Inday TrendingInday Trending
Masyadong Tutok sa Trabaho ang Dalaga at Walang Panahon sa Pakikipagkilala; Ngunit Isang Chatmate Pala ang Magpapatibok sa Kaniyang Puso

Masyadong Tutok sa Trabaho ang Dalaga at Walang Panahon sa Pakikipagkilala; Ngunit Isang Chatmate Pala ang Magpapatibok sa Kaniyang Puso

Workaholic ang dalagang si Janelle kaya naman minsan, kinakantiyawan siya ng kaniyang mga kasamahan sa trabaho bilang old maid. Siya na lamang kasi ang single. Ang mga kasamahan niya, kung hindi may asawa’t may sarili ng pamilya, may karelasyon.

Hindi naman sa wala talaga siyang karanasan sa pakikipagrelasyon; ang totoo niyan, may naging nobyo siya noong nasa kolehiyo pa lamang siya; kaya lamang, kinakailangan nilang magkalayo dahil nangibang-bansa ito para sa pamilya. Nawalan na rin sila ng komunikasyon ni David, pero kung tutuusin, ito ang kaniyang first love.

Isang gabi, habang abala sa kaniyang laptop si Janelle, isang friend request ang biglang nag-pop up. Hindi niya ito pinansin. Patuloy lamang siya sa paggawa ng kaniyang report. Ilang segundo lamang, sa sulok ng kaniyang mga mata ay nakita niyang may nagpadala ng mensahe sa kaniya.

Hi…

Hindi niya pinansin ito. Patuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa. Subalit nagpadala ulit ng

Puwedeng makipagkaibigan?

Saglit niyang inihinto ang ginagawa upang tingnan kung sino ang nagpadala ng mensahe. Nagulat siya sa kaniyang nakita dahil mukhang Koreano ang mga larawang nakita niya sa album nito. Nahihilig pa naman siya sa Koreanovela at panonood ng mga pelikulang Asian.

Tinugunan niya ang mensahe nito. Naisip niya, wala naman sigurong masama o mawawala kung makikipag-chat siya. Hindi talaga niya hilig ang humanap ng ka-chat, subalit hindi rin naman siya sarado para dito.

Hanggang sa ang pagre-reply ni Janelle sa mga chat ng estranghero ay nagkasunod-sunod na. Mukhang matino at maayos naman itong kausap. Hindi bastos. Subalit hindi pa muna niya tinanggap ang friend request nito.

Hanggang sa naging consistent na nga ang pag-uusap nilang dalawa sa chat. Ang pangalan nito ay Carlo Rosales, at batay sa mga larawan nito at sinasabi nito, ito raw ay isang Pilipinong may dugong Koreano.

Tumagal ang kanilang pag-uusap sa chat ng dalawang linggo. Hindi makapaniwala si Janelle at mag-eenjoy siyang kausap ito. Iba rin kasi ang may nakakausap, kahit sa pamamagitan lamang ng chat.

Papayag ka ba kung sakaling magkita tayo? Gusto kitang makita nang personal. Tanong ni Janelle kay Carlo. Matagal bago ito sumagot. Marahil ay nagtitimbang pa ng isasagot niya.

Oo naman. It’s my pleasure.

Tumagal ng dalawang buwan ang kanilang pag-uusap, at nakararamdam na ng kakaiba si Janelle. Posible nga bang mahulog ang kalooban sa taong ka-chat lamang? Mataman niyang sinusuri ang mga larawan nito sa album, at mukhang lehitimo naman. Kapag nanonood siya ng Koreanovela sa kaniyang laptop, hindi niya maiwasang kiligin at naaalala niya si Carlo.

Agad niyang ikinuwento sa kaibigan at kasamahang si Rhoda ang tungkol kay Carlo, nang sila ay lumabas at tumambay sa coffee shop matapos ang kanilang trabaho. Biyernes naman at wala naman silang pasok kinabukasan.

“Good to know, girl! Tama iyan. Wala naman masama sa ganiyan. Look at me, hindi ba sa dating app naman kami nagkakilala ng asawa ko. Ilang taon na kami ngayon, oh? Go lang. Basta mag-ingat ka lang,” payo ni Rhoda.

“Oo naman. Maingat naman talaga ako. Gusto ko na nga siyang makita at makaharap eh. Baka magkita na kami sa susunod na linggo,” sabi ni Janelle.

“That’s good! Kailangan mo ba ng chaperone? Ready ako,” alok ni Rhoda.

“Nakakahiya naman sa iyo, ano ka ba! Okay lang ako,” nakangiting sabi ni Janelle.

Isang linggo ang lumipas. Parang nababagalan si Janelle. Gusto na kasi niyang makaharap at makita nang personal si Carlo. At nang sumapit ang araw na iyon, natulala si Janelle sa taglay na kaguwapuha nito sa personal. Nagkita sila sa isang coffee shop sa loob ng mall.

Subalit nawala rin kaagad ang ngiti sa mga labi ni Janelle nang makita ang kasama nitong lalaki. Isang pamilyar na mukha. Walang iba kundi ang kaniyang first love, ang dating nobyong si David!

“Janelle, gusto kong magpaliwanag sa iyo. Kaya kita inadd sa Facebook ay dahil sa utos ng aking pinsang si David. Gusto ka niyang makita ulit, kaya lang nahihiya siya sa iyo,” paliwanag ni Carlo.

“Totoo iyon, Janelle. Sorry kung feeling mo niloko ka namin. Pero, gusto lang talaga kitang makita. Hindi ko alam kung paano kita lalapitan ulit. K-kaya… naisipan kong pakiusapan si Carlo na pinsan ko na kaibiganin ka sa Facebook.

Hindi maintindihan ni Janelle ang kaniyang mararamdaman. Pakiramdam niya, niloko siya ni David at ni Carlo. Agad siyang umalis at hindi na siya nagsabi ng kahit na anuman sa kanila. Humihingi ng tawad sa kaniya si Carlo.

Patawarin mo kami ni David, Janelle. Noong una, pumayag ako sa gusto niya na kaibiganin ka para mapapayag kang makipagkita sa akin, at magkausap kayo. Pero habang dumaraan ang mga araw, nagugustuhan na rin kita. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mahal na kita, Janelle. Sinabi ko na rin kay David ang nararamdaman ko sa iyo. Sana magkita tayo at mag-usap.

Pumayag na makipagkita si Janelle kay Carlo. Ayaw niyang pahirapan ang kaniyang sarili. Isa pa, wala na rin siyang nararamdaman para kay David. Sa kanilang pagkikita, isinama nito si David upang magkaroon ng closure sa pagitan nila. Pinalaya na nila ang isa’t isa.

Naging magkasintahan sina Janelle at Carlo. Tumagal ng dalawang taon ang kanilang relasyon, hanggang sa mapagpasiyahan nilang lumagay na sa tahimik.

Advertisement