May Kakaibang Naisip ang Ginang Kung Paano Niya Makikilala ang “Makating” Kabit ng Kaniyang Mister; Ano Kaya Ito?

“May kakaiba sa kilos ni Pedring. Mukhang may babae siya.”

Iyan ang pabulong na pahayag ni Aling Nenita sa kaniyang kapitbahay at kaibigang si Aling Delia habang pinagmamasdan ang kaniyang mister na si Mang Pedring sa pangangalikot ng mga sasakyan sa kanilang talyer.

“Eh palagay mo naman, sino?” tanong ni Aling Delia.

“Palagay ko, isa sa mga tauhan namin. Tingnan mo naman ang mga babaeng iyan, wagas kung makangiti. Malaman-laman ko lang kung sino sa kanila ang kinakalantari ni Pedring, kakalbuhin ko sila,” tugon ni Aling Nenita.

real people - serious face of old asian woman stock pictures, royalty-free photos & images

“Eh kasalanan mo rin kasi. Bakit ka kasi pumayag na puro mga bata’t sariwa ang mga mamasukan diyan sa inyo? Alam mo naman ang mga lalaki, kapag nakakita sila ng mas maganda, mas bata at mas sariwa, parang mga umiikot ang tumb*ng nila! Saka mag-ayos-ayos ka nga, para ka na kasing nalosyang. Tingnan mo ako, parang lumpiang sariwa!”

“Eh wala na akong magagawa, sila ang kinuha niya eh. Mababait naman sila at masisipag pero iba talaga ang pakiramdam ko sa kanila. Oh sige na, babalik na ako sa loob at makapagluto na. Baka gutumin na si Pedring,” saad ni Aling Nenita. 

May tatlo silang katiwala sa bahay at talyer na ang edad ay nasa pagitan ng 19 hanggang 22. Pawang magaganda at makikinis. Si Ada, na 20 taong gulang, ay pinakakimi at pinakamahinhin sa kanilang tatlo. Si Rhea naman na 22 ay madaldal at siyang kasundo ni Aling Nenita. Si Debbie naman na 19 ay ang pinakamasipag sa kanila.

Simula nang dumating ang tatlo na iyan sa kanilang bahay, napansin niyang mas sumigla pa si Pedring at tila lagi pang nagsusuklay. Napapansin din niyang lagi nitong kakuwentuhan ang tatlong babae. Bagay na nakararamdam naman ng selos si Aling Nenita dahil hindi ganoon ka-sweet si Mang Pedring kapag siya ang kausap. Madalas pa nga ay sinisinghalan siya, lalo na kapag maalat o matabang ang mga luto niya. 

Advertisement

Isa pa sa mga nagpapatibay ng kaniyang paniniwalang may kan*ig na iba ang kaniyang mister, ay sa mga ungol ng babae na kaniyang naririnig mula sa katabing kuwarto niya. Matagal na kasi silang hindi nagtatabing matulog ni Mang Pedring. Magkabukod na ang kanilang mga kuwarto. 

Nabuo sa kaniyang isipan na may kinakalantari sa isa sa kanila si Pedring. Nararamdaman niya. Iba ang pakiramdam niya, at naniniwala siyang hindi dapat ipagwalang-bahala ang kutob ng isang babae. Kaya naman, umisip siya ng paraan kung paano mahuhuli ang babaeng makati pa sa dahon ng gabi. 

Isang araw, katatapos lamang maglaba ni Aling Nenita. Lumabas na siya upang magsampay. Isa-isa niyang isinampay sa nakakabit na alambre ang kaniyang mga nilabhang damit. Walang ano-ano, nakaramdam siya ng pangangati sa kaniyang leeg. 

“Ang kati naman nito…”

Kinuha ng kaniyang kamay ang tila nadikit na mabuhok na bagay sa kaniyang batok. Nanindig ang kaniyang mga balahibo nang makitang isang malaking higad pala! Agad niya itong itinapon. Maya-maya, naramdaman niyang nangangati at nangangapal na ang kaniyang batok. Naramdaman na rin niya ang pamamantal. Agad siyang kumuha ng sukang paombong at inilagay sa kaniyang batok. 

