Balak na Makipagtanan ng Dalaga sa Binata pero sa Huli ay Umurong Din Siya; Bakit Kaya?

Disi-siyete anyos pa lang si Thamara at kasalukuyang nag-aaral sa hayskul. Sa edad niya ay hindi maiwasang maging mapusok.

“Hmm! In love na naman kami! Halika nga rito, bruha ka!” kinikilig na sabi ng kaibigang si Nerissa na kasama niya sa boarding house. Nakita kasi nito na titig na titig at namumula pa siya habang pinagmamasdan sa bintana ang isang binata na kanina pa siya hinihintay.

“Uy, loka, tumigil ka nga riyan!” malandi niyang sagot.

Ang tinutukoy nila ay si Michael na kapwa rin nila estudyante sa hayskul. Guwapo at matipuno ang lalaki kaya pat*y na pat*y rito si Thamara.

“Saan mo naman nakilala iyon, girl?” usisa ng kaibigan.

“Sa party ng kaklase kong si Rona last week. Ang kyut niya, ‘di ba? Ini-invite niya tayong manood ng sine,” sabi ng dalaga.

Inirapan siya si Nerissa, hindi naniniwala sa sinasabi niya.

“If i know, ikaw lang ang niyayaya niya, umamin ka!” anito.

Advertisement

“Sumama ka na, malay mo makakilala ka rin ng kasing guwapo at macho niya,” tugon ni Thamara.

“Hayun, eh ‘di lumabas din ang totoo. Pero alam mo, friend, iyang kaguwapuhan panlabas lang iyan ng mga lalaki ‘no! Kaya huwag na huwag kang bibigay kung ayaw mong maisahan ka,” paalala ni Nerissa na pinamewangan pa siya.

Natawa lang si Thamara sa tinuran ng kaibigan.

“Eto na naman ang sermon ni madre superyora,” pilosopo niyang sagot.

“Hay naku, ang sa akin lang ay pinaaalalahanan lang kita dahil kaibigan kita,” anito.

Pero para sa mga kabataan, ang puso at ang panlabas na anyo ang mahalaga.

Nag-ayos ng sarili si Thamara, siniguro niya na magiging maganda siya sa paningin ng binata. Ilang minuto pa ay nilabas na niya ito.

“Salamat naman, akala ko iindiyanin mo na ako, eh,” masayang bungad nito.

Advertisement

“Natagalan kasi ako dahil kay Nerissa, iyong friend kong magmamadre,” natatawa niyang sabi.

“Mabiro pala ang kaibigan mong iyon…magmamadre ba talaga siya?” natatawa ring sabi ni Michael.

“Naniwala ka naman! Nagbibiro lang ako ‘no!” sagot niya. “Sh*t! ang mga mata niya ang ganda…ang kyut niya talaga,” bulong niya pa sa isip nang mapagmasdan ang kaguwapuhan ng binata.

Iyon na ang hudyat, ang mga katangiang hinahangaan niya kay Michael ay magiging dahilan upang maganap ang hindi pa dapat.

Habang nanonood sila ng sine ay niyaya siya nito…

“Tara, lipat tayo ng puwesto. Dun tayo sa sulok sa itaas, hindi ko na kasi matiis, eh,” yaya ng binata.

“T-teka, b-baka may makakita sa atin,” kinakabahan niyang sabi.

At nauwi nga sa kapusukan ang pagkikita nilang iyon.

Advertisement

“Ayy! Nakikiliti ako, Michael,” kinikilig na sabi ni Thamara habang yakap-yakap siya at hinahalikan ng binata. Dinala siya nito sa pinakadulong bahagi ng balcony at doon sila naglampungan.

“Huwag kang masyadong maingay, baka may makarinig sa atin. Mabitin pa tayo pareho. Umm,” tugon ni Michael saka ipinagpatuloy ang paghalik kay Thamara.

“I love you,” sambit ng dalaga.

“If you really love me, prove it,” wika ng binata.

Kasibulan kasi nilang dalawa kaya malapit sa tukso, hindi na nila iniisip ang bukas nang mag-umpisang madarang sa apoy.

Pagkatapos nila sa sinehan ay diretso sila sa pinakamalapit na motel at doon ipinagpatuloy ang kanilang kaligayahan. Siniguro naman ng binata na protektado ang dalaga upang walang mabuo na pagsisisihan nila sa huli.

Akala ni Thamara ay hindi malalaman ng nanay niya ang pagsama niya kay Michael. Lingid sa kanila ay nakita sila ng kumare ng nanay niya na kasama niya ang binata sa mall kung saan sila nanood ng sine. Eto at natalakan tuloy siya.

