Inday TrendingInday Trending
Inako ng Inggiterang Cook ang Masarap na Putaheng Hindi Naman Siya ang May Gawa, Isang Iglap Lamang ay Binalikan Siya ng Masakit na Karma

Inako ng Inggiterang Cook ang Masarap na Putaheng Hindi Naman Siya ang May Gawa, Isang Iglap Lamang ay Binalikan Siya ng Masakit na Karma

Isang taon palang na cook si Rose sa isang exclusive restaurant sa Makati, pero inip na inip na siyang maging head sa kusina. Mayroon kasi siyang isa pang kasama, si Lily. Nauna ito sa kanya, kahit friendly naman ang babae ay naiinis siya dito lalo na pag nginingitian siya nito. Kahit binibigyan siya ng tips ng babae para mas mapasarap ang pagluluto ay iritang irita pa rin siya, pakiramdam niya kasi, nagyayabang lang ito ng mga nalalaman. Matatanggal ka rin dito, at ako ang papalit sayo. Sa isip isip ni Rose. Wala namang ideya si Lily na pinagpaplanuhan na pala siyang i-sabotahe ng kasamahan, malaki naman kasi ang tiwala niya sa lahat ng kasama. Bukod doon, kapag napupuri siya ay hindi niya inaangkin iyon. Ang tagumpay ng isa sa pagluluto, ay tagumpay ng buong team nila sa kusina. Isang hapon, abala ang lahat dahil sa restaurant nila gaganapin ang reception ng isang malaking kasalan. Ayaw nilang mapahiya sa mga guest kaya talaga namang sasarapan nila ang lutuin. “Rose, ikaw munang bahala rito. Luto na yan, wag mo lang munang tatakpan dahil makukulob at baka mapanis.” sabi ni Lily, kailangan niya na kasing simulang lutuin ang isa pang putahe. Tumango lang si Rose, ayaw niya mang aminin ay talagang magaling magluto si Lily. Hindi niya sinunod ang babae at tinakpan iyon, saktong pasok ng kanilang manager. “O, ikaw ang nagluto niyan? Ang bango ah!” sabi nito na sinisinghot singhot pa ang pagkain. “Oo naman Sir! Luto ko yan no,” mayabang na sabi ni Rose. Ipinalabas na ang putahe at ang laki ng ngiti ng babae. Tiyak niyang siya ang mapupuri dahil inangkin niya ang luto ni Lily. Matapos ang event, pagod na napaupo nalang silang lahat sa kusina. Maya maya pa ay pumasok ang kanilang manager pero di tulad kanina na nakangiti ito, ngayon ay mababakas ang pagkataranta sa mukha nito. “Rose, ikaw ang nagluto ng Chicken Curry diba?Yung kanina?” sabi nito. “oo sir ako nga! Nagustuhan nila ano?” hindi na alintana ni Rose kung marinig man siya ni Lily na inaangkin ang luto nito, ang alam niya lang, ang bilis naman ng promotion! Gulat na lang siya nang pumasok ang isang ginang, ito ang nanay ng ikinasal. “Ikaw! Ikaw pala! Bwisit kang babae ka, nagsakitan ang tyan ng mga bisita dahil sayo! Tanggalin nyo na ang walang kwentang cook na yan!” sigaw nito habang galit na galit. Napaupo si Rose, nalimutan niyang sundin ang bilin ni Lily na huwag takpan. Ang bilis talaga ng karma, mahirap mag angkin ng hindi sayo dahil di magtatagal ay kusang lalabas ang katotohanan. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement