Matapos ang Isang Dekada ay Nagtagpong Muli ang Biyudo at ang Sinagip Nitong Dalagita sa Isang Sunog; Isa na Itong Napakagandang Binibini

Walong taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nawawala sa isip ni Mikel ang mga alaala ng kaniyang mahal na asawa. Kung kani-kanino na siya nireto ng mga kumpare niya ngunit wala siyang maramdamang kakaibang tibok sa kaniyang dibdib sa lahat ng mga babaeng nakilala niya. Ni hindi niya magawang sumip*ng sa mga ito o halikan man lamang maski inaakit na siya ng mga kababaihan. Sa isip niya’y wala na siyang ibang mamahalin pa kundi ang asawang si Rose.

Ibang klase din kasi ang pagmamahalan nila ng yumaong asawa. Napakabait at maalaga nito. Hindi nito nakayanan ang kumplikasyon sa pagbubuntis kaya’t maaga itong namaalam pati ang kanilang hindi pa naisisilang na sanggol.

Napapaluha pa rin si Mikel tuwing naaalala ang sinapit ng asawa. Pakiramdam niya ay kasalanan niya iyon sapagkat naging abala siya sa trabaho ng mga oras na iyon at wala siya sa tabi nito nang sumakit ang tiyan ng misis na si Rose.

Madalas din siyang dalawin nito sa kaniyang panaginip.

“Isa lamang ang hiling ko, Mikel. Huwag ka nang magpakasadlak sa lungkot. Maging masaya ka dahil masayang-masaya na ako sa kinalalagyan ko ngayon. Umibig kang muli, mahal ko…”

Iyan ang pirmeng mensahe sa kaniya ni Rose sa kaniyang panaginip.

Sa sobra niyang lungkot ay hindi na siya nakakatulog nang hindi nagpapakalango sa alak.

Nakumbinse siya ng matalik na kaibigan na magbakasyon sa isang beach resort ngunit imbes na magpahangin ay nakakulong lamang siya sa kuwarto. Mabuti na lamang at may malaki itong balkonahe na may magandang tanawin kaya’t nasayaran pa rin ng sariwang hangin ang balat ng biyudo.

Advertisement

“Napakadaya mo!!! Dapat ay sinama mo na lamang ako riyan, Rose! Hindi ko na kaya!” sabay akmang tatalon na si Jon mula sa ika-limang palapag ng tinutuluyang beach resort.

“Sir!!! Sir!!! Maghunos dili ho kayo, sir! Hindi rin ho kayo matitigok diyan, sir! Nasa 5th floor lang ho kayo. Maaaring mapilay lang kayo habangbuhay pero malabo rin dahil malambot ho ang buhangin dito kaya nga dinadayo kaming palagi ng mga taga-Maynila,” tila natatarantang sigaw ng isang babae.

Parang baliw na humagalpak sa katatawa ang lango sa alak na si Jon sa narinig.

“Wooooh! Ilang taon na ba akong hindi humahalakhak nang ganito!? Pu**** I**! Ang sarap pala talagang humalakhak! Nakakamiss din pala!” Sabay hagulgol at bulahaw naman nito ng iyak.

Alalang-alala ang dalagang si Camille sa natunghayan at wala itong nagawa kundi lapitan at yakapin ang ‘di kilalang lalaki. Habang palapit nang palapit ang mga mukha nila sa isa’t-isa ay tila pamilyar ang mukhang iyon sa dalaga.

Hinding-hindi niya malilimutan ang lalaking iyon. Agad niyang binuksan ang suot nitong polo at nang makita ang malaking peklat sa tiyan at dibdib ng lalaki ay nanlaki ang mata ni Camille.

“Sir Mikel! Ang aking bayani!!! Naaalala niyo pa ba ako? Ako po si Camille Suarez! ‘Yong niligtas ninyo sa sunog eksaktong sampung taon na ang nakalipas! Ngayon ang 10th birthday ko kasi second life ko na!” tuloy-tuloy sa pagkukuwento ang dalaga ngunit nakatulala lamang sa mukha niya ang kausap.

Sa loob-loob ni Mikel ay hindi ito makapaniwala sa nasisilayan. Ang dalagitang iniligtas niya sa sunog sampung taon na ang nakalipas ay nasa harap niyang muli ngayon at ito naman ang nagligtas sa kaniyang buhay. Nag-iba ang tibok ng puso ni Mikel at sa kalasingan ay popormang hahalikan nito ang dalaga. Agad naman siyang natauhan nang bigyan siya nito ng isang malakas na sampal sa kanang pisngi.

Advertisement

“Sir! May asawa kayong tao. Ayoko sa lahat ay mga taong taksil gaya ng papa ko! At isa pa…”

“Wala na si Rose… Walong taon na akong biyudo… Patawarin mo ako, nadala lang ako ng damdamin ko,” malungkot na saad ni Mikel.

Kitang-kita naman ni Camille ang lungkot sa mga mata ng lalaki. Hindi niya maikakailang guwapo ito kahit may edad na at maganda pa rin ang hubog ng katawan nito. Siguro’y dahil na rin sa pagiging bumbero nito kaya’t batak ang kaniyang katawan.

Lumipas ang ilang lingo at tila hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Tila nahuhulog na ang loob nila sa isa’t-isa.

24 anyos si Camiille at 38 anyos naman si Mikel. Bagay na hindi naman naging hadlang upang matapos ang ilang linggo’y sagutin na ni Camille ang binata.

“Mahal ko, masaya ako at sa wakas ay malaya ka na sa kalungkutan… Malaya ka na, mahal ko… Maging masaya ka nang muli…”

Tumutulo ang luha ni Mikel nang magising ngunit may kasama iyong mga matatamis na ngiti.

Sa ayaw at sa gusto natin, may mga nawawala at may mga kusang dumarating sa ating buhay. Maaaring abutin ng matagal na panahon ngunit kung para sa atin ang isang tao o isang bagay ay Diyos na mismo ang gagawa ng paraan upang maisakatuparan iyon.