“Wala naman po kaming ginagawang masama, eh,” wika niya sa ina.

Advertisement

“Anong wala? Lalaki ang kasama mo! Hindi siya santo para titigan ka lang, naku bata ka! Ang kiri-kiri mo! Pagdating ng ama mo, humanda ka! Tiyak na malilintikan ka sa ama mo!” gigil na sabi nito sabay sabunot sa buhok niya.

“Aray ko, inaaay! Huwag po!” hiyaw niya saka napahagulgol.

At ang resulta, pagrerebelde ng kaniyang damdamin kaya naglayas siya at pumunta sa bahay nina Michael. Yayayain niya itong makipagtanan sa kaniya.

“Tao po! Tao po!”

Maya maya ay may nagbukas ng pinto. Bumungad sa kaniya ang isang babae na pawis na pawis t mukhang losyang na, may karga pa itong sanggol na umiiyak.

“O, bakit sinong kailangan mo?” tanong nito.

“A, eh, nandiyan po ba si Michael? Gusto ko lang pong makausap,” aniya.

Pumasok uli ito sa loob at sumugaw.

Advertisement

“Hoy Michael! Bumangon ka diyan at may bisita kang babae! Hoy bangon!”

Pinapasok siya ng babae sa bahay ng mga ito ngunit nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang nadatnan. Anim na malilit na bata na umiiyak sa sahig, bukod pa sa sanggol na karga ng babae. Ang dumi sa loob ng bahay na tila walang naglilinis. Tambak ang mga hugasan sa lababo at parang tamad ding maglaba ang mga nakatira roon, nakakalat lang sa kung saan ang mga damit. Ang gulo naman sa lugar na iyon!

“Diyos ko!” tangi niyang nasabi.

Ilang saglit lang ay hinarap na siya ni Michael.

“O, ikaw pala! Ano ang sadya mo?” tanong nito.

Niyaya niya ito sa labas para doon sila mag-usap.

“Dito na lang tayo ha? Sandali lang naman ako, eh.”

Pero sasabihin pa lang niya ang pakay sa pagpunta roon ay nagulat siya nang may marinig na mga sigawan sa loob ng bahay.

Advertisement

“Put*ng *na ka! Papat@y*n kita! Wala kang silbi rito!” malakas na sigaw ng isang lalaki.

“Hay*p ka! Sige, ituloy mo, papat@y*n din kita! Ikaw ang walang silbi, batugan!” sigaw naman ng babaeng humarap sa kaniya kanina.

“Tumigil ka, g*ga!”

Nagkalabugan sa loob ng bahay, may narinig silang nagbabatuhan ng kung ano.

“Pasensiya ka na, natiyempuhan mo pang nag-aaway sina ate at asawa niya. Tara dun tayo sa tindahan sa tapat! Ano nga palang sasabihin mo?” sabi ni Michael sa kaniya.

Biglang umurong si Thamara sa plano niyang makipagtanan kay Michael. Sa mga nakita niya sa bahay nito, sapat na para hindi niya ituloy ang balak. Ayaw niya nang ganoong klaseng buhay, hindi pa siya handang magkaroon ng maraming anak. Kapag sumama siya kay Michael, paano siya nito bubuhayin, eh, walang trabaho ang lalaki at hindi pa rin ito tapos sa pag-aaral, magiging batugan lang din ito gaya ng asawa ng kapatid nito.

“Bakit ba parang nanlalamig ka? May problema ba?” tanong pa ng binata.

“A, eh, magkita na lang tayo sa school bukas. Wala naman akong ibang sasabihin sa iyo, gusto lang kita dalawin. Sige, tuloy na ako ha?” sagot niya.

Advertisement

Nang makapagpaalam sa binata ay napagtanto niya na tama ang naging desisyon niya.

“Mabuti na lang hindi ako nagpadalus-dalos. Kung nagkataong nayaya ko siyang magtanan, baka sapitin ko rin ang nangyari sa ate niya. Huwag muna tayong magmadali, Michael, tapusin muna natin ang pag-aaral at kung tayo talaga ang para sa isa’t isa ay mahihintay mo ako,” bulong niya sa sarili.

Maging aral sana sa mga kabataan na kailangan munang pag-isipan nang mabuti ang mga desisyong gagawin lalo na sa pag-ibig upang hindi sapitin ang dinaranas ng karamihang nagsisipag-asawa na bubot sa panahon.