Inday TrendingInday Trending
Binalak ng Kabit na Tuluyang Mawala ang Legal na Asawa ng Lalaki Para Siya na ang Bida; Iyak Siya Nang Tumalbog sa Kaniya ang Karma

Binalak ng Kabit na Tuluyang Mawala ang Legal na Asawa ng Lalaki Para Siya na ang Bida; Iyak Siya Nang Tumalbog sa Kaniya ang Karma

Wala pang isang taon sina Angie at ang kinakasama niyang si Julio. Ang totoo ay kabit lang siya ng lalaki, inakit lang niya ito sa tunay nitong asawa. Mayroong tatlong anak si Julio, ang panganay ay dose anyos, ang ikalawa ay siyam na taon at ang bunso ay pitong taon. Ang misis naman nito ay mahina ang ulo at probinsyana. Madali niyang nalandi ang lalaki dahil siguro losyang na ang asawa nito at wala nang kwenta sa kama kaya ipinagpalit sa isang tulad niya.

Tuwang-tuwa nga si Angie dahil napakasuwerte niya kay Julio dahil mayaman ito, lahat ng luho niya ay naibibigay nito. Mas lalong lumaki ang ulo niya nang itira siya nito sa townhouse na bagong bili lang ng lalaki. Grabe, ang lakas niya talaga rito, ibinili pa siya talaga ng townhouse! Ang haba ng hair niya, ‘di ba?Pero hindi pa rin siya kuntento du’n, naghahangad pa siya ng mas higit pa. Ang gusto niyang mapasakanya ay ang mansyon ng lalaki at ang kumpanya nito. Nanggigigil nga siya dahil mukhang mahihirapan siyang makuha ang gusto niya dahil sa mansyon nakatira ang asawa nitong si Gracela at ang tatlong anak. Ang babae rin ang namamahala sa kumpanya kaya nagpupuyos siya sa galit.

“Ang kapal ng mukha nung babaeng iyon! Nasa kaniya na nga ang kumpanya, gusto niya sa kaniya pa rin ang mansyon ni Julio. Naaawa lang naman sa kaniya ang darling ko kaya hanggang ngayon naroon pa rin sila ng mga anak niya, kung tutusin wala siyang panama sa akin dahil ako na ang inuuwian ng mister niya,” mataray na sabi niya sa kumareng kausap sa brand new na selpon na kabibili lang ng lalaki para sa kaniya. Nauto na naman niya kasi ito, nilambing niya ito para bilhan siya ng bagong selpon.

“So, eh, anong balak mo, mare? Kahit anong gawin mo, siya pa rin ang legal na asawa at kabit ka lang. Sa iyo man umuuwi ang mister niya, kasal pa rin sila at siya ang higit na mas may karapatan sa lahat ng ari-arian ni Julio lalo pa at may mga anak sila,” sagot ng babae sa kabilang linya.

“T*ngina mo! Kanino ka ba kampi? Bwisit ka, wala kang kwentang kausap,” inis na sabi niya saka binabaan na niya ito ng tawag.

Pero kahit banas sa kausap ay may nabuo namang ideya sa utak niya upang tuluyang maangkin ang mga pag-aari ni Julio. Pupuntiryahin niya ang mga anak nito kay Gracela. Kailangang mahulog sa kaniya ang loob ng mga ito at kapag nangyari iyon mas lalong mahuhulog sa kaniya si Julio at tuluyan na nitong hihiwalayan ang misis. Magpa-file ito ng annulment kay Gracela at siya na ang papakasalan. Sa naisip niyang iyon ay tiyak na siya na ang magiging reyna.

Unti-unti niyang ginawa ang kaniyang plano. Kinaumagahan ay kinausap niya si Julio.

“Gusto mong dito tumira sa atin ang mga anak ko?” gulat nitong sabi.

“Oo, bakit hindi? Ayaw mo no’n, mas mapapalapit sila sa iyo at wala naman problema iyon sa akin dahil para ko na ring silang mga anak,” sagot niya na puno ng pagkukunwari.

Madali niyang napapayag ang lalaki. Dahil bihira na nitong makita at makasama ang mga anak ay pinakiusapan nito ang asawa na magbakasyon muna ang mga ito sa kanila. Dahil uto-uto naman ang misis ay pumayag naman ito.

Nang nasa poder na nila ang mga bata ay maayos ang pakikitungo niya sa mga ito at inaalagaan din niya, pero ang totoo ay puro kaplastikan lang ang ipinapakita niya sa mga anak ng kinakasama. Kapag nagtagumpay na siya na mapaghiwalay ang mag-asawa ay saka niya babawian ang mga anak nito. Lagot ang mga ito sa kaniya.

Unti-unti namang napapalapit ang mg bata kay Angie. Siyempre ang galing niyang mambola, kunwari ay mabait siyang stepmother kaya unti-unti ring naiitsapwera ang tunay na ina ng mga ito. Kaunti na lang ay maagaw na niya ang mga anak ni Gracela.

Isang araw, habang nag-aalmusal sila ay naisipan niyang isakatuparan na ang unang hakbang sa plano niya. Lalambingin na niya si Julio sa harap ng mga ito. Malakas ang loob niya dahil alam niyang nakuha na niya ang puso ng mga bata.

