Inday TrendingInday Trending
Niloko at Hiniwalayan ng Babae ang Mahirap na Nobyo; Iyon ang Naging Daan Para Magtagumpay Ito

Niloko at Hiniwalayan ng Babae ang Mahirap na Nobyo; Iyon ang Naging Daan Para Magtagumpay Ito

Bata pa lang ay may pagtingin na sa isa’t isa sina Owel at Bernie. Nang mag-aral sila sa hayskul ay doon na nila napagdesisyunan na maging magkasintahan na dahil pareho naman sila ng nararamdaman. Marami silang plano sa buhay at mataas ang pangarap nilang dalawa kaya gusto nilang sabay na makatapos hanggang sa kolehiyo.

Nagbago ang lahat nang sumakabilang buhay ang ina ni Owel dahil sa sakit sa puso. Sinundan pa iyon nang maaksidente ang tatay niya habang tumatawid sa kalsada na nahagip ng kotse. Ngayon ay baldado na ito at hindi na makakabalik pa sa trabaho. Bilang panganay, ang binata ang pumasan sa mga responsibilidad ng ama. Siya ang naghanapbuhay para sa kanilang pamilya lalo na’t mayroon pa siyang maliliit na kapatid kaya naisip niyang isantabi muna ang pag-aaral sa kolehiyo.

Ang kasintahang si Bernie ay nagtuloy sa kolehiyo pero kahit magkaiba ang prayoridad nila ay nanatili pa rin ang maganda nilang samahan bilang magkasintahan. Araw-araw na sinusunod ni Owen ang dalaga sa eskwela nito. Ang oras ng uwian ni Bernie ay sakto sa oras ng paglabas ng nobyo sa pabrika kung saan ito nagtatrabaho.

Makalipas ang ilang taon ay nakagradweyt na si Bernie sa kursong Accountancy samantalang si Owen ay hindi pa rin nakakatuntong sa kolehiyo dahil abala sa sari-saring trabaho. Bukod sa pagiging trabahador sa pabrika ay umekstra ang binata bilang pedicab drayber sa gabi para mas malaki ang kita. Nag-aaral na rin kasi sa elementarya ang mga kapatid niya.

Isang gabi, niyaya ni Owen ang nobya na magdate sila dahil anniversary sila.

“Sorry na labs, kung ito lang ang nakayanan ko ha? Kung marami lang akong pera, mas maganda at mamahaling bulaklak ang ibibigay ko sa iyo,” nahihiyang sabi ng binata saka iniabot kay Bernie ang mumurahing bulaklak na nabili lang sa tabi-tabi. Pumanaw na rin kasi ang tatay niya kaya nabaon siya sa utang dahil sa naging gamutan nito kaya ang budget para sa anniversary nila ay nagalaw niya.

“Okey lang,” malamig na sabi ng dalaga. Inasahan na naman iyon ni Bernie, wala na talagang pag-asa ang nobyo niya, habang buhay na lamang itong mahirap at walang asenso.

“Hayaan mo, babawi ako sa susunod at saka pasensya ka na, wala rin akong nabiling chocolate para sa iyo. Alam kong paborito mo iyon kaso hindi na talaga kinaya ng budget ko, eh. Ang mabuti pa ay sumama ka na lang sa bahay namin at doon kita ipagluluto ng gusto mong ulam, ipagluluto kita ng paborito mong adobo,” wika ng binata.

Napasimangot na si Bernie na hindi gusto ang ideya ng nobyo.

“Huwag na! Okey na, huwag ka nang mag-abala pa. Kaya ako nakipagkita sa iyo dahil may sasabihin ako sa iyong importante. Natanggap ang aplikasyon ko sa Canada, doon na ako magtatrabaho bilang Chief accountant sa isang malaking kumpanya. Aalis na ako sa susunod na araw,” hayag ng dalaga.

“A-ano? T-teka, hindi ko alam ‘yan a! Kailan ka nag-apply doon?” naguguluhang tanong ni Owen. Masaya naman siya sa nobya, nabigla lang talaga siya dahil wala siyang kaalam-alam na may balak pala itong mangibang bansa.

Tinaasan lang siya ng kilay ng dalaga.

“Matagal na akong nag-apply doon. Saka bakit ko pa kailangang sabihin sa iyo, eh wala ka namang alam tungkol sa trabaho ko, ‘di ba? Hindi ka naman nakapag-college kaya huwag ka nang matanong,” inis na sagot ni Bernie.

Napabuntung-hininga na lang si Owen sa inasal ng nobya. Hindi na siya nakipagtalo pa at hinayaan na ito. Sa tingin niya ay iritable at mainit ang ulo nito dahil hindi mamahaling bulaklak at wala siyang dalang imported na tsokolate para sa anniversary nila.

“Sige na, labas. Kung d’yan ka masaya, suportahan kita. Mag-iingat ka at pagbutihan mo ang trabaho mo roon. Palagi mo akong tatawagan ha? Hihintayin ko ang pagbabalik mo rito,” sabi niya sa nobya.

Hindi na sumagot pa si Bernie sa sinabi niya.

Natuloy sa pag-alis ang dalaga pero nang makapag-abroad ay lalong lumamig ang kanilang relasyon. Hindi na ito nagpaparamdam sa kaniya, hindi tumatawag o nagcha-chat. Sinubukan niyang tawagan ang nobya pero hindi nito sinasagot ng mga tawag at chat niya. Nagtatrabaho pa rin siya sa pabrika at namamasada ng pedicab pero kahit abala siya sa trabaho ay hindi niya nakalimutan na kontakin si Bernie sa Canada. Wala siyang palya kahit maubos ang sarili niyang ipon kaka-long distance ng tawag makausap lang ito pero tila ayaw siya nitong kausapin.

Isang araw, namamasada ang binata at naisakay niya ang kaibigan ni Bernie na si Leilani.

“Uy, Owen, ikaw nga!” sabi nito.

“O, Leilani, kumusta ka na? Kailan ka pa nakauwi rito sa Pilipinas?” tanong niya. Nagtrabaho din kasi ang babae sa ibang bansa.

“Nung nakaraang linggo lang. Balita ko’y nasa Canada na rin si Bernie at mukhang masaya na siya roon. Nga pala, ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyo ha?” wika ng babae.

“A-anong ibig mong sabihin? Anong nangyari sa amin?” nagtataka niyang tanong.

“Teka, ang sabi kasi sa akin ni Bernie, nung nakachat ko siya sa peysbuk ay wala na raw kayong dalawa. Nag-break na raw kayo kaya nga siya pumunta ng Canada para makalimot,” sagot ni Leilani.

“H-Ha?” gulat pa rin sabi ni Owen.

“Oo, ‘yun ang sabi niya sa akin, pero ngayon ay mukhang nakalimutan ka na niya talaga dahil may bago na siyang nobyo sa Canada, isang guwapong Canadian at isa ring accountant na gaya niya at nagbabalak na silang pakasal dahil nung isang beses kong tsinek yung Instagram ni Bernie ay nakapost dun ang pagpo-propose sa kaniya nung lalaki,” hayag pa ng kausap.

Hindi nakakibo si Owen ng mga sandaling iyon. Durog na durog ang puso niya sa natuklasan tungkol sa nobya. Nagsinungaling ito na naghiwalay na sila at nalaman pa niya na may ibang lalaki na ito at ikakasal pa. Para siyang nagmukhang kaawa-awa.

Pag-uwi ay agad siyang dumiretso sa computer shop para alamin kung nagsasabi nga ng totoo ang kaibigan ni Bernie, nang makita niya ang Instagram post ng nobya ay halos mapaiyak siya. Nakapost nga dun ang balak na pagpapakasal nito sa bagong nobyong Canadian.

Sinubukan niya ulit na tawagan si Bernie para kumpirmahin ang nalaman niya, hindi naman sya nabigo at sinagot ng babae ang tawag niya. Kinompronta niya ito at sa mismong bibig na nito nanggaling ang katotohanan.

“Sorry, Owen, kung nagawa ko iyon. Wala nang patutunguhan pa ang relasyon natin. Wala akong nakikitang future sa iyo, habambuhay ka na lamang mahirap at hindi nakatapos. Kaya ginamit ko ang utak kaysa sa puso, nakilala ko rito ang bago kong boyfriend na si Isaac. Titulado, mayaman at maipagmamalaki. Kalimutan mo na ako, hindi tayo para sa isa’t isa,” sabi ni Bernie sa kabilang linya. Hindi na niya nagawang ipagpatuloy ang pakikipag-usap dito at agad na niyang ibinaba ang telepono.

Ilang araw na dinamdam ni Owen ang sakit ng panloloko at pagtalikod sa kaniya ng nobya pero hindi iyon naging hadlang para tuluyan siyang magupo ng kalungkutan at bumigay. Mas lalo siyang nagpursige at nagsikap sa trabaho. Ginawa niyang araw ang gabi, wala siyang hinto sa pagkayod dahil iyon lang ang paraan para makalimutan ang malungkot na nangyari sa buhay pag-ibig niya.

Nagulat na lamang siya nang bigla siyang ipinatawag ng boss niya na may-ari ng pabrikang pinagtatrabahuhan niya.

“Good afternoon, Mr. Alcazar. May magandang balita ako para sa iyo na tiyak na ikatutuwa mo,” bungad nito.

Nagtatakang napasulyap naman ang binata sa boss niya.

“Ano pong magandang balita, sir?”

“Matagal ka na rito, ‘di ba? At nakikita ko ang magandang resulta ng iyong trabaho. Ikaw ang may pinakamagandang performance sa mga staff kaya gusto kong malaman mong ipino-promote na kita bilang supervisor,” masayang sabi ng boss.

“Ho? Pero hindi po ako nakatuntong sa kolehiyo, sir,” sagot niya.

“Ano naman? Ikaw lang ang pinakabagay sa posisyon iyon. Mas mahusay ka pa kaysa sa mga nakatapos ng kolehiyo, pero huwag kang mag-alala sa bagay na iyan. Dahil mataas na ang posisyon mo’y magkakaroon ka ng prebilehiyo na ipagpatuloy ang iyong pag-aaral, bibigyan ka ng scholarship ng kumpanya para makapag-aral ng kursong gusto mo,” wika ng may-ari.

‘Di makapaniwala si Owen na sa kabila ng narasanang kabiguan ay may kapalit namang biyaya. Ginamit niya ang mga pinagdaanan niya sa buhay upang umunlad, ‘di nagtagal ay napromote ulit siya at naging manager sa kumpanya.

Mas lalong guminhawa ang buhay niya nang makagradweyt na siya sa kolehiyo. Napagtapos na rin niya sa pag-aaral ang mga kapatid niya. Nakapagpatayo na siya ng malaking bahay para sa kanila, mayroon na rin siyang iba pang pinapatakbong negosyo at kalaunan ay nakilala niya si Janice, ang babaeng tumanggap at nagmahal sa kaniya nang buong puso. Nagpakasal sila at biniyayaan ng dalawang anak.

Nabalitaan naman ni Bernie ang lahat ng nangyari sa kaniya at laking pagsisisi nito nang pinakawalan siya. Mali pala ang desisyon nito na makipaghiwalay sa kaniya noon at magpakasal sa iba dahil kalbaryo lang pala ang kinahantungan ng babae. May asawa na pala at mga anak ang pinakasalan nito, naging kerida tuloy ang dati niyang nobya na nawalan din trabaho dahil isinumbong ng tunay na asawa ng Canadian sa kumpanyang pinapasukan nito na isa itong kabit at maninira ng pamilya. Kung naging maganda ang buhay ni Owen ay kinarma naman si Bernie sa ginawang pag-iwan noon sa binata.

Ipinakita sa kuwento na hindi hadlang ang mga masasakit na pinagdaanan para magtagumpay sa buhay. Kung purisigido ka’t masipag ay maabot mo ang iyong mga pinapangarap.

Advertisement