Pumayag Siyang Mangibang-bansa ang Kaniyang Asawa; ‘Di niya Akalaing Uuwi itong May Sorpresa

Pinagmamasdan ni Mang Hunio ang anak na si Bela habang mahimbing itong natutulog. Ito ang araw na na pinakahihintay ng kaniyang anak.

Kaarawan nito ngayon at alam niyang sabik na sabik ang bata dahil ito rin ang mismong araw na ipinangako ng ina nitong siya’y uuwi na mula sa ibang bansa kung saan ito nagtatrabaho bilang OFW.

Nagsimula nang maghanda si Mang Hunio ng mga pagkain para sa magaganap na salo-salo.

“Papa! Anong oras uuwi si inay? “ tanong ng anak na kanina pa naghihintay sa nanay niyang hindi pa rin dumadating.

“’Yan ang hindi ko alam, anak. Baka maya-maya lamang ay nandito na siya,” pilit ang ngiting sagot naman ng tatay sapagkat alam niya namang nagkaroon ito ng nobyo sa ibang bansa at wala nang balak bumalik sa kanila.

Hindi niya kayang makitang nalulungkot ang anak kaya kahit mahirap ay nagsisinungaling siya rito.

Alas kuwatro ng hapon nang matapos ang salo-salo, ngunit hangang ngayon ay hindi pa rin dumarating ang nanay ng bata. Pilit namang inaaliw ng tatay ang anak para lang maging masaya ito. Hanggang sa sumapit na ang gabi.

“Tatay, dadating pa ba si inay? “ tanong ng bata sa malungkot na tinig.

Advertisement

“Baka na-traffic lang anak, alam mong malayo pa ang pangagalingan ng inay mo, ʼdi ba?” ngunit muling pagsisinungaling naman ng amang si Mang Hunio.

Nasa ganoon silang akto nang may biglang kumatok sa kanilang pintuan.

“Siguro si inay na ’yon!” masiglang sambit pa ni Bella na kanina pa sabik na sabik sa nanay. Mahigit tatlong taon na kasi niyang hindi ito nakikita.

Agad na pinagbuksan ni Mang Hunio ng pinto ang kumatok at tila na-estatwa siya nang makita ang asawang si Sonia roon… ngunit ang nakakagulat ay ang dala nitong sorpresa!

Isang sanggol!

Agad na niyakap ni Bella ang kaniyang ina. Matapos iyon nagtanong din ito.

“Mama, sino po siya? Ang cute naman ng baby na ’yan, pwede ko po ba siyang kargahin?” sunod-sunod na tanong pa ng bata.

“Matulog ka na, anak, at gabi na. Bawal kang magpuyat ’di ba?” nanghihinayang man sa kasabika’y agad namang sumunod ang bata sa sinabi ni Mang Hunio.

Advertisement

Nang makapasok si Bella sa kuwarto, hinarap ni Mang Hunio ang kaniyang asawa na bakas ang galit sa kaniyang mukha.

“Bumalik ka dito nang may dalang anak? Pinayagan kitang pumunta sa ibang bansa kasi, sabi mo, para ’yon sa pamilya natin!” sigaw ng tatay.

“Alam kong nagkamali ako, Hunio, at sana ay mapatawad mo ʼko,” umiiyak na sambit nito. Bakas ang labis na pagsisisi sa mga ginawa niya.

Bumuntong hininga si Mang Hunio.

“Tatanggapin kita, hindi dahil sa gusto ko, kung hindi dahil sa anak natin,” aniya pa’t nag-iwas na lamang ng tingin.

Kinabukasan ay maagang nagising si Bella at agad na nagpunta sa kwarto ng mga magulang. Nagtaka pa ito nang maabutan ang tatay niya na sa sahig natutulog habang ang nanay niya’y sa kama, katabi ang dala nitong sanggol.

Ganoon pa man ay ipinagsawalang bahala na lamang niya ito dahil mas nangingibabaw ang kaniyang kagalakan sa pag-uwi ng kaniyang ina.

Habang nag a-almusal ay humiling ang bata sa kaniyang mga magulang. “Inay, ’tay, pwede po ba tayong pumunta sa zoo? Gustong-gusto ko po talagang pumunta doon.”

Advertisement

Napakunoot ang noo ni Mang Hunio sa sinabi ni Bella.

“Kayo na lamang ng nanay mo ang pumunta, hindi ako sasama.” Agad na tumayo si Mang Hunio para umalis, ngunit pinigilan siya ng anak at nagmakaawa rito.

Hindi na rin siya nakatangi sa kaniyang anak. Hindi niya kasi ito kayang tiisin.

Habang tinitignan ang mga hayop sa zoo ay napansin ni Mang Hunio na nahihirapan ang asawa sa pagkarga ng sanggol na dala nito. Halos dalawang oras na rin kasi niya itong buhat. Hindi natiis ni Mang Hunio na nahihirapan si Sonia kaya kahit masama sa loob niya ay kinuha niya ang karga nitong bata.

Ngayon lamang nakita ni Bella na pinansin ng tatay niya ang baby na dala ng kaniyang ina, kaya naman lihim siyang napangiti sa nakita.

Nakauwi na sila ng bahay nang muling ibalik ni Mang Hunio ang sanggol kay Sonia.

Dahil doon ay tila nakakita ng munting pag-asa ang babae. Kaya naman simula nang araw na iyon ay gumawa siya ng paraan upang bumawi rito.

Hindi siya nawawalan ng pag-asa na baka mapatawad siya ulit ng asawa.

Advertisement

Araw-araw niya itong hinahainan ng pagkain pagkagaling sa trabaho. Pinagsisilbihan at ipinadarama ang pagmamahal niya rito.

Unti-unting napatawad ng butihing haligi ng tahanan ang asawang si Sonia nang makita niya ang ginagawa nitong paraan.

Ilang buwan ang nakalipas ay tuluyan nang naayos ang relasyon ng mag-asawa.

Tinangap ni Mang Hunio ang anak ni Sonia sa ibang lalaki at minahal niya rin ito bilang tunay na anak.

Ngayon ay masaya nang nagsasama ang kanilang pamilya.