“Darling, siguro naman pwede na tayong alam mo na…baka pwede na tayong magpakasal?” tanong niya.

“A-ano?!” gulat na sabi ng lalaki.

“Matagal na naman kayong hindi nagsasama ni Gracela, ‘di ba? Baka naman pwede ka na mag-file ng annulment? Hayaan mo na siyang lumigaya sa piling ng iba, ako na ang tatayong ina ng inyong mga anak. Tayong dalawa ang gagabay sa kanilang paglaki,” plastik na sabi niya. Nagpaalam naman si Julio sa kaniya na may aasikasuhin kaya maaga itong umalis. Siguro ay tungkol sa annulment ang aasikasuhin nito.

Hindi umimik si Julio, biglang napaisip saka tumayo sa hapagkainan. Wala ring reaksyon ang mga anak nito na nakatingin lang sa kaniya. Ibig sabihin ay hindi kontra ang mga ito kung magpapakasal na sila ng lalaki.

“Mukhang tagumpay ang plano ko,” sambit niya sa isip. Tuwang-tuwa siya at lihim na nagdiriwang dahil malapit na niyang mapatalsik sa buhay ni Julio at ng mga anak nito si Gracela. Pagkatapos ng annulment, natitiyak niyang pati sa kumpanya ng lalaki ay mapapalayas niya ang babae at siya na ang ipapalit sa posisyon nito.

Nang sumunod na gabi ay kinausap siya ni Julio, sinabi nito na may sasabihin itong importante sa kaniya. Sh*t, ito na ang pinakahihintay niya, yayayain na siya nitong pakasal!

“Goodbye, Gracela! Ako na ang bagong reyna!” nakangisi niyang sambit sa isip.

Pero kailangan bago siya kausapin nito ay maghanda muna siya. Dapat ay maganda siya, susuotin niya ang pinakabago niyang damit. Sigurado kasing magpo-propose na ito sa kaniya. Sabik na nga siya sa ibibigay nitong singsing.

“Grabe! This is it! Ako na yata ang pinakamagandang bride sa taong ito,” wika pa niya sa isip habang nagme-make up at nagpapahid ng lipstik sa labi. Nagwisik pa siya ng imported na pabango sa sarili para mas lalo sa kaniyang mainlab si Julio.

Paglabas ng kwarto ay bonggang-bongga ang suot niya, hindi maaaring hindi siya nakaayos sa proposal na magaganap. Mabuti na lang at tulog na ang mga anak ng lalaki para walang istorbo sa kanila.

Hinarap na siya ni Julio.

“Angie, mayroon akong sasabihin sa iyo,” seryosong sabi nito.

“Y-yes, darling, what is it?” ‘di makapaghintay na sabi niya. “Sige na, sabihin mo na, darling, na magpo-propose ka na sa akin tonight,” aniya pa.

“P-pasensya na, p-pero hindi iyon ang gusto kong sabihin sa iyo, Angie. Patawad pero hindi kita pwedeng pakasalan, na-realize ko na mahal ko pa rin ang asawa ko. Maling-mali itong ginagawa natin, hindi na ito tama. Pati tuloy mga anak ko’y idinamay pa natin sa kalokohang ito,” pagtatapat ni Julio.

“W-what?!”

“S-sorry kung pinaasa kita, Angie. Minahal din naman kita, pero mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko kay Gracela. Nagkamali ako na pumatol ako sa iba, hindi ko naisip na napakabuting babae ng aking asawa. Hindi ko rin kaya na makita siyang umibig pa sa ibang lalaki. Saka sabi ng mga anak ko’y ang mama pa rin nila ang gusto nilng maging ina, mahal na mahal nila si Gracela at wala raw ibang maaaring pumalit sa kaniya. Mula ngayon ay itatama ko na ang lahat, babalikan ko na siya at tatapusin ko na ang relasyon natin. Hangad ko ang kaligayahan mo, Angie. Hayaan mo, lahat ng ibinigay ko ay iyung-iyo na,” saad pa ni Julio na ‘di na napigilang maluha sa sobrang pagsisisi.

Ginising nito ang mga anak at nagmadaling umalis sa lugar na iyon para balikan ang asawa.

Sa sobrang pagkapahiya ay hindi na nakapagsalita pa si Angie. Hindi na rin niya napigil ang luhang kumawala sa mga mata niya. Tumalbog sa mukha niya ang masama niyang plano, sa asawa pa rin pala nito babalik ang lalaki at siya na kabit lang ay iniwan din.

Nagmaakaawa naman si Julio kay Gracela na tanggapin pa siya nito sa kabila ng mga kasalanan niya, pero sadyang may busilak na puso ang babae at pinatawad siya nito. Mahal na mahal pa rin siya ng kaniyang asawa kaya tinanggap pa rin siya nito nang buong-buo. Tuwang-tuwa naman ang kanilang mga anak dahil buo na uli ang kanilang pamilya. Nangako rin si Julio na babawi sa misis na tinupad naman nito. Mula noon ay naging masaya na ulit ang pagsasama nila at hindi na nanggulo pa si Angie na balita nilang nagpakalayu-layo na.

Advertisement