Inday TrendingInday Trending
Ipinagtaka ng Guro na Nilapitan Siya ng Isang Bata na Hindi Naman Niya Estudyante; Ikagugulat Niya kung Sino Ito

Ipinagtaka ng Guro na Nilapitan Siya ng Isang Bata na Hindi Naman Niya Estudyante; Ikagugulat Niya kung Sino Ito

Isang hinahangaang guro sa isang kilalang eskwelahan si Ms. Mila Arenas. Bukod sa mahusay siyang magturo ay paborito rin siya ng kaniyang mga estudyante at kapwa guro dahil magaling siyang makisama at napakabait pa.

“Class dismissed…ingat sa paglabas. Diretso kayo sa pag-uwi ha?” aniya.

“Yes po, ma’am. Bye bye po!” sagot ng mga estudyate niya.

Sa paglabas niya sa eskwelahan ay may nakasalubong siya…

“Good afternoon, ma’am,” wika ng pamilyar na boses.

Ikinagulat ni Mila nang mapagsino iyon.

“A-Albert…”

“Akala ko ikaw na ang magsasara ng eskwelahan, eh. Malapit nang magdilim,” wika pa ng lalaking kaharap niya.

“Sorry, ha? Kasi nagkaroon ng faculty meeting pagkatapos nung huling klase ko,” sagot niya.

“‘Di bale…narito ka na naman, eh,” wika pa ng lalaki.

‘Di inasahan ni Mila ang sumunod na sinabi ng kausap.

“Uuwi ka ba agad?” tanong nito.

“And what is that suppose to mean?” balik niyang tanong.

“Mila naman… I missed you. ‘Di ka ba naaawa sa akin? “tugon ng lalaki.

“Naku, awang-awa ako sa iyo. Habag na habag. Kaya ang sagot ko ay ‘no’. I have to go home. Marami pa akong lesson plan na gagawin,” sagot niya.

Napakamot sa ulo ang lalaki.

“Sabi ko na nga ba, eh.”

Napabuntung-hininga si Mila sa tinuran nito.

“Harris naman, alam mong teacher ako bago mo pa ako niligawan…”

Sa isinagot niya ay nag-iba ang timpla ng lalaki.

“At dapat, alam ko ang dapat kong gawin, right? Okey, alam ko kaya uuwi na rin ako,” dismayado nitong sabi.

“H-Harris…”

Magkasintahan sina Mila at Harris. Ilang buwan na rin ang kanilang relasyon. Sa naging usapan nila at ang pag-iwan sa kaniya ng lalaki ay hindi niya naiwasan na masaktan sa ginawa nito. Alam niya na nagdaramdam ang katipan.

“I love you too, Harris…pero God, anong gagawin ko?” sambit niya sa isip habang hindi pa dinadalaw ng antok sa higaan.

Isang araw, sa gate ay nilapitan siya ng isang batang babae na mag-aaral din sa pingtatrabahuhang eskwelahan.

“Good morning, Ms. Arenas,” bati nito.

“Good morning din, hija,” balik niyang bati.

“My name is Cathy…flowers and apple for a teacher,” wika ng bata sabay abot sa kanya ng isang pirasong bulaklak na rosas at mansanas.

Ikinagulat niya ang ginawa ng estudyante.

“O, thank you, dear! Pero, why?” aniya.

Hindi na nagsalita pa ang bata at nagmamadaling umalis.

“Goodbye, ma’am…see you. May klase na po ako sa English class,” sambit ng bata.

“W-wait…sandali…” sabi niya ngunit hindi na niya nahabol ito. “Umm…ang kyut naman ng batang iyon. Sino kaya siya? Paano niya ako nakilala? Hindi ko naman siya estudyante,” tanong niya sa isip.

Nang sumunod na araw ay muli na naman silang nagkita ng batang babae. Nakasalubong niya ito habang palabas siya sa eskwelahan.

“Good afternoon, Ms. Arenas,” bati nito.

“O, C-Cathy,” tangi niyang nasabi.

“Pasensya na po ma’am. Ipapakilala ko lang po sa inyo ang mama ko, okey lng po ba?” wika ng bata.

Ipinagtaka niya ang sinabi ng bata, dahil natutuwa rin siya rito ay pinagbigyan niya ang hiling nito.

“Ohh, sige dalhin mo ako sa kaniya,” sagot niya.

Hinila siya ng bata papunta sa nanay nito at…

“I want you to meet my mama, ayun po siya, o,” sabi ni Cathy.

“Magandang hapon po, ma’am. Ako po si Mrs. Nancy Esguerra,” bungad ng babae.

Nanlaki ang mga mata ni Mila nang marinig ang apelyido ng babae.

“E-Esguerra?”

Esguerra ang apelyido ng kasintahan niyang si Harris. At nang makilala niya ang nanay ng bata ay agad niyang napagtanto kung sino ito. Maikli at mabilis ang naging usapan nila.

“Pasensya na po ma’am kung…”

“Okey…nauunawaan ko. Mahusay ang approach mo. Hayaan mo, babalik na sa inyo si Harris mula ngayon. Ako ang bahala, kakausapin ko siya,” sagot niya.

Ang babae at ang bata ay ang mag-ina ni Harris na iniwan ng lalaki mula nang makilala siya at nang maging magkasintahan sila. Matagal na palang alam ng asawa nito ang tungkol sa kanila ni Harris pero imbes na gumawa ng eskandalo ay mahinahon pa rin siya nitong kinausap at ginamit pa ang anak nito para ipaunawa sa kaniya ang gusto nitong mangyari.

Sa mga oras na iyon ay wala na siyang pinanghihinayangan. Ginawa niya kung ano ang tama.

“Salamat po ma’am,” tanging sabi ng babae.

“Goodbye, ma’am…and thank you po,” sabi ng batang si Cathy.

Hindi naiwasan ni Mila na tumulo ang kaniyang luha nang magpaalam na ang mag-ina.

“Bye, Cathy…I promise, uuwi na ang tatay mo, babalikan na niya kayo,” sambit niya sa sarili.

Kinausap niya si Harris at nagdesisyon silang tapusin na ang relasyon nila. Pumayag naman ang lalaki at bumalik na ito sa sariling pamilya. Masakit man ay kailangang tanggapin ni Mila na hindi siya ang nauna sa buhay ni Harris. May responsibilidad at pananagutan ito na kailangan nitong gampanan.

Advertisement