Nalaman ng Babae na May Ibang Kasa-Kasamang Babae ang Kaniyang Nobyo; Siya Pala ang Masosorpresa

Nalaman ng Babae na May Ibang Kasa-Kasamang Babae ang Kaniyang Nobyo; Siya Pala ang Masosorpresa

InspiringLoveStories

Ilang araw nang hindi nagpaparamdam kay Olivia ang kasintahan niyang si Ivan. Ang huli nilang pag-uusap ay sa chat lang kaya nag-aalala na ang dalaga. Nagsimulang dumalang ang pagkikita at komunikasyon nila ng naging abala siya sa trabaho. Hindi niya namalayan na nawawalan na sila ng oras sa isa’t isa ng nobyo.

“Sumagot ka na naman sa tawag ko at magreply ka sa mga text ko, please,” naiinis niyang bulong sa sarili habang tinatawagan sa cell phone ang lalaki ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya.

Isang araw ay may ibinalita sa kaniya ang matalik niyang kaibigan na si Rose na labis niyang ikinagulat.

“Olivia, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko ha,” anito.

“A-ano naman iyon?” tanong niya rito.

“Nakita ko kasi si Ivan na may kasamang ibang babae,” sumbong ng kaibigan.

Hindi makapaniwala si Olivia sa isiniwalat ni Rose. Sa isip niya ay hindi iyon magagawa ng nobyo.

“T-totoo ba ‘yang sinasabi mo? H-hindi, hindi ‘yan magagawa ni Ivan. Baka naman kasama lang niya sa trabaho ‘yung nakita mong babae?” aniya.

“Nakita ko sila na pumasok sa sa isang jewelry shop. Siyempre na-curious ako kung ano ang gagawin nila doon. Pero nagulat ako nang palihim ko silang sundan. Kitang-kita ko na ibinili ng singsing ni Ivan ang babaeng kasama niya,” hayag pa nito.

Napahawak sa kaniyang dibidib si Olivia.

“A-ano?”

“Oo, friend. Ibinili ng singsing ng nobyo mo ‘yung malanding babae na kasama niya. Tuwang-tuwa nga ang hitad!”

Hindi namalayan ni Olivia na nangingilid na pala ang luha sa kaniyang mga mata sa mga sandaling iyon.

“N-niloloko ako ni Erickson, at sa mismong bestfriend ko pa?” wika niya sa sarili.

“Kausapin mo ang nobyo mo tungkol diyan. Kung ako sa iyo, hindi ako papayag na ganoon ang gawin niya sa akin. Hindi ako papayag na lokohin ako,” payo ng babae.

“Gusto kong ako mismo ang makahuli sa kanila, Rose. Hinding-hindi ko siya mapapatawad kapag napatunayan ko na ginagawa niya akong tanga,” wika niya sa galit na tono.

Kinagabihan ay agad niyang tinawagan ang nobyo sa cell phone nito. Sinagot naman nito ang tawag niya.

“Hello, babe. Natanggap ko ang text mo kagabi. Pasensiya na kung hindi ko nasasagot ang mga tawag mo. Abala lang din kasi ako sa opisina,” wika nito sa kabilang linya.

“Ganoon ba, kaya ba kahit text ko ay hindi mo mareplayan? Ilang araw ka ng hindi nagpaparamdam sa akin. Text, chat at tawag na nga lang ang hinihingi ko sa iyo, hindi mo pa maibigay? Anong klaseng nobyo ka?” inis niyang sabi sa kausap.

“Sorry na, babe. Hayaan mo at babawi ako sa iyo.”

“O, baka ginagantihan mo lang ako dahil hindi rin ako nagkaroon ng oras nang mga nagdaang araw? Inaamin ko naman na naging abala rin ako sa trabaho ko pero hindi ako nakakalimot na magtext, magchat o tumawag sa iyo, alam mo iyan.”

“Huwag ka na magalit sa akin. Babawi talaga ako kapag nagkita tayo, promise ko ‘yan sa iyo, babe!” anito sa nakikiusap na boses.

“Kung seryoso ka sa sinasabi mo. Magkita tayo sa Sabado, sa dating oras,” aniya.

“A, e susubukan ko, babe kasi…”

“Kasi ano? Kasi hindi ka puwede, wala kang oras ganon? Kapag hindi mo ako sinipot, pagsisisihan mo, Ivan!”  pagbabanta ng dalaga.

Ilang oras bago ang pagkikita nila ng nobyo ay nagpunta muna siya sa mall para bumili ng bagong damit.  Nang may mapansin siyang pamilyar na mga mukha.

“I-Ivan?”

Nakita niya na may kasama itong magandang babae. Totoo nga ang ibinalita sa kaniya ng kaibigang si Rose.

