Nagbitiw ang Lalaki sa Kaniyang Trabaho Dahil sa Kaniyang Plano; Ano Kaya ang Balak Niyang Gawin sa Buhay Niya?

Nagbitiw ang Lalaki sa Kaniyang Trabaho Dahil sa Kaniyang Plano; Ano Kaya ang Balak Niyang Gawin sa Buhay Niya?

InspiringStoriesSuccess

“Ipinagpalit mo trabaho mo para mag-online business?”

“Ano ka ba naman? Malaki na suweldo mo sa kompanya ah?”

“Nahilo ka ba? Wala kang future diyan!”

Hindi na siguro mabilang ni Jaime, 27 taong gulang, kung ilan na ang mga katrabaho at kakilalang nagsabi sa kaniyang sayang ang ginawa niyang pagbibitiw sa kaniyang trabaho, gayong malapit na siyang ma-promote at mabigyan ng leadership position. 

young businessman working in co-working space - asain office man stock pictures, royalty-free photos & images

Lalo silang nagulat nang malaman nila ang dahilan niya. Online business.

“Jaime, kung tatanggapin mo ang offer ni Boss na gawin kang Junior Vice President, tiyak na tiba-tiba na ang suweldo mo. Huwag mo na palagpasin ang pagkakataon,” sabi sa kaniya ng kasamahang si Frederick. 

“Oo nga, pare. Sugal ang gagawin mo sa online business na iyan. Saka ako nga oh, sana sa akin na lang inalok ‘yang promotion, sunggap talaga sa akin ‘yan. Isa pa, matagal ka na sa kompanya ‘di ba?” takang tanong naman sa kaniya ni Andrei. 

Gusto na sanang i-record na lang ni Jaime ang kaniyang sasabihin at i-play na lamang para sa mga paulit-ulit na nagtatanong sa kaniya. 

“Wala naman masama kung gusto ninyong manatiling employees. Okay naman sa kompanya natin. Pero guys, hindi ito yung ginusto kong maging para sa sarili ko. Gusto ko, maging boss ng sarili kong kompanya. At naniniwala akong kayang-kaya ko. Gutom ako sa mga bagay na gusto ko pang makamit sa sarili ko, at hindi ako natatakot na sugalan ito,” paliwanag ni Jaime sa mga katrabaho na naging kaibigan na rin niya. 

“Anong sabi ng mga magulang mo? Hindi ba breadwinner ka?” tanong ni Frederick. 

“Okay lang naman sa kanila. Tanggap nila. Nagpaalam ako. Gawin ko raw yung magpapasaya sa akin. It’s about time for myself,” sagot ni Jaime. 

Kaya walang nagawa ang kaniyang boss nang mabalitaan nito mula sa HR Department na nagpasa na siya ng letter of intent to resign. Agad siya nitong pinatawag at kinausap; hinilot, baka sakaling magbago ang isip niya. 

“Jaime, alam mo namang ikaw ang understudy ko hindi ba? Paano naman ako aalis niyan dito sa kompanya kung uunahan mo ako? Ikaw nga ang napipisil kong successor,” hinayang na hinayang na sabi ng kaniyang boss sa kaniya. 

pensive businessman looking through window in office - asain office man stock pictures, royalty-free photos & images

Napakamot na lamang ng ulo si Jaime. “Sir, kailangan ko po itong gawin. May mga gusto pa po akong patunayan sa labas ng ating kompanya. Huwag po kayong mag-alala, hindi ko naman po kakalabanin ang kompanyang ito.”

“Ano bang balak mo? Ano bang gusto mong posisyon? Siyempre, huwag lang ang sa akin, hindi pa panahon at narito pa ako.”

“Gusto ko po ang posisyon ng may-ari ng kompanyang ito,” walang kagatol-gatol na sagot ni Jaime sa kaniyang boss. Natawa naman ito. Napailing. 

“Taas ng pangarap mo ah? Kaya mo ba? Sa negosyo, kailangan may resources ka. You should have known. Hindi ka puwedeng sumabak na wala kang bala…”

“Nakapaghanda na po ako, sir. Matagal ko na pong pinag-ipunan ang mga gagawin ko. Hindi po ako aalis dito kung hindi po ako handa. Sana po maunawaan po ninyo ang sitwasyon ko.”

Wala na talagang nagawa ang boss ni Jaime kundi ang pahintulutan na nga siyang umalis. Hindi malilimutan ni Jaime ang sinabi nitong baka dumating ang araw na magmamakaawa pa si Jaime sa kanila para bumalik siya, lalo na kapag hindi nagtagumpay ang balak niyang magtayo ng sariling online business. 

Ipinangako ni Jaime sa kaniyang sarili na hinding-hindi mangyayari iyon. 

Pagkatanggap niya ng kaniyang back pay, sinimulan na niya ang pagtatayo ng kaniyang online business. Hindi naging madali ito, subalit dahil marami siyang kakilala at koneksyon, marami ang nagbigay ng payo sa kaniya. 

Ano nga ba ang online business na gusto niyang itatag?

Gusto niyang magtayo ng isang online coaching para sa mga taong naghahangad na magtayo rin ng sariling kompanya, o mabilis na mapromote sa kanilang mga trabaho. Ito ay “high-performance coaching” na hindi lamang target o market ang mga Pilipino, kundi maging ang iba pang mga lahi sa iba’t ibang panig ng bansa. 

Sa unang taon nang kaniyang negosyo ay aminado siyang hindi madaling makilala, subalit dahil sa kaniyang pagtitiyaga at kasalukuyang sitwasyon, nagtiyaga si Jaime na maialok ang kaniyang coaching program para sa in-service training ng iba’t ibang mga kompanya. Marami ang nagtiwala sa kaniya. Makalipas ang tatlong taon, dumami na nga ang mga coaches at trainers ni Jaime. Natupad niya ang kaniyang pangako sa sarili na maging CEO ng sariling kompanya. 

Hanggang sa nagulat siya dahil ang dating kompanyang kaniyang pinagtrabahuhan ay kumuha na rin ng kanilang serbisyo para sa training program ng kanilang mga empleyado, na kailangang gawin kada taon. Proud na proud ang mga dating katrabaho, ang dating boss, at ang may-ari ng kompanya sa napakalaking pagtatagumpay na nagawa ni Jaime sa kaniyang buhay. 

Makalipas ang halos limang taon, may sariling bahay, lupa, kotse, at mga properties na si Jaime. Hawak niya ang kaniyang oras, at wala siyang iniintinding boss, dahil siya ang boss. Malaya niyang nagagawa ang mga gusto niya.

portrait of a japanese businessman using his laptop - asain office man stock pictures, royalty-free photos & images

Sabi nga, kapag may tiyaga, may nilaga. At pinatunayan iyan ni Jaime. 

More Stories