Tila naman may naisip nang paraan si Aling Nenita kung paano niya mahuhuli ang tunay na kabit ng kaniyang asawa.

Kaya naman, matiyaga siyang nanguha ng mga higad sa kanilang puno. Matiyaga niyang inalisan ang mga ito ng balahibo at inilagay sa isang lalagyan. Balak niya, ilalagay niya ang mga ito sa kama ni Mang Pedring, at kung sino sa mga babaeng ito ang mangangati, siya ang nakakas*ping ng mister sa kama nito. 

Giant Asian gypsy moth threatens trees in Washington - UPI.com

Habang abalang-abala sa talyer si Mang Pedring, pumasok siya sa kuwarto nito, at ibinuhos ang mga balahibo ng higad na kinuha niya. Kung sinuman sa tatlong kasambahay ang mangangati,  alam na niya ang ibig sabihin. 

Advertisement

Pagdating ng gabi, tulog-manok si Aling Nenita. Pinakikiramdaman niya ang kabilang kuwarto.

Tahimik. Payapa. Hindi niya namalayang napapikit siya.

Subalit maya-maya, napabalikwas siya nang bangon nang marinig ang halinghing ng isang babae dahil sa pangangati. Napangiti si Aling Nenita. Bukas malalaman niya kung sino ang sasabunutan niya at kakaladkaring palabas ng bahay.

Kinabukasan, isa-isang sinuri ni Aling Nenita ang katawan ng kaniyang mga kasambahay. Nagulat siya dahil ni isa sa kanila ay walang bakas ng pangangati.

“Kung gayon, sino yung nangati kagabi?”

Pagkaraan, nagtungo si Aling Nenita sa kaniyang kapitbahay na si Aling Delia upang ikuwento ang ginawa niya, subalit napatda siya sa kaniyang naabutan. Walang humpay sa kakakamot ito sa likod!

“Delia, anong nangyari sa iyo?” tanong ni Aling Nenita.

“Nahigad yata ako eh, kagabi pa ito, hindi ko alam kung saan ko nakuha…”

Advertisement

Ipinakita ni Aling Delia ang nagmamapang mga pantal sa kaniyang likuran. Nagsilab ang kalooban ni Aling Nenita. Sinabunutan niya ang kaibigan.

“Hayop ka! Hayop ka, Delia! Ikaw ang kabit ni Pedring, ha? Malandi ka! Akala ko pa naman, kaibigan kita, pero isa kang malandi! Haliparot! Kasingkati ka ng mga higad!”

Hindi na nakahuma pa si Aling Delia. Hindi ito tumanggi sa mga paratang ni Aling Nenita. Umawat naman si Mang Pedring nang makita ang pananabunot ng misis kay Aling Delia.

Doon na rin lumabas ang katotohanan, nagsumbong ang tatlong kasambahay na minsan daw ay hinih*pu*an sila ni Mang Pedring, ngunit tumatanggi naman sila. Matagal na raw nilang nais isumbong ang relasyon nina Mang Pedring at Aling Delia subalit natatakot naman sila sa pagbabanta ni Mang Pedring sa kanilang buhay. 

Dahil wala na ring pagmamahal si Aling Delia sa kaniyang mister, minabuti na lamang niyang palayasin ito sa kanilang bahay, at umalis nga ito. Samantala, nasira rin ang kanilang pagkakaibigan ni Aling Delia, na halos wala nang mukhang maiharap sa kaniya at sa kanilang buong barangay. 

Woman covers her face as she cries near the Kyoto Animation Co studio building after an arson attack, on July 19, 2019 in Kyoto, Japan. Thirty three...

Nais tuloy pasalamatan ni Aling Nenita ang mga higad sa kanilang puno.