday Trending
Pinahiya ng Mayabang na Lalaki ang Waitress na Sumita sa Kabastusan Niya, Di Niya Akalaing Titiklop Siya Dito sa Huli

Pinahiya ng Mayabang na Lalaki ang Waitress na Sumita sa Kabastusan Niya, Di Niya Akalaing Titiklop Siya Dito sa Huli

“Sir, bawal po magtapon ng upos ng sigarilyo dito.” Napalingon si Gardo sa boses ng babaeng sumaway sa kanya. Kung maganda lang sana ito ay agad siyang dadamputin ang itinapon na sigarilyo. Pero hindi kasi ganito ang tipo niya sa babae kaya naman dinedma niya nalang ito at akmang papasok na muli sa restaurant. “Sir, mawalang-galang na po. Maaari po bang pakipulot nalang po ‘yung kinalat niyo sa tapat ng restaurant namin?” pangungulit pa rin ng babae na hinawakan pa ang kamay niya sa pagpigil sa kanyang pumasok. “Miss,” humarap siya dito. “Hindi kita pag-aaksayahan ng laway at panahon since hindi ka naman ganoon kaganda. Ikaw nang pumulot ito ang service fee mo oh.” Inabutan niya pa ang dalawang-daan ang babae. Ngunit tinitigan lang iyon ng dalaga at pinanindigan pa rin ang pagpapapulot sa kanya ng inubos niyang yosi. “Nakita niyo naman po siguro ang sign Sir,” tinuro pa nito ang signage sa tapat ng restaurant, “No littering po. Bale ibig sabihin po n’yan, bawal pong magkalat.” Doon na napundi ang kanyang tenga, “Ginagawa mo ba akong tanga, Miss?” Ang ayaw niya pa naman sa lahat ay mga ganito ka-obvious na babae. Halata namang nagpapapansin lang sa kanya. Nagkukunwari pang masungit sa harapan niya, “Kulang pa ba ang 200, Miss?” Sinabayan niya pa ng mapang-asar na ngiti ang pang-uuyam niya sa dalaga. “Sir, nakakabastos na po kayo.” “Oh, naramdaman mo rin?!” sinigawan niya na ang babae, wala na siyang pakialam kahit marami na ang nanunuod sa kanila. “Pambabastos rin ang ginagawa mo sa akin, Miss. Huwag kang papansin, hindi kita type!” “Sir, with all due respect po, ang gusto ko lang pong gawin niyo ay pulutin ang tinapon niyong upos ng sigarilyo. Kung sasabihin niyo pong ako na ang pumulot kapalit ng pera niyo, para ko na rin pong sinabi na tama ang prinsipyong mahihirap na tao nalang palagi ang naglilinis ng kalat ng mga mayayaman.” “Wala akong pakialam sa prinsipyo mo, Miss. Kung kulang pa ang 200 sayo, ito ang limandaan pulutin mo na ‘yan.” Imbes na tanggapin ay tinabig lang iyon ng babae, “Sayang ka po, Sir. Mukha pa naman po kayong may pinag-aralan, simpleng ingles na “no littering”, hindi niyo maintindihan. Mas edukada pa po pala ang tulad kong high school graduate lang dahil naiintindihan ko po ang ibig sabihin n’yan,” mahabang litanya ng waitress sabay pulot na rin sa tinapon niyang upos ng sigarilyo. Tila napahiya naman siya dahil nagpalakpakan ang ibang taong nanunuod sa kanila at naramdaman niyang pinagbubulungan na siya ng maraming tao dahil sa sama ng tingin ng mga ito sa kanya. “Parang walang pinag-aralan. Simpleng pagtapon ng basura sa tamang basurahan hindi pa magawa,” rinig niya pang sabi ng isa. Halos matunaw siya sa kahihiyan. Hindi niya matanggap sa sarili na isang hamak na waitress lamang ang magpapatiklop sa kanya. Ngunit alam niyang mali siya at walang dahilan para manatili pa doon. Agad umalis ang lalaki na hindi makatingin sa mga taong nakatitig ng masama sa kanya. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement