Nilait ng Babaeng Ito ang Manliligaw Niyang Hayskul Lamang ang Natapos at Serbidor Lamang sa Isang Karinderya; Pagsisihan Kaya Niya Ito?

Para kay Jose, isang serbidor sa isang karinderya, isang ‘dream girl’ si Alexandra na naka-match niya sa isang dating app. Alam niyang nag-aaral ito sa kolehiyo, habang siya naman ay nasa Ikaapat na Taon lamang ng hayskul at tumigil na sa pag-aaral. Simple lamang kasi ang kaniyang pangarap.

Masaya na si Jose na may kinakain sa pang-araw-araw. Paminsan-minsan, nakakapaglibang. Nakakabili ng damit. Nakakapagsugal kapag naisipan. Hindi na niya pinangarap pang makapagkolehiyo. Katwiran niya, basta madiskarte sa buhay, kayang-kayang magkapera.

Hanggang nga sa magkakilala sila ni Alexandra. Palibhasa ay may hitsura naman talaga si Jose kaya walang babae na hindi mabibighani sa kaniya sa dating app.

Nasanay na si Jose na laging siya ang nagtatanong, nangungumusta, bumubuhay sa kumbersasyon nila ni Alexandra sa araw-araw. Naging tapat naman siya rito sa pagsasabing hindi siya nakatapos ng pag-aaral at isa lamang serbidor sa isang karinderya, at may iba pa siyang mga raket gaya ng pagiging kargador sa palengke, o iba pang trabaho na kaya naman niyang gawin.

Simula noon ay napansin ni Jose na para bang tinabangan pang lalo si Alexandra na tumugon sa kaniyang mga mensahe. Minsan nga ay ‘K’ lang ang ipinadadala nitong tugon sa chat, kahit na ang haba ng kaniyang mga naibahagi.

Ngunit ayaw sumuko ni Jose. Kahit palagay niya ay wala namang interes sa kaniya si Alexandra, nagtiyaga lamang siya. Hanggang isang araw, sinabihan niya ito na sana ay magkita na sila.

“Libre mo ba?” tanong nito.

“Oo, sagot ko.”

Advertisement

“Baka nama sa karinderya n’yo lang ako papakainin ha?”

Bahagyang nasaktan si Jose ngunit iwinaksi niya ito. Mukhang papayag na si Alexandra na makipagkita sa kaniya.

“Hindi. May pera naman ako. Ako’ng bahala sa iyo.”

Pumayag si Alexandra. Tuwang-tuwa naman si Jose. Pinaghandaan niya ito. Kahit hindi naman siya mayaman o nakatapos ng pag-aaral, ang maipagmamalaki niya talaga ay ang taglay na kagwapuhan. Mainam din naman siyang manamit kaya hindi naman mapapahiya sa kaniya si Alexa.

At nagkita na nga sila ni Alexa. Dinala niya ito sa isang restaurant. Bukod doon ay nanood din sila ng sine.

Simula noon ay lagi na silang nagkikita, lalo na kapag nag-aaya si Jose. Lahat ng gastos sa pagkain ay sagot lahat ng binata. Mabuti na lamang at may ipon siya.

Napapansin ni Jose kapag chat lamang ang ginagawa niya, madalang sumagot si Alexandra. Subalit kapag inaya na niya ito sa labas para kumain, pumapayag naman ito.

Hanggang sa magkandautang-utang na si Jose para lamang magkaroon ng pera at maayang lumabas si Alexandra. Syempre, nauubos din naman ang ipon niya dahil may mga pangangailangan din siyang kailangang bilhin.

Advertisement

Sweet si Alexandra sa kaniya kapag sila ay nasa labas. Nagkukwentuhan sila, tawanan, ‘getting to know each other’ ‘ika nga nila sa Ingles. Akala niya ay magtutuloy-tuloy na iyon.

Tama. Isang malaking akala.

Inakala ni Jose na gusto na rin siya ng dalaga. Kaya isang gabi, nagtangkang magtanong si Jose kung may pag-asa ba siya sa dalaga.

“Alam mo namang gustong-gustong kita, Alexandra. May pag-asa ba ako sa iyo?”

“Ha? Pag-asa? Pag-asang ano?” tanong nito.

