Inday TrendingInday Trending
Dahil Mas Mahalaga sa Babae ang Trabaho ay Idinispatsa Niya ang Sanggol sa Kaniyang Sinapupunan; Nilayasan Tuloy Siya ng Kaniyang Mister

Dahil Mas Mahalaga sa Babae ang Trabaho ay Idinispatsa Niya ang Sanggol sa Kaniyang Sinapupunan; Nilayasan Tuloy Siya ng Kaniyang Mister

May usapan nang gabing iyon sina Susan at Bobby na magkikita sa sila sa isang restawran subalit hindi ang lalaki ang dumating.

“Para sa inyo po, ma’am. Ipinabibigay po ng inyong mister,” sabi ng binatilyong mensahero. May iniabot itong pumpon ng mga bulaklak sa kaniya.

Ang ibinigay sa kaniya ay mga pulang rosas. Ito ang laging ipinapadala sa kaniya ni Bobby, paborito niya kasi ang bulaklak na iyon. Pero imbes na saya ay lungkot ang dulot nito.

“Bobby, ikaw ang gusto kong kasalo sa gabing ito. Ano ang silbi ng mga bulaklak na ito kung wala ka naman,” sabi niya sa isip hanggang sa bumalik sa kaniya ang alaala ng nakaraan.

Dalawang taon na silang mag-asawa ni Bobby. Noon, akala niya, lahat ng aspeto ng relasyon nila ay perpekto pero mali ang akala niya.

“Noong nakaraang birthday ko, hindi rin siya dumating, ngayon ay hindi pa rin niya ako sinipot. Talagang tinitikis niya ako,” naluluhang sabi niya sa sarili.

Alam niyang nag-ugat ang lahat nang minsang mapag-usapan nila ang kaniyang trabaho.

“Mabuti pa, honey ay mag-resign ka na sa kumpanyang iyong. Established na naman ako at wala naman tayong problema sa pera, kaya kitang buhayin. Huwag ka nang magtrabaho, dito ka na lang sa bahay,” sabi ng mister niya.

“H-ha?” gulat na sabi niya.

Pitong taon siyang naghintay upang mapakasanya ang posisyon bilang manager sa pinapasukan niyang kumpanya tapos ngayon, sa isang iglap ay pinagre-resign siya ng asawa niya.

“H-Honey, huwag na muna. Wala pa naman tayong baby eh. Saka ang tagal kong inintay ang posisyong iyon. Hindi ko basta-basta mabibitawan,” sagot niya.

“Pero honey, ang gusto ko’y maging plain housewife ka na lang. Ako ang lalaki, ako lang dapat ang magtatrabaho sa atin. Stable na naman ako, hindi mo na kailangang magtrabaho pa,” giit ni Bobby.

“Ngunit iba ang naibibigay na kasiyahan sa akin ng career ko,” aniya.

Kaya, siya pa rin ang nasunod kahit alam niyang tutol ang kaniyang mister.

“Importante sa akin ang trabaho ko, hindi ako papayag na basta na lang ito mawala sa akin,” sambit niya sa sarili.

Isang araw, habang abala siya sa mga ginagawa niya sa opisina ay bigla siyang napahawak sa kaniyang magkabilang sentido.

“N-nahihilo ako…”

Biglang dumagundong ang kaba sa kaniyang dibdib. Dumating na ang kinatatakutan niya.

“Oh, no…not now, please!” sambit niya sa isip.

Nagpatingin siya sa doktor at kumpirmado nga, nagdadalantao na siya.

“Makakasira ang batang ito sa career ko. Hindi pa ako handang magka-anak. Kasalanan ito ni Bobby, eh, kundi siya naging mapilit ay hindi sana ako mabubuntis,” inis na sabi niya. “Hindi maaaring manatili ito sa sinapupunan ko, hindi! Hindi pa sa ngayon,” saad pa niya.

