Inday TrendingInday Trending
Laking Pasasalamat ng Ginang na Ito Dahil Isang Mahusay na Cosmetic Surgeon ang Asawa Niya; Ngunit Pagsisisihan Din Niya Ito

Laking Pasasalamat ng Ginang na Ito Dahil Isang Mahusay na Cosmetic Surgeon ang Asawa Niya; Ngunit Pagsisisihan Din Niya Ito

“Here, Magnus. Hindi ka pa ba maniniwala sa lahat ng mga ebidensyang ipinakikita ko sa iyo? Usap-usapan na si Amanda sa alta sosyedad. She is flirting everywhere!”

Nakatiim ang mga bagang ng cosmetic surgeon na si Magnus habang isa-isang tinitingnan ang mga larawan ng kaniyang misis na si Amanda, kasa-kasama ang mga kung sino-sinong lalaki na pawang may sinasabi sa alta sosyedad na kanilang kinabibilangan.

Hindi naman niya masisisi ang mga lalaking nagkakandarapa sa kaniyang asawa. Napakaganda ng pagkakagawa niya rito.

Tama. Siya ang lumikha sa kagandahang-taglay ng kaniyang misis ngayon.

Halos naiba na nga ang orihinal na hitsura ng kaniyang asawa sa dati nitong anyo. Malinaw ang nais ni Amanda na maging kamukha at kahulma siya ng isang diyosa mula sa mitolohiyang Griyego.

“Hon, parang gusto kong panipisan pa ang pisngi ko…”

“Hon, gusto kong ipatangos pa nang husto ang ilong ko…”

“Hon, pakapalin mo naman ang mga labi ko…”

Sa tuwing pagmamasdan ni Magnus ang kaniyang asawa, para siyang tumitingin sa isang obra maestra. Napakaganda nito. Ngunit ang kagandahan nito ay medyo lumalabis na dahil wala na itong ginawa kundi ang dumalo sa iba’t ibang mga pagtitipon.

Higit sa lahat, mahilig itong makipag-usap sa kung sino-sinong lalaki, kahit na alam naman na ng lahat na may asawa na siya.

Minsan na niyang nausisa ang misis tungkol dito.

“Hindi ko gusto ang mga ginagawa mong paglapit-lapit sa mga kung sino-sinong lalaki sa mga piging na pinupuntahan natin, Amanda. Bakit kailangan mong makipagtitigan at papungayin ang mga mata mo sa tuwing tinititigan ka nila?” untag ni Magnus sa misis.

Agad namang hinimas-himas ni Amanda ang dibdib ng mister.

“Hon, wala ka namang dapat ipagselos. Kahit tumingin silang lahat sa akin, kahit makipagtitigan pa sila sa akin nang malagkit, iisang lalaki lamang ang nagmamay-ari sa akin, sa puso ko… at ikaw iyon. Okay? Don’t be bothered and stressed, come on Magnus! Ano pa ba ang dapat mong ika-insecure sa sarili mo? You are one of the top cosmetic surgeons in the Philippines, mayaman ka, makapangyarihan, maraming koneksyon sa alta sosyedad. Hindi mo kasalanan kung sadyang maganda ang misis mo,” at pinapungay nito ang mga mata niya at nilambing-lambing pa ang mister.

“Kahit na. Hindi pa rin magandang tingnan lalo’t alam naman ng lahat na asawa kita. Saka… nagseselos ako… kung maaari lang na ikahon kita para walang ibang lalaking susulyap sa iyo, ginawa ko na,” wika ni Magnus.

“Oh hon… kinikilig naman ako sa sinasabi mo. Pero muli, sinasabi ko sa iyo, wala kang dapat ipag-alala kasi hindi naman kita niloloko. I don’t have any affair. Tapat ako sa ‘yo.”

“Magnus… are you still there?”

At bumalik sa realidad ang naglakbay na guni-guni ni Magnus.

“Salamat Frida sa pagsasabi nito sa akin. Let me handle that woman. Mabait ako pero masama akong magalit, alam mo ‘yan. We’ve been friends ever since…”

“So anong gagawin mo sa asawa mong nagkakalat?” tanong ni Frida.

