Nakakamangha ang Ginawa ng Mangtataho nang Maghirap ang Suking Batang Mayaman, Makalipas ang Ilang Taon ay Nagbayad Ito ng Utang na Loob
Nakasanayan na ni Mang Nestor na pumasok sa loob ng malaking subdivision upang doon maglako ng taho, magandang buena mano ang mga nakatira doon at marami na siyang naging suki. Isa na roon ang batang si Luis, 3 taong gulang. Kahit bulol ito ay naririnig niyang sumisigaw ito mula sa loob ng bahay kapag narinig na nito ang ‘Taho!’. Agad itong tatakbo kasama ang ina, minsan ay ang ama kapag weekend. May bitbit itong limang piso at ligayang ligayang nanonood habang sinasandok niya ang taho. “Tenchu po.” nakangiting sabi ng bata sabay higop sa mainit-init pang taho. Kitang kita sa mukha nito ang saya dahil sa binili, pagkatapos humigop ay tatakbo na ito sa loob ng bahay. Napapailing nalang si Mang Nestor habang nakangiti, wala pang isang taon si Luis nang magsimula ang mga magulang nito na ibili ito ng taho sa kanya kaya parang nasubaybayan niya na rin ang paglaki nito. Nakita niya kung paano ito gumapang, humakbang, at ngayon ay kaya nang sabihin ang ‘taho’ para tawagin siya. Ang mga bata talaga, mahilig sa taho, kaya nga isa iyon sa dahilan kung bakit di siya nawawalan ng hanapbuhay. Habang may bata, may bibili sa kanya. Kakaiba rin ang ligayang naidudulot sa kanya ng ngiti ng mga paslit na bumibili. Isang araw, halos mamaos na si Mang Nestor sa tapat ng bahay nina Luis pero wala pa ring batang lumalabas. Ahh, baka nagbakasyon sila, sabi ni Mang Nestor sa sarili at umalis na. Naka-lock din kasi ang gate at nakasarado ang mga bintana sa bahay ng mga ito. Pero ganoon pa rin kinabukasan, at sa mga sumunod na araw. Buti na lang, nakita siya ng isang may edad na babaeng kapitbahay habang nagwawalis ito sa bakuran. “Wala nang nakatira diyan, umalis na noong isang Linggo. Ang alam ko natanggal sa trabaho ang lalaki at di na nabayaran ang bahay kaya pinaalis na ng bangko.” sabi nito at ipinagpatuloy na ang pagwawalis. Nalungkot naman si Mang Nestor, parang kailan lang ay may tumatakbong maliit na bata na excited bumili sa kanya, nakita niya pa nga ang isang kapares ng tsinelas ni Luis. Nakatungong umalis ang lalaki sa lugar na iyon na malungkot, hindi man lang siya nakapagpaalam sa bata. Ipinagpatuloy niya na ang paglalako hanggang makalabas siya ng subdivision, sunod niyang destinasyon ay ang iskwater sa gilid. Marami rin kasing bata doon. Nasa kalagitnaan pa lang si Mang Nestor sa lugar na iyon nang may tumawag sa kanya, si Luis! “Taho! Eto ako, hi po taho!” nakangiting sabi ng bata. Nagulat si Mang Nestor na dito niya pala makikita ang bata, nakadungaw ito sa bintana ng pinagtagpi tagping kahoy, nakaramdam ng awa ang lalaki. “Bili ka?” nakangiting sabi niya rito. “Oo guto ko po taho!” sabi nito, sabay pasok sa loob ng bahay, siguro ay hihingi ng pera sa ina. Maya maya pa, muling dumungaw ang bata, malungkot ang mga mata nito. “Taho, wala pala kami pela. Di na ako bili, soli po.” sabi nito. Parang hinaplos ang puso ni Mang Nestor, ganoon ba talaga kahirap ang buhay ng mga ito? Saktong may lumapit sa kanyang isa pang bata para bumili kaya nagsandok si Mang Nestor ng taho, malungkot naman na nakatanaw si Luis. Nagulat ang bata nang iabot ni Mang Nestor ang isang baso ng taho rito. “Taho, wala ako bayad sayo po.” tanggi nito. “Smile ka lang, yan na ang bayad mo.” sabi ni Mang Nestor. Kitang kita niya kung paano lumiwanag ang mukha ng bata. Simula noon, lagi nang dinadalahan ni Mang Nestor ng taho ang bata. Balewala sa kanya ang konting kabawasan sa tutubuin, kung isang bata naman ang napapangiti niya. Nag-binata si Luis at nag- aral ng mabuti, hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila ni Mang Nestor, na naging suki na rin ng kanyang anak. Nang makaipon ay inabutan ni Luis si Mang Nestor ng puhunan para magtayo nalang ito ng tindahan. Matanda na kasi ang magtataho at nakakaawa naman kung maglalako pa ito. Ang simpleng kabutihan ni Mang Nestor noon ay nagbunga na ngayon. sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.