Hindi niya inasahan na magbubunga ang isang gabing iyon. Pinayagan niya ito dahil akala niya’y ‘safe’ siya ng araw na iyon pero hindi pala. Ang totoo’y ayaw pa niyang magbuntis dahil hindi pa siya sawa sa pagiging career woman. Inilihim niya kay Bobby ang kaniyang pagdadalantao, ayaw niyang makaapekto ito sa trabaho niya kaya isang desisyon ang naiisp niya. Nagawa niyang ipal*glag ang dinadala niya para wala na siyang alalahanin pa pero wala talagang lihim na hindi nabubunyag, isang gabi…

“Oh! ang s-sakittt…”

“Anong nangyayari sa iyo, honey?” nag-alalang tanong ni Bobby nang makitang namimilipit siya sa sakit sa tiyan.

Dinala siya nito sa ospital at…

“You lied to me! Dinaya mo ako, Susan! Sinadya mong ipal*glag ang anak natin nang dahil sa ambisyon mo!” singhal nito sa kaniya.

“P-patawarin mo ako, Bobby,” sagot niya na hindi makatingin ng diretso sa mister.

Sa tindi ng galit nito ay…

“Mabuti pang maghiwalay na tayo, Susan! Now I know that you don’t love me, mahal mo lang ang iyong sarili,” saad pa nito bago tuluyang umalis.

At muling bumalik sa kasalukuyan ang gunita ni Susan. Dalawang taon na ang nakakaraan nang makipaghiwalay sa kaniya si Bobby. Sa tuwing sumasapit ang kaarawan niya’y niyayaya niya itong magkita sila para makapag-usap pero tanging mga bulaklak lang ang ipinapadala nito sa kaniya. Pero kahit ganoon ay masaya na rin siya dahil kahit paano ay pinahahalagahan pa rin siya ng kaniyang mister kahit magkahiwalay sila. Ngayon niya napagtanto na hindi niya dapat isinakripisyo ang relasyon nila bilang mag-asawa.

“O, Bobby…I need you more than anything else,’ naiiyak niyang sambit sa sarili.

Dahil hindi siya sinipot ng kaniyang asawa sa pinag-usapan nilang lugar, wala syang nagawa kundi umalis sa lugar na iyon at umuwi na lang sa bahay.

“Hindi na niya talaga ako mapapatawad. Deserve ko naman ito, eh ako naman ang may kasalanan. Napakasama kong tao, napakamakasarili ko. Nararapat lang akong magdusa,” naiiyak na sabi niya.

Maya maya ay may kumatok sa pinto. Ipinagtaka niya dahil wala naman siyang inaasahang bisita. Nang buksan niya ay laking gulat niya.

“B-Bobby! N-nagbalik ka?”

Nasa harap niya ngayon si Bobby. Hindi pa rin nagbabago ang hitsura nito, napakaguwapo pa rin ng mister niya.

“Hindi ka pa rin nagbabago, napakaganda mo pa rin gaya nang una tayong magkakilala,” anito.

“B-Bobby…patawarin mo ako. Hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko pa rin ang ginawa ko sa baby natin. Hanggang ngayon ay inuusig pa rin ako ng aking kunsensiya, habang buhay ko na itong dadalhin,” sagot niya saka hindi na niya napigilang humagulgol.

Niyakap siya ni Bobby.

“Patawarin mo na ang iyong sarii, Susan. Kung anuman ang nangyari ay ibaon na natin sa limot at magsimula tayong muli. Hindi ko pala kaya na habang buhay ka tikisin at bigyan lang ng mga bulaklak. Kailangan kita sa buhay ko, mahal pa rin kita. Maaari pa rin naman tayong magkaanak ulit,” sambit ng lalaki.

“Salamat, Bobby, salamat.”

Hindi na sinayang pa ni Susan ang ikalawang pagkakataon na ibinigay sa kaniya ni Bobby. Nag-resign siya sa trabaho at mas pinagtuunan na lang ng panahon ang pagiging maybahay sa kaniyang asawa. ‘Di nagtagal ay muli siyang nagdalantao. Iningatan na niya ang sanggol sa kaniyang sinapupunan at nang isilang niya ito’y naging isa siyang mabuti at ulirang ina.

Advertisement