Hindi siya nakakilos sa kinatatayuan ng makita ang dalawa na magkasamang nagtatawanan. Sa isip niya ay sa dinami-rami ng mall ay doon pa sila magkikita-kita. Mas lalong tumindi ang hinala ng dalaga na may ginagawang hindi kanais-nais ang nobyo.

“Hayop ka, Ivan! Humanda ka sa akin at ang babae mo!”

Palihim niyang sinundan ang nobyo at ang kasama nitong babae hanggang sa pumasok ang mga ito sa isang flower shop. Kitang-kita ng kaniyang mga mata kung paano nito ibinili ng mamahaling bulaklak ang babae. Hindi na siya nakapagtimpi pa at sinugod ang mga ito.

“Aha, kaya pala hindi ka nagrereply sa mga text ko dahil may pinagkakaabalahan kang iba!” galit niyang sabi.

Nagulat ang dalawa sa presensiya niya. Hindi malaman ni Ivan ang sasabihin.

“O-Olivia, let me explain…” ani Ivan.

“Yes, pakinggan mo muna si Erickson,” wika naman ng kaibigan.

“Ano pang palusot ang sasabihin mo, eh, huling-huli ka na nga sa akto! At ikaw naman na babae ka, ang daming-daming lalaki sa mundo, eh sa may girlfriend ka pa talaga pumatol? Malandi ka!”

Nilapitan siya ng nobyo at hinawakan sa mga kamay.

“Mali ka ng iniisip sa amin, babe. Hindi kita pinagtataksilan, maniwala ka!” giit ni Ivan.

“Eh, ano iyang bulaklak na iyan? At paano mo maipaliliwanag ang binili mong singsing sa babaeng ‘yan? Sa tinagal-tagal natin hindi mo pa ako naibili ng singsing pagkatapos siya ibinili mo?” bunyag niya.

“Paano mo nalaman?”  takang tanong ng lalaki.

“Nakita kayo ni Rose na pumasok sa jewelry shop at ibinili mo raw ang babaeng ito ng singsing!”

“Hindi ako nagtataksil sa iyo, babe. Hindi ko siya babae at magpapaliwanag  ako kung bakit ako bumili ng singsing at kung bakit ako bumili ng bulaklak, dahil…”

“Sige, Ivan, ipaliwanag mo sa akin! Bakit mo ako niloloko?!” pasigaw na tanong niya sa nobyo.

“Mali ka ng iniisip sa amin, siya si Melody, ang stepsister ko. Ipagtatapat ko sana sa iyo ang tungkol sa kaniya kaso naunahan na pala ako ng kaibigan mong si Rose. Gusto ka nga iyang makilala, eh. Kaya ko siya palaging kasama ay siya lang ang kapatid kong babae at alam kong matutulungan niya ako sa balak kong pagpo-propose sa iyo,” bunyag ni Ivan.

“A-anong ibig mong sabihin?”

“Tinulungan lang niya akong bumili ng singsing at bulaklak para sa pagpo-propose ko sa iyo, babe. Magpo-propose na ako ng kasal sa babaeng pinakamamahal ko,” hayag pa ng lalaki.

“W-what?”

“Tama ang narinig mo, babe. Para sa iyo ang binili kong singsing at itong bulaklak. Sosorpresahin ka sana namin sa gagawin kong marriage proposal kaso pinaghinalaan mo na kami agad.”

Napaiyak na lang si Olivia sa ipinagtapat ng nobyo. Hiyang-hiya siya sa ginawang panghuhusga sa lalaki at sa kapatid nito.

“I’m so sorry to both of you, hindi ko alam na may balak kayong ganiyan. Patawarin ninyo ako,” maluha-luha niyang sabi.

“Wala kang dapat ipagselos dahil mahal na mahal ka ni Kuya Ivan,” wika ni Melody.

“Sorry, Melody at napaghinalaan kita. Kapatid ka pala ni Ivan? Hindi tuloy naging maayos ang pagkikita natin,” nahihiyang sabi ni Olivia.

“Wala iyon, sa akin. Ang mahalaga ay mahal na mahal ka ng kapatid ko at matuloy ang pagpo-propose niya ng kasal sa iyo,” tugon ni Melody.

“Sorry din babe na sa ganito pa nauwi ang lahat,” sabad ni Ivan sabay halik sa kaniyang noo.

“Puwede mo naman ituloy ngayon, e. ‘Di ba may bulaklak ka na? Nasaan na ang singsing?” nakangiting tanong ni Olivia.

Itinuloy ni Ivan ang marriage proposal. Kahit hindi na sorpresa ay sobra niyang na-appreciate ang ginawa ng nobyo. Napatunayan ng dalaga kung gaano siya kamahal ni Ivan at kahit kailan ay hindi siya nito magagawa na pagtaksilan at ipagpalit sa iba.

More Stories