Inday TrendingInday Trending
Isang Araw ay Ipinatawag ng Boss ang Kaniyang Mahusay na Sekretarya at Binilinan Ito, Bagay na Ikinagulat Niya; Bakit Kaya?

Isang Araw ay Ipinatawag ng Boss ang Kaniyang Mahusay na Sekretarya at Binilinan Ito, Bagay na Ikinagulat Niya; Bakit Kaya?

“Alice, may I talk to you for a moment…”

Agad na itinigil ng executive secretary na si Alice ang kaniyang pagta-type ng mga report sa kaniyang desktop computer. Antimanong kinuha ang maliit na notebook at ballpen.

Tumayo at saglit na sumulyap sa kaniyang salamin sa mesa. Nagtungo siya sa kaniyang boss na si Mr. Ledesma, ang may-ari ng kompanyang kaniyang pinagsisilbihan.

“Yes po sir?” tanong ni Alice.

“Have a seat. Magbibilin lamang ako sa iyo,” sagot ni Mr. Ledesma. Sa lahat ng mga naging sekretarya ni Mr. Ledesma, si Alice lamang ang nagtagal sa kaniya. Sa loob ng limang taon, namalas na ni Mr. Ledesma kung gaano kagaling sa clerical work at problem solving si Alice.

Minsan, may naiisip itong mga solusyon na hindi man lamang sumagi sa kaniyang isipan, na nang ikonsidera niya, ay maganda naman ang kinalabasan. Sa madalas na pagkakataon din ay hindi pa niya iniuutos ay nagagawa na nito. Napaka-epektibo at episyente.

Isa pang nagustuhan niya rito, kalmado lamang ito. Marunong ito sa tinatawag na “grace under pressure.” Hindi pa niya ito nakitang nataranta.

“What are my scheduled meetings or appointments for tomorrow?” tanong ni Mr. Ledesma. Agad na binuklat ni Alice ang kaniyang notebook na kinalalagyan ng mga schedule at appointments ng kaniyang boss.

“So far sir, bakante po pala ang schedule ninyo tomorrow. May gusto po ba kayo ipalagay?” tanong ni Alice.

“No, no. That’s perfect, actually. Alice, I will be having my vacation leave starting tomorrow. Siguro mga one week ako mawawala, perhaps? May mga kailangan lang akong asikasuhin personally, so… I want you to take over my place muna,” saad ni Mr. Ledesma.

Napasulyap si Alice. Tiniyak ang mga narinig mula sa kaniyang boss.

“Sir? Take over your place? What do you mean by that, sir?” paglilinaw ni Alice.

“I want you to take over habang wala pa ako. Preside a board meeting by tomorrow. I-discuss mo sa board ang mga plans na inilatag ko, na sinabi ko sa iyong i-collate mo noong nakaraan. Talakayin mo sa kanila ang mga plano ko sa kompanyang ito for the next 5 years of its existence. Ikaw ang gusto kong mag-discuss sa kanila. And I want you to include your suggestions. Share it with them,” atas ni Mr. Ledesma.

Napalunok si Alice.

“May problema ba, Alice? Sanay ka naman sa board meeting, hindi ba? I’m sure kayang-kaya mo iyan,” saad ni Mr. Ledesma.

“Noted po lahat sir,” nasabi na lamang ni Alice.

Nang gabing iyon, hindi mapakali si Alice. Ngayon lamang siya nabigyan ng task ni Mr. Ledesma na mag-preside ng isang board meeting. Hindi naman bago sa kaniya ang board meeting dahil bilang sekretarya ni Mr. Ledesma, trabaho niya ang itala ang mga nangyayari sa meeting, at inilalagay niya ito sa minutes.

Kaya alam niyang minsan ay nagkakainitan sa meeting na ito, tipong nagkakapersonalan dahil ayaw magpatalo sa mga ideya, subalit nagagawa silang awatin at suwetuhin ni Mr. Ledesma. Malalakas ang personalidad ng mga board members. The best and the brightest ng kanilang kompanya. Kaya ‘di maiwasang matakot at kabahan si Alice.

Subalit ang ending, gumawa pa rin siya ng slides presentation at inilaan ang ilang oras sa pag-eensayo sa harap ng kaniyang malaking salamin sa kuwarto, bago mahiga sa kama at magpahinga.

Kinabukasan, tiniyak ni Alice na hinding-hindi siya papalya. Ayaw niyang ipahiya si Mr. Ledesma sa pagtitiwala nito sa kaniya. Mula sa kaniyang hitsura, pananamit, at postura ay tiniyak niyang kagalang-galang siya. Apat na back-up ang ginawa niya sa slides presentation upang matiyak na magiging maayos ang lahat, at kung sakaling magkakaroon ng technical problems.

Nanginginig man ang tuhod at kinakabahan, hindi ito ipinahalata ni Alice nang humarap na siya sa board. Alam naman ng lahat na mahusay siyang sekretarya, subalit kabado pa rin si Alice. Sinimulan niya ang presentasyon. Nakikinig naman ang mga board members. Maya-maya, nagbigay na sila ng mga tanong, bagay na nasagot namang lahat ni Alice.

Pagkatapos ng kaniyang presentasyon, may biglang pumasok sa board room…

“Sir? I thought you are in a vacation leave?” gulat na gulat si Alice. Nakangiti si Mr. Ledesma gayundin ang mga board members.

“No, Alice. I’m here. Kunwari lang ang vacation leave ko. I’m just watching and witnessing your excellent presentation,” pag-amin ni Mr. Ledesma. Tumingin ito sa bandang itaas ng board room, na sinundan naman ni Alice ng sulyap. Ngayon lang niya napansing may CCTV.

“It was just a test, Alice. Baptism of fire. You have been my secretary for almost five years at masasabi kong ikaw ang pinaka-competent, effective and efficient kong naging sekretarya,” papuri ni Mr. Ledesma.

“Mas kailangan pa ng kompanya ang husay mo sa problem solving skills, and now, I just witnessed your leadership skills. You got it. Kaya naman, I’m promoting you for a new post. You will be one of our Junior Managers! Congratulations!” pagbati ni Mr. Ledesma.

Nagpalakpakan naman ang mga board members na sang-ayon sa kaniyang promotion dahil alam nilang karapat-dapat si Alice na mabigyan ng mataas na katungkulan sa kompanya.

Isang linggo muna ang pinalipas ni Alice upang maturuan ang papalit sa kaniya bilang executive secretary ni Mr. Ledesma. Malilipat na siya ng ibang departamento kaya kailangan daw niyang sanayin ang papalit sa kaniya, na ang bilin ni Mr. Ledesma ay gawin niyang “clone.”

Masayang-masaya si Alice sa kaniyang promotion bilang Junior Manager. Makalipas ang tatlong taon, at naging kasapi na siya ng board member. Siya na ang Vice President for External Affairs.

Tunay ngang kapag likas na mahusay at mapagkumbaba ang isang tao ay mapapansin at mapapansin ito, at tiyak na darating ang mga oportunidad para sa kaniya.

Advertisement