Nagkagusto sa Guro ang Dalagang Ito; May Pag-asa Kayang Magkatuluyan ang Dalawa?

Nagkagusto sa Guro ang Dalagang Ito; May Pag-asa Kayang Magkatuluyan ang Dalawa?

HeartbreakingLoveStories

“Sabihin mo sa aking mali ang nabalitaan kong nakikipagrelasyon ka sa guro mo, Antonette! Sabihin mo sa akin! Kung hindi kakalbuhin kita sa harap ng mga kaklase mo!” pagbabanta ni Aling Cess sa anak, isang hapon nang makatanggap siya ng masamang balita mula sa paaralan nito. 

“Totoo po ‘yon, mama, pa-pasensya na po,” nakatungong tugon ni Antonette habang kinakagat-kagat ang kaniyang kuko dahil sa labis na kabang nararamdaman. 

“Wala ka na bang kahihiyan, ha? Hindi mo ba iniiisip kung anong sinasabi sa’yo ng mga kaklase mo kapag nakatalikod ka, ha?” sigaw pa nito sa kaniya. 

“Hindi ko na po ‘yon naiiisip, mama, dahil sobrang saya ko po kapag kausap at kasama ko si sir,” katwiran niya na lalong ikinagalit ng ina. 

“Diyos ko! Baliw ka na! Tigil-tigilan mo ‘yan, Antonette! Hiwalayan mo ang gurong iyon! Hindi ka totoong mahal no’n! Gusto lang no’n makaiskor sa’yo!” wika pa nito na labis niyang sinalunghat. 

“Huwag niyo naman siyang pag-isipan ng gan’yan, mama! Ang bait-bait sa akin no’n! Kahit anong sabihin niyo, hindi ko siya hihiwalayan! Baliw na kung baliw!” sigaw niya sa ina dahilan para siya’y sabunutan nito at pagbuhatan ng kamay. 

Nabihag ng isang guro ang puso ng dalagang si Antonette. Unang kita niya pa lang dito noong unang araw ng pasukan sa kolehiyo, agad nang napako ang mga mata niya sa kakisigan at ganda ng mga labi nito. 

Marami mang pumipigil sa kaniyang mga kaklase at kaibigan dahil nga hindi pupwede ang relasyong nais niya, pinagpatuloy niya pa rin ito. 

Sa katunayan, nang nalaman niyang binata pa ito, siya pa ang unang nagbigay ng motibo sa gurong ito. Tuwing magtuturo ito sa kanilang klase, panay ang dikit niya rito, tanong siya nang tanong tungkol sa mga paborito nito, at labis niya itong pagmamasdan hanggang sa mapangiti ito na labis niyang ikinakikilig. 

May pagkakataon pang pasimple niyang binubuksan ang butones ng uniporme niya upang makuha ang atensyon nito habang nagtuturo.

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit kahit isang buwan lang ang lumipas simula nang sila’y magkakilala, agad na siya nitong yayaing lumabas kahit na patago. 

Ngunit tila wala talagang sikretong hindi nabubunyag dahil agad na nakarating ang balitang ito sa kaniyang ina na galit na galit sa kaniya. 

Halos makalbo man siya nang araw na iyon dahil sa pagsagot niya, hindi nabago ng kaniyang ina ang tibok ng puso niya dahil kinagabihan, agad siyang nakipagkita sa gurong iyon.

Kahit na hatinggabi na, nang makatanggap siya ng mensahe rito na siya raw ay namimiss nito, dali-dali siyang tumakas sa tulog na ina at agad na nagtungo sa inuupahang apartment ng gurong iyon. 

Pagdating niya roon, bumungad sa kaniya ang binatang walang damit pang-itaas. Siya’y agad na niyakap nito dahilan para maamoy niya ang alak sa katawan nito. 

“Lasing ka, sir?” tanong niya. 

“Hindi, nakainom lang!” sagot nito saka siya hiniga sa kama at doon na nga niya hindi sadyang naibigay ang sarili. 

Paggising niya kinaumagahan, bukod sa wala siyang saplot, wala na rin ang gurong kasama niya kagabi. Imbis na makonsensya sa ginawa, kinikilig-kilig pa siya habang inaalala ang kaniyang naranasan sa gurong iyon. 

Kaya lang, pagpasok niya sa kanilang paaralan, kahit anong pagpapapansin niya sa gurong ito, hindi na siya nito pinapansin. Nagawa pa siya nitong pagalitan nang makitang kumikindat-kindat siya habang nagkaklase. 

Kaya naman, pagkatapos na pagkatapos ng kanilang klase, masinsinan niya itong kinausap at tinanong kung anong problema. 

“Wala naman, saka estudyante lang kita, wala kang karapatang tanungin ako,” masungit na tugon nito. 

“Estudyante mo lang ako? Eh, ano ‘yong kagabi?” mangiyakngiyak niyang tanong.  

“Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo. Lasing lang ako no’n, walang ibig sabihin ‘yon. Bumalik ka na sa klase mo, nakakahiya sa mga taong nakakakita,” sagot pa nito na lalo niyang ikinadurog. 

Sa sobrang panghihinang nararamdaman niya, minabuti niyang umuwi at umiyak sa kaniyang ina na lalong nagalit nang malaman ang ginawa niya. 

“Sabi ko naman sa’yo, hindi ba? Gusto lang no’n makaiskor katulad ng ibang mga lalaki!” sermon nito habang siya’y yakap-yakap. 

Doon niya napag-isip-isip na sadyang nabulag lang talaga siya sa kagwapuhan ng binatang iyon. Napagtanto niya ring kahit saan tingnan, mali ang magkagusto siya sa kaniyang guro. 

Kaya naman, simula noon, imbis na sa binatang iyon lumipad ang isip niya, tinuon niya ang atensyon sa pag-aaral na talaga namang ikinatuwa ng kaniyang ina. 

More Stories