“Pag-asa sa iyo. Na maging tayo…”

Pinadalhan siya ng “HAHAHAHAHA” nito.

“Bakit tawa lang? Akala ko kasi nagugustuhan mo na rin ako kasi sweet ka sa akin kapag magkasama tayo…”

Advertisement

“Don’t get me wrong, Jose. I find you nice, kind, and attractive, but I don’t see myself having you as my future partner,” wika nito na nasa wikang Ingles pa.

“Alexandra, huwag mo na ako Inglisen kasi wala naman akong pinag-aralang mataas na kagaya mo ngayon, Tagalugin mo na lang dahil hindi ako makakasabay sa iyo. May mali ba sa akin?”

“Oo. Ayoko namang sabihin ng mga kaibigan at pamilya ko na ang magiging boyfriend ko ay walang pinag-aralan. Ayoko naman na sa isang serbidor lamang bumagsak ang ganda ko. Pasensya ka na, pero pakikipagkaibigan lang talaga ang hangad ko. Saka… masarap kasi ang libre.”

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Jose.

Kaya lang pala sumasama at pinauunlakan siya ni Alexandra ay dahil sa panlilibre niya.

Nasaktan siya sa mga sinabi nito.

Hindi na niya tinugon ang huling mensahe nito. Bukod doon, siya na rin mismo ang nag-unmatch dito sa dating app.

Lubhang nakaapekto kay Jose ang mga sinabi ni Alexandra. Nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. Tanggap niya naman ang sitwasyon niya, subalit ngayon lamang niya naranasang may ‘sumampal’ sa kaniyang mukha ng isang katotohanan.

Advertisement

Ang masakit pa rito, mula pa sa taong mahal na mahal niya.

Ipinasya niyang kalimutan na si Alexandra.

At lumipas ang sampung taon…

“Please come in. Our boss will be conducting the final interview…”

Pumasok na si Alexandra sa hudyat ng sekretarya ng presidente ng naturang kompanya kung saan siya mag-aaplay ng trabaho. Kakahiwalay lamang niya sa mister niya dahil sa pananakit nito.

Napatda si Alexandra sa kaniyang kinatatayuan.

Ang lalaking magsasagawa ng pinal na panayam sa kaniya…

Ang presidente ng kompanya… isang pamilyar na mukha…

Advertisement

Walang iba kundi si Jose.

Ni hindi man lamang ito nagulat nang makita si Alexandra.

“Have a seat, Miss Lopena.”

Tila mabigat ang mga paa na tumalima naman ang separada. Naupo na siya. Mas lalong gumwapo si Jose sa bikas nito. Maraming mga tanong na umiikot sa kaniyang ulo. Gusto niyang tanungin ang binata kung paano nito nakamit ang posisyong iyon gayong sa huling pagkikita nila sampung taon na ang nakalilipas, hayskul lamang ang natapos nito at pagiging serbidor ang trabaho.

Matapos ang propesyunal na panayam nito sa kaniya na para bang hindi siya kilala, naglakas-loob na si Alexandra na tanungin si Jose.

“P-Paanong… p-paanong nangyari ito, s-sir… paano mong naabot ang posisyon na ito?”

Ngumiti naman si Jose.

“Well… maraming salamat sa iyo noon dahil naipamukha mo sa akin ang mga pagkukulang ko. Napag-isip-isip ko na marami pa akong kapasidad, na maaari pa akong umunlad. Tapos naman ako ng hayskul kaya nakapagkolehiyo ako. Nakatapos, nagsipag, nangarap. Kaya heto ako ngayon, pinagkatiwalaan ng may-ari ng kompanya at ginawang presidente. Oo nga pala, kapatid ng may-ari ng kompanya ang misis ko,” at tumayo na si Jose. Inilahad ang kaniyang kanang kamay kay Alexandra.

Advertisement

“Welcome aboard, Miss Lopena. You may proceed to my secretary’s desk and ask for the list of requirements that you have to submit before you start working. Goodluck.”

Hindi makapaniwala si Alexandra na ang lalaking nilait niya noon, makalipas ang 10 taon, ay presidente na ng kompanya, at magiging boss niya. Napatunayan niyang sadyang bilog ang mundo.