Hindi kumibo si Magnus. Tinignan n’ya lamang si Frida.

Lubhang nakaapekto kay Magnus ang mga isiniwalat sa kaniya ni Frida. Hindi na siya makapagpokus sa ospital kaya minabuti na lamang niyang umuwi.

Nang umuwi si Amanda ay naabutan niyang umiinom ng whisky ang mister. Humalik si Amanda kay Magnus.

“What’s the matter, hon? May problema ka ba? Why are you drinking?” panunuyo ni Amanda kay Magnus.

“Wala naman… let me just say that I’m celebrating,” wika ni Magnus sabay lagok ng alak.

“Ano naman ang okasyon ngayon, hon? Oh my God, don’t tell me that I missed our anniversary?” itinakip pa ni Amanda ang kaniyang mga kamay sa bibig.

“Hindi… siguro, I’m celebrating because I have a pretty wife like you. Napakasuwerte ko. You are such a masterpiece,” paliwanag ni Magnus sa misis.

Lumapit sa kaniya si Amanda at tumingkayad. “Thanks to you, hon. Ikaw ang gumawa sa akin.”

“Teka, let me see your face again… parang may kailangan tayong ayusin, hon,” wika ni Magnus.

“H-Ha? Bakit? Anong nangyari sa mukha ko?”

Inilabas ni Amanda ang kaniyang salamin mula sa shoulder bag at sinipat-sipat ang mukha.

“Parang bumabagsak ang mga pisngi mo. Siguro kailangan lang nating i-angat nang kaunti. Let me fix it,” wika ni Magnus.

At dahil regular naman itong ginagawa ng mister sa kaniya ay kampanteng pumayag naman si Amanda. Isinagawa ni Magnus ang kaniyang procedure.

Nagtaka si Amanda dahil kinailangan pa siyang turukan ng pampatulog ni Magnus gayong dati naman ay hindi naman kailangan ito.

At natapos ang ‘pag-ayos’ ni Magnus sa mukha ng misis.

Nanlaki ang mga mata ni Amanda at napatili siya nang makita ang mukha sa salamin.

“Magnus! Hon! Anong ginawa mo? Bakit ang pangit-pangit ko na? Bakit binalik mo sa dati ang ilong ko? Hon? Oh my God, you ruined my face!” naiiyak na sabi ni Amanda.

“Tama ka. Ako ang gumawa sa mukha mo at ako rin ang magbabalik niyan sa dati, perks of having a surgeon husband. Sorry ka na lang hon, gin*go mo ko eh.”

At ipinakita ni Magnus kay Amanda ang mga nakalimbag na litrato niya kasama ang kung sino-sinong mga lalaki.

“Umamin na sa akin si Tony that you two are having an affair! Walanghiya ka. Kung gagamitin mo lang din sa kalandian at panloloko sa akin ang kagandahang iyan, puwes, mas mainam na bawiin ko na lamang at ibalik natin sa dati ang hitsura mo, yung orihinal na hitsurang una kong minahal…” naiiyak na sabi ni Magnus kay Amanda.

Dahil guilty naman sa mga sinabi ni Magnus ay sising-sisi si Amanda sa kaniyang mga ginawang panloloko sa mister. Aminado naman siya, masyado siyang nalunod sa taglay niyang kagandahan at nasabik siyang gamitin ito upang ‘tumikim’ ng iba pang mga lalaki, na noon ay hindi niya naranasan dahil sa orihinal na anyo.

Simula noon ay hindi na masyadong lumabas ng kanilang tahanan si Amanda at naging mabuting asawa sa kaniyang mister na si Magnus, na mula noon pa man ay tinanggap kung ano ang kaniyang panlabas na kaanyuan.

Dahil green card holder si Magnus at nais niyang magamit nang husto ang pagiging mamamayan ng Amerika, minabuti nilang iwanan ang bansa at manirahan na doon upang magsimulang muli, kung saan walang makakikilala sa kanila